Florante at Laura | Page 4

Francisco Balagtas
ang ipinangahás n~g Conde Adolfo sabugan n~g sama ang Albaniang[K] Reino.
Ang lahát nang itó, ma-auaing lan~git[22] iyóng tinutunghá,i, anó,t, natitiis?[23] mula ca n~g boong catouira,t, bait pinapayagan mong ilubóg n~g lupít?
Macapangyarihang cánan mo,i, iquilos, papamilansiquín ang cáliz n~g poot, sa Reinong Albania,i, cúsang ibulusoc ang iyóng higantí sa masamáng loob.
Baquit calan~gita,i, bingí ca sa aquin ang tapat cong luhog ay hindi mo dingín? dí yata,t, sa isang alipusta,t, ilíng sampong tain~ga mo,i, ipinan~gun~gulíng?
Datapua,t, sino ang tataróc caya sa mahál mong lihim Dios na daquilà? ualáng mangyayari sa balát n~g lupà dì may cagalin~gang iyóng ninanásà.
?Ay d? saán n~gayón acó man~gan~gapit! ?saán ipupucól ang tinangis-tangis cong ayao na n~gayong din~giguin ng Lan~git[24] ang sigao n~g aquing malumbay na voses![25]
Cong siya mong ibig na aco,i, magdusa Lan~git na mataás aquing mababata iságì mo lamang sa púso ni Laura aco,i, minsan minsang mapag ala-ala.
At dito sa laot n~g dusa,t, hinagpis, malauac na luhang aquing tinatauid gunita ni Laura sa naabáng ibig siya co na lamang ligaya sa dibdib.
Munting gunam-gunam n~g sintá co,t, mutya n~g dahil sa aqui,i, daquila cong toua, higuít na malaquíng hírap at dalita parusa ng táuong lilo,t, ualang aua.
Sa pagka gapus co,i, cong guni-gunihín malamig nang bangcay acong nahihimbíng[26] at tinatan~gisan nang sula co,t, guiliu, ang pagca-búhay co,i, ualang hangá mandin.
Cong apuhapin co sa sariling isip ang suyúan namin nang pili cong ibig, ang pag luha niyá cong aco,i, may hapis naguiguing ligaya yaring madláng sáquit.
?Ngunì sa abá co! ?sauing capalaran! anópang halagá nang gayóng suyúan cun ang sin-ibig co,i, sa catahimican ay humihilig na sa ibáng candun~gan?
Sa sinapupunan nang Conde Adolfo aquing natatanáo si Laurang sintá co, camataya,i, nahan ang dating ban~gis mo? nang díco damdamín ang hirap na itó.
Dito hinimatáy sa pag hihinagpís sumúcò ang püsò sa dahás nang sáquit, ulo,i, nalun~gay-n~gay, lúhà,i, bumalisbís, quinagagapusang cahoy ay nadilíg.
Mag mula sa yapac hangang sa ulunán nalimbág ang ban~gís nang capighatían, at ang panibugho,i, gumamit nang asal nang lalong marahás lilong camatayan.
Ang cahima,t, sinong hind? maramdamin cong ito,i, maquita,i, mag mamahabáguin, matipid na lúhà ay pa-aagusin ang nagparusa ma,i, pilit hahapisin.
Súcat na ang tingnàn ang lugaming anyo nitong sa dálita,i, hindi macaquib? aacaing bigláng umiyác ang pús? cong uala nang lúhang sa mata,i, itúl?.
Ga-ano ang áuang bubugs? sa dibdib nang may caramdamang ma anyóng tumitig cun ang panambita,t, daing ay marin~gig nang mahimasmasan ang tipon nang sáquit?
Halos boong gúbat ay na sa sabúgan nang ina-ing-aing na lubháng malumbáy[27] na inu-ulit pa at isinisigao sagót sa malayò niyaóng alin~gao-n~gao,
?Ay Laurang poo,i,! baquit isinúyò sa iba ang sintang sa aqui pan~gacò at pinag liluhan ang tapat na púsó pinang-gugulan mo nang lúhang tumuló?
D? sinumpa-án mo sa haráp nang lan~git na d? maglililo sa aquing pagibig? ipinabigay co namán yaring dibdib[28] uala sa gunita itóng masasapit.
Catiualà aco,t, ang iyòng carictán capilas nang Lan~git anaqui matibay, tapát ang púsò mo,t, d? nagunamgunam na ang pag lililo,i, na sa cagandahan.
Hind? co acalang iyóng sa-sayan~gin maraming lúhà mong guinugol sa aquin taguring madalás na acó ang guiliu, muc-ha co ang lunas sa madláng hilahil.
Di cong acó Poo,i, utusang mang-gúbat nang Hari mong Amá sa alín man Ciudad cong guinagauá mo ang aquing saguisag dalauá mong matá,i, nanalong nang perlas?
Ang aquing plumage cung itinatal? nang parang corales na iyóng dalir? buntóng hihin~gá mo,i, naquiqui-ugal? sa quilos nang guintóng ipinananah?.
Macailan Laurang sa aqui,i, iabot, basa pa nang lúhà bandang isusuut, ibinibigay mo ay nag hihimutóc tacot masugatan sa paquiquihamoc.
Baluti,t, coleto,i, d? mo papayagan madampi,t, malapat sa aquing catao-an cund? tingnan muna,t, baca may calauang ay nan~gan~ganib cang damit co,i, marumhán.
Sinisiyasat mo ang tibay, at quintáb na cong sayaran man nang tagá,i, dumulás at cong malayò mang iyóng minamalas sa guitna nang hokbo,i, makilalang agád.
Pahihiasan mo ang aquing turbante nang perlas topasio,t, maningníng na rubé, bucód ang magalao na batóng diamante pún? nang n~galan mong isang letrang L.
Hangang aco,i, uala,t, naquiquipag-hámoc nang aapuhap ca nang pang aliu loob; manalo man aco,i, cun bagong nanasoc naquiquita mo na,i, may dalá pang tácot.
Boong pan~ganib mo,i, baca nagca sugat di maniniualà cundi masiasat at cung magcagurlís nang munt? sa balát hinuhugasan mo nang lúhang nanatác.
Cung aco,i, mayroong cahapisang munt? tatanun~gin moná cun anó ang sanh?, hangang di malining ay idinaramp? sa mga muc-ha co, ang rube mong láb?.
Hind? ca tutugot cund? matalastás, cacapitan monang mag bigla nang lúnas, dadalhin sa jardi,t, doon ihahanap, nang ica-aaliu, sa mga bulaclác.
Iyong pipitasín ang lalong mariquít dini sa li-ig co,i, cúsang isasabit tuhog na bulaclac sadyáng saglit-saglit, pag-uupandín mong lumbay co,i, mapacnít.
At cun ang hapis co,i, hind? masauata sa pilic-matá mo,i, dadáloy ang lúha na pasaán n~gayón ang gayóng aruga sa dalá cong sáquit ay di i-apula?
Halina Laura,t, aquing cailangan n~gayon, ang lin~gap mo nang naunang arao, n~gayón hinihin~g? ang iyong pag-damay; ang abáng sintá mo,i, na sa camatayan.
At n~gayóng malaqui ang aquing dálita, ay d? humahanap nang maraming lúha, sucat ang capatác na maca-apula cun
Continue reading on your phone by scaning this QR Code

 / 31
Tip: The current page has been bookmarked automatically. If you wish to continue reading later, just open the Dertz Homepage, and click on the 'continue reading' link at the bottom of the page.