Florante at Laura | Page 3

Francisco Balagtas
co ng sabing may toua _sa isa catauo,i, marami ang handa_.
Ano pan~ga,t, ualang d? nasisiyasat, ang pagiisipco sa touang cumupas sa cagugunita, luha,i, lalagaslás sabay ang taghoy cong "?ó, nasauing palad!"
Nasaan si Celiang ligaya ng dibdib? ang suyuan nami,i, baquít dí lumauig? nahan ang panahóng isá niyang titig ang siyang búhay co, caloloua,t, Lan~git?
Baquit bagá niyaóng cami mag hiualay ay d?pa naquitil yaring abáng búhay? con gunitain ca,i, aquing camatayan[8], sa puso co Celia,i, dica mapaparam[9].
Itong d? matiis na pagdaralita nang dahil sa iyo, ó nalayóng toua, ang siyang umacay na aco,i, tumula auitin ang búhay nang isang na aba.
Celia,i, talastás co,t, malabis na umid, mangmáng ang Musa co,t, malumbay ang tinig di quinabahag-ya cong hindí malait palaring dinguin mo ng tainga,t, isíp.
Ito,i, unang bucal nang bait cong cutad na inihahandóg sa mahal mong yapac[10] tangapin mo naua cahit ualang lasáp nagbúhat sa puso nang lingcód na tapát.
Cong casadlacán man ng pula,t, pag ayop tubo co,i, daquila sa puhunang pagod, cong binabasa mo,i, isá mang himutóc ay alalahanin yaríng nag hahandóg.
Masasayáng Ninfas sa laua nang Bay, Sirenas, ang tinig ay cauili-uili cayó n~gayo,i, siyang pinipintacasi n~g lubháng mapanglao na Musa cong imbi.
Ahon sa dalata,t, pangpang na nag liguid tunuhan nang lira yaring abáng auit na nag sasalitáng búhay ma,i, mapatid, tapát na pag sinta,i, han~gad na lumauig[11].
Icao na bulaclac niyaring dili-dili, Celiang saguisag mo,i, ang M. A. R. sa Virgeng mag-Iná,i, ipamintacasi ang tapát mong lingcód na si F. B.

SA BABASA NITO
Salamat sa iyo, ó nánasang írog, cong halagahán mo itóng aquing pagod, ang tula ma,i, bucál nang bait na capós, paquiquinaban~gan nang ibig tumaróc.
Cong sa bigláng tin~gi,i, bubót at masacláp palibhasa,i, hilao at mura ang balát ngunit cung namnamín ang sa lamáng lasáp masasarapán din ang babasang pantás.
Di co hinihin~ging pacamahalín mo, tauana,t, dustaín ang abáng tula co gauin ang ibigui,t, alpa,i, na sa iyó ay houag mo lamang baguhin ang verso.
Cong sa pagbasa mo,i, may tulang malabo bago mo hatulang catcatin at lic?[12] pasuriin muna ang luasa,t, hul?[13] at maquiquilalang malinao at uast?.
Ang may tandang letra alin mang talata dimo mauatasa,t, malalim na uicà ang mata,i, itin~gin sa dacong ibaba[14] boong cahuluga,i, mapag uunauà.
Hangán dito acó ó nánasang pantás,[15] sa cay Sigesmundo,i, houag ding mátulad sa gayóng catamis uicang masasaráp ay sa cababago nang tula,i, umalat.
(Sa cursiva o bastardilla)

