Namamali ka, kaibigan; hindi kami ang nagsimula n~g gayon?
Raf. At sino?
Ang Dal. Hindi namin alam.
Esp. (Ap. kay Raf.) Bayaan mo na sil��. Sila'y pinatatawad namin.
Del. N~guni't, saan n~ga po ba naroroon si Artemio?
Raf. ?Bakit anong pilit n~g inyong pagtatanong sa kaniya?
Del. Pagka't, mayroon kaming ibabalitang isang bagay.
Sal. Tunay n~ga po, ibabalita namin sa kaniya na siya ay.... pinata....
(Lalabas si Artemio, na may tali'y na dalawang sisiglan n~g gamot.)
=VI TAGPO=
=Sila din at si Artemio=
Esp. (Sasalubun~gin). ?Salamat, dumating ka! Kan~gina ka pa hinihintay n~g m~ga kaibigan mo ...
Raf. (Yayakapin) ?Mahal na kaibigan!...
Art. (Yayakapin din). ?Kaibigang Rafael!...
Sal. Kaibigang Artemio ... (Anyong yayakapin).
Art. (Pataka). ?Aba, naririto pala kayo!... (Ap). ?Ano kaya ang sanhi?
Del. Ipagtataka mo n~ga marahil, n~guni't kapag natanto mo ang sanhi n~g gayon, ay hindi malayong iyong ikatutuwa.
Sal. Tunay, ang sinabi ni Delfin. Naparito kami upang ibalita sa iyo, na kumalat ang balitang ikaw ay may sakit na malubha.
Art. (Pan~giti). Malubha ang aking sakit? ?Nabalita ang gayon? Saan?
Del. Sa lahat n~g m~ga pahayagan dito.
Art. Sa m~ga pahayagan? (Kulang n~g paniwala.) Huwag sana ninyo akong biruin n~g ganyan....
Sal. Hindi biro, kaibigan....
Art. Sa makatwid pala ay tu ...
Del. Oo, tunay, maniwala ka sa aming ibinalita sa iyo.
Art. ?Hindi kaya iyan, ay katulad n~g inyong ginawa sa akin na pagkatