Florante at Laura | Page 6

Francisco Balagtas
d? pa nagaganáp sa li-ig mo,i, bigláng nahulog ang tabác naanáo sa bibig mong hulíng pan~gun~gusap, ang "_adios bunso,t,_" búhay mo,i, lumipas.
?Ay amang amá co! cong magunam-gunam madla mong pag irog at pagpapalayao ipinapalaso n~g capighatian luhà niyaring púsòng sa mata,i, nunucál.
Ualáng icalauáng amá ca sa lupà sa anác na candóng ng pag-aaruga ang munting hápis cong sumungao sa muc-ha, sa habág mo,i, agad nanálong ang lúha.
Ang lahat ng toua,i, natapos sa aquin, samp? niyaring búhay ay naguing hilahil, amá co,i, hind? na malaong hihintín aco,i, sa payapang baya,i, yayacapin.
Sandaling tumiguil itóng nananangis, binig-yáng panahón lúha,i, tumaguistís niyaóng na aauang morong naquiquinyig, sa habág ay halos mag putóc ang d?bdib.
Tinutóp ang púsò at saca nag say-say 'cailan a iya lúha co,i, bubucál n~g habág cay amá at panghihinayang para ng panaghóy ng nananambitan?[30]
Sa sintáng inagao ang itinatan~gis, dahilán n~g aquing lúhang nagbabatis yaó,i, nananaghóy dahil sa pag-ibig sa amang namatáy na mapagtang-quilic.
Cun ang ualang patid na ibinabahá. n~g m~ga mata ko,i, sa hinayang mulà sa m~ga palayao ni amá,t, arugà malaquíng pálad co,t, matamís na luhà.
N~guni,t, ang nanaháng maralitang túbig sa muc-ha,t, dibdib cong laguing dumidilig cay amá n~ga galing dapoua,t, sa ban~gís hind? sa anduca, at pagtatang-quilic.
Ang matatauag cong palayo sa aquin n~g amá co,i, tóng acó,i, pagliluhin, agauan n~g sintá,t, panasa-nasaing lumubóg sa dusa,t, búhay co,i, maquitil.
?May para cong anác na napanganyayá ang layao sa amá,i, dusa,t, pauang lúhà hindi nacalasáp kahit munting touà sa masintang ináng pagdaca,i, naualà!
Napahint? rito,t, narin~gig na mul? ang pananambitan niyaóng natatal?, na ang uica,i, "Laurang aliu niyaring budh?[31] pa-alam ang abáng candóng n~g paghati.
Lumaguì ca naua sa caligayahan sa haráp n~g d?mo esposong catipán, at houag mong datnín yaring quinaratnán n~g casign linimot, at pinagliluhan.
Cong nagban~gis cama,t, nagsucáb sa aquin, mahal ca rin lubha dini sa panimdím, at cong mangyayari hangáng sa malibíng ang m~ga butó co quita,i, sisintahín.
D?pa natatapos itóng pan~gun~gusap may dalauang Leóng han~gós ng paglacad, siya,i, tinuton~go,t, pagsil-in ang han~gad; n~guni,t, nan~ga tiguil pag datíng sa haráp.
Nan~ga-aua mandi,t, naualán n~g ban~gis sa abáng sisil-ing larauan ng sáquit, nan~ga-catingala,t, parang naquinyig[32] sa d? lumilicat na tin~gistan~gis.
?Anóng loob caya nitóng nagagapus, n~gayóng na sa haráp ang dalauáng hayóp, na ang balang n~gipí,t, cucó,i, naghahandóg isang camatayang caquila-quilabot!
D? co na masabi,t, lúhà co,i, nanatác, na-uumid yaring dilang nan~gun~gusap, pusò co,i, nanglalambot sa malaquing habág sa ca-aua-auang quinucob ng hirap.
?Sinong d? mahapis na may caramdaman sa lagay ng gapús na calumbay-lumbay,[33] lipus n~g pighati sacá tinutunghán, sa lamán at butó niya, ang hihimáy!