PUNò NANG SALIT?
Sa isang madilím gúbat na mapanglao[A] dauag na matinic, ay ualáng pag-itan, halos naghihirap ang cay Febong silang[B] dumalao sa loob na lubhang masucal.
Malalaquing cahoy ang inihahandóg pauang dalamhati, cahapisa,t, lungcót huni pa n~g ibon, ay nacalulunos sa lalong matimpi,t, nagsasayáng loob.
Tanáng mga baguing, na namimilipit sa sangá ng cahoy, ay balót n~g tinic may bulo ang bun~ga,t, nagbibigay sáquit sa cangino pa máng sumagi,t, málapit.
Ang m~ga bulaclac n~g nag tayong cahoy pinaca-pamuting nag ungós sa dahon pauang culay lucsa, at naquiqui ayon sa nacaliliong masangsang na amoy.
Caramiha,i, Ciprés at Higuerang cutád,[C] na ang lilim niyaón ay nacasisindác ito,i, ualang bun~ga,t, daho,i, malalapad, na nacadidilím sa loob ng gubat.
Ang m~ga hayop pang dito,i, gumagala caramiha,i, Sierpe,t, Baselisco,i, mad-la, Hiena,t, Tigreng ganid nanag sisi sila, ng búhay n~g tauo,t, daiguíng capoua.
Ito,i, gúbat manding sa pinto,i, malapit n~g Avernong[D] Reino ni Plutong masun~git[E] ang nasasacupang lupa,i, dinidilig[16] n~g ilog Cocitong camandag ang túbig.[F]
Sa may guitna nito mapanglao na gubat may punong Higuerang daho,i, culay pupás, dito nagagapos ang cahabag habag isang pinag usig n~g masamang palad.
Bagong tauong basal, na ang anyo,t, tindig[17] cahit natatalì camay, paá,t, liig cund? si Narciso,i,[G] tunay na Adonis[H] muc-ha,i, sumisilang sa guitna n~g sáquit.
Maquinis ang balát at anaqui buroc pilicmata,t, quilay mistulang balantók bagong sapóng guinto ang cúlay n~g buhóc sangcáp n~g cataua,i, pauang magca-ayos.
Dan~gan doo,i, ualang Oreadang Ninfas,[I] gúbat na Palacio n~g masidhing Harpías,[J] nangaaua disi,t, na acay lumiyag sa himaláng tipon n~g caricta,t, hirap.
Ang abáng oyamin n~g dálita,t, sáquit ang dalauang mata,i, bucál ang caparis, sa lúhang nanatác, at tinan~gis-tan~gis ganito,i, damdamin n~g may auang dibdib.
Mahiganting lan~git, ban~gis mo,i, nasaan? n~gayo,i, naniniig sa pagcá-gulaylay bago,i, ang bandilà n~g lalong casam-an[18] sa Reinong Albania,i, iniuauagayuay?
Sa loob at labás, n~g bayan cong sau? caliluha,i, siyang nangyayaring har? cagalin~ga,t, bait ay nalulugam? ininís sa hucay nang dusa,t, pighat?.
Ang magandang asal ay ipinupucól sa láot n~g dagat n~g cut-ya,t, lingatong balang magagalíng ay ibinabaón at inalilibing na ualáng cabaong.
N~guni, ay ang lilo,t, masasamang loób sa trono n~g puri ay inalulucloc at sa balang sucáb na may asal hayop maban~gong incienso ang isinusuob.
Caliluha,t, sama ang úlo,i, nagtay? at ang cabaita,i, quimi,t, nacayuc?, santong catouira,i, lugamì at hap?, ang lúha na lamang ang pinatutul?.
At ang balang bibíg na binubucalán nang sabing magalíng at catutuhanan agád binibiác at sinisican~gan nang cáliz n~g lalong dustáng camatayan.
?O tacsíl na pita sa yama,t, mataás![19] ?o hangad sa puring hanging lumilipas! icao ang dahilan n~g casamáng lahat[20] at niyaring nasapit na cahabághabág.[21]
Sa Corona dahil n~g haring Linceo at sa cayamanan n~g Duqueng Amá co,
Continue reading on your phone by scaning this QR Code

 / 31
Tip: The current page has been bookmarked automatically. If you wish to continue reading later, just open the Dertz Homepage, and click on the 'continue reading' link at the bottom of the page.