sa may pag sintang púsò mo,i, mag mula.
Catao-ang co,i, n~gayón siyasatin, ibig, tigní ang súgat cong dí gaua nang cáliz hugasan ang dugóng nanálong sa guitguít nang camay co, paa,t, natataling li-ig.
Halina, irog co,t, ang damít co,i, tingnán, ang hind? mo ibig dampioháng calauang calaguín ang lubid, at iyong bihisan, matinding disa co,i, nang gumaán-gaán.
Ang m~ga matá mo,i, cun iyóng ititig dini sa any? cong sadlacan nang sáquit upanding mapiguil ang tacóng mabilís niyaring abáng búhay sa icapapatíd.
Uala na Laura,t, icao nan~ga lamang ang macalulunas niyaring cahirapan; damhín nang camay mo ang aquing catauan, at bangcay man aco,i, mulíng mabúbuhay!
N~guní ?sa abáco! ?ay sa laquing hirap! uala na si Laura,i, laquing tinatauag! napalayo-layo,t, di na lumiliyag, ipinag cánolò ang sintá cong tapát.
Sa ibang candun~ga,i, ipinagbiyayà ang púsong aquin na, at aco,i, dinayá boóng pag-ibig co,i, ipinan~ganyaya linimot ang sintá,t, sinayang ang luhá.
Alin pa ang hirap na d? na sa aquin? may camatayan pang d?co dadamdamín? ulila sa Amá,t, sa Ináng nag-angquin, ualang kaibiga,t, linimot ng guiliu.
Dusa sa puri cong cúsang siniphayò, palasong may lasong natiric sa púsò; habág sa Amá co,i, túnod na tumimo; aco,i, sinusunog niyaring panibughò.
Ito,i, siyang una sa lahat n~g hirap, pag dayà ni Laura ang cumacamandág dini sa búhay co,i, siyang magsa-sadlac sa lingin~gang la-án ng masamáng palad.
O conde Adolfo,i, ilinapat mo man sa aquin ang hirap n~g sangsinucuban, ang caban~gisan mo,i, ipinasalamatan, ang púsò ni Laura,i, cong hind? inagao.
Dito nag-himutóc ng casindac-sindác na umaalin~gao-n~gao sa loob n~g gúbat tinangay ang diua,t, caramdamang hauac n~g buntóng hinin~ga,t, lúhang lumagaslás.
Sa púno n~g cahoy ay napa-yucayoc, ang li-ig ay supil n~g lúbid na gapos, bangcay na mistula,t, ang culay na buroc n~g caniyang muc-ha,i, naguing puting lubós.
Nagcataón siyáng pagdatíng sa gúbat n~g isang guerrerong bayani ang ticas, putong na turbante, ay calin~gas-lin~gas, pananamit moro sa Persiang Ciudad[L]
Piniguil ang lacad, at nagtanao-tano, anaqui ninita ng pag-pahingahán di caquinsa-guinsa,i, ipinagtapunan ang pica,t, adarga,t, nagdaóp ng camay.
Sacá tumin~galá,t, mata,i, itiniric sa bubóng ng cahoy na taquip sa Lan~git, estátua manding nacatayo,t, umíd, ang buntóng hinin~gá niya,i, ualang patid.
Nang magdamdam n~gauit sa pagayóng anyò, sa punó n~g isang cahoy ay umup? nag-uicang "_ó palad_" sabay ang pagtulò, sa matá, ng lúhang anaqui,i, palasò.
Olo,i, ipinatong sa caliuang camay at sacá tinutop, ang noó, ng canan, anaqui mayroong guinugunam-gunam isang mahalagang nalimutang bagay.
Malao,i, humilig nag ualang bahala dirin cumacati ang batis ng lúha, sa madláng himutoc, ay casalamuhá ang uicang "_Flerida,i, tapus na ang touá_".