Catiuala na n~ga itóng tiguib sáquit na ang búhay niya,i, tungtóng na sa guhit, linagnát ang pusò,t, nasira ang voses, dína mauatasan halos itóng hibic.
"Paalam Albaniang pinamamayanan n~g casama,t, lupit, han~gis caliluhan, acóng tangulan mo,i, cusa mang pinatay, sa iyó,i, malaquí ang panghihinayang.
Sa loob mo naua,i, houag mamilantic ang panirang talím n~g catalong caliz; magcá espada cang para ng binitbit niyaring quinuta mong canang matang-quilic.
Quinasuclamán mo ang ipinan~gacò sa iyó,i, gugulin niniyac cong dugò at inibig mopang hayop ang mag bubò, sa cong itangól ca,i, maubos tumúlo.
Pagcabatà cona,i, ualáng inadhicà cund? pag-lilincod sa iyó,t, calin~gà ?d? maca-iláng cang babaling masirá ang mga camáy co,i, siyang tumimauà?
Dustáng camatayan ang bihis mong bayad; dapoua,t, sa iyo,i, mag papasalamat, cong pacamahali,t, houag ipahamac ang tinatan~gisang guiliu na nagsucáb.
Yaóng aquing Laurang hindi mapapacnít n~g camatayan man sa tapát cong dibdib; ?ipa-alam bayan co, pa-alam na ibig, magdarayang sintang di manao sa ísip!
Bayang ualáng loob, sintáng alibugha, Adolfong malapit, Laurang magdaraya, magdiuang na n~gayo,t, manulos sa toua, at masusunod na sa aquin ang násà.
Na sa harap co na ang lalong maraual, mabin~gís na lubháng lahing camatayan malulubos nan~ga ang inyóng casamán, gayon din ang aquing aalipustaán.
?Sa abáng-abá co! diata ó Laura mamamatáy aco,i, hind? mo na sintá! itó ang mapait sa lahat nang dusa, ?Sa quin ay sino ang mag-aala-ala!
Diyata,t, ang aquing pagca-panganyáya d? mo tatapunang ng camunting lúhà, cong yaring búhay co,i, mahimbíng sa ualà d? babahaguinan n~g munting gunita!
Guni-guning itó,i, lubháng macamandág ágos na lúhà co,t, púsò co,i, ma-agnás, túlò caloloua,t, sa mata,i, pumulàs, cayóaquing dugo,i, mag-unahang matác.
Nang matumbasan co ang lúhà, ang sáquit[34] nitóng pagcalimot n~g tunay cong ibig; houag yaring buháy ang siyang itan~gis cund? ang pagsintang lubós na na-amis.
Sa tinaghoy-taghóy na casindac-sindác, guerrero,i, hind? na napiguil ang habág, tinuntón ang voses at siyang hinanap, patalim ang siyang nagbucás n~g landás.
Dauag na masinsi,i, naglagui-laguitic sa dágoc n~g lubháng matalas na cáliz, moro,i, d? tumugot hangang d? nasapit ang binubucalán ng maraming tan~gis.
Anyóng pantay-matá ang lagay n~g arao niyóng pagcatun~go sa calulunuran[35] siyang pagcataos sa quinalalag-yan nitóng nagagapus na cahambalhambál.
Nang malapit siya,t, abutin ng suliáp ang sa pagcatali,i,[36] liniguid n~g hirap, naualán n~g diua,t, lúha,i, lumagaslás, catao-án at púso,i, nagapus ng habág.
Malaong natiguil na d? nacaquib? hinin~ga,i, hinabol na ibig lumayò, matutulog disin sa habág ang dug?, cundan~gan nagbangís Leong nan~gag-tay?.
Na-acay n~g gútom at gauing manila, ang-ul? sa ganid at naualang aua, handa
Continue reading on your phone by scaning this QR Code

 / 31
Tip: The current page has been bookmarked automatically. If you wish to continue reading later, just open the Dertz Homepage, and click on the 'continue reading' link at the bottom of the page.