Sa balang sandal? ay sinasabugan yaóng boóng gúbat n~g maraming ?ay! naquiquituno sa huning mapanglao n~g pang-gabing ibon doó,i, nagtatahán.[M]
Mapamaya-maya,i, nag ban~gong nagulat, tinangnán ang pica,t, sampo n~g calasag nalimbag sa muc-ha ang ban~gís n~g Furias[N] "_d? co itutulot_" ang ipinahayág.
"At cung cay Flerida,i, ibá ang umagao at d? ang amá cong dapat na igalang, hind? co masabi cun ang picang tan~gan bubugá n~g libo,t, lacsáng camatayan.
Bababa si Marte mula sa itaás[O] sa ca-ilalima,i, áahon nang Parcas,[P] boong galit nila, ay ibubulalàs yayacaguin niyaring camáy cong marahàs.
Sa cucó nang lilo,i aquing àagauin ang cabiyác niyaring calolouang angquín, liban na cay Amá, ang sino ma,t, alin ay d? igagalang nang tangang patalím.
?O pag sintang labis nang capangyarihan sampong mag aamá,i, iyong nasasaclao! pag icao ang nasoc sa púsò ninoman hahamaquing lahat masunód ca lamang!
At yuyuracan na ang lalong daquilá bait, catouira,i, ipan~gan~ganyaya boong catungcula,i, uaualing bahalà sampo nang hinin~ga,i, ipauubayà.
Itong quinaratnán nang palad cong linsil salamíng malinao na sucat mahalín nang macatatatáp, nang hind? sapitin ang cahirapan cong di macayang bathín.
Sa mauica itó lúhà,i, pina-agos, pica,i, isinacsac, sacá nag himutóc, nagcataón naimáng parang isinagót, ang buntóng hinin~gá, niyaóng nagagapus.
Guerrero,i, namangha nang ito,i, marin~gig, pinabaling-baling sa gúbat ang titig, nang ualang maquita,i, hinintay umulit, d? namán nala,i, nag bagong humibíc.
Ang bayaning moro,i, lalò nang namaáng "sinong nananaghóy sa ganitóng iláng?" lumapit sa dacong pinan~gagalingan nang buntóng hinin~ga,t, pinaquimatyagán.
Inabutan niya,i, ang ganitóng hibic ?ay mapagcandiling Amáng ini-ibig! ?baquit ang búhay mo,i, na unang napatid, aco,i, inolila sa guitna nang sáquit?
Cong sa gunita co,i, pagcuru-curuin ang pagcahulog mo sa camay nang tacsíl, parang naquiquita ang iyóng naratíng parusang marahás na calaguim-laguim.
At alin ang hirap na d? icacapit sa iyó nang Duque Adolfong malupit[29] icao ang salamín sa Reino nang bait pagbubuntuhang ca nang malaquing gálit.
Catao-an mo Amai,i, parang namamalas n~gayón nang buns? mong iugami sa hirap pinipisang-pisang at iniuaualat nang paua ring lilong verdugo nang sucáb.
Ang nagcahiualay na lamán mo,t, butó, camay at catao-áng nálay? sa úlo, ipinag-haguisan niyaóng mga lilo at ualang maauang maglibing na tauo.
Sampo nang lincód mo,t, m~ga cai-bigan cong campi sa lilo,i, iyo nang ca-auay, ang d? nagsi-ayo,i, natatacot naman bangcay mo,i, ibaó,t, mapaparusahan.
Hangan dito ama,i, aquing naririn~gig, nang ang iyóng úlo,i, tapát sa caliz ang panambitan mo,t, dalan~gin sa Lan~git na aco,i, maligtás sa cucóng malupít.
Ninanásà mo pang acó,i, matabunan n~g bangcay sa guitna n~g pagpapatayan, nang houag mahúlog sa panirang camay ng Conde Adolfong higuit sa halimao.
Pananalan~gin mo,i,
Continue reading on your phone by scaning this QR Code
Tip: The current page has been bookmarked automatically. If you wish to continue reading later, just open the
Dertz Homepage, and click on the 'continue reading' link at the bottom of the page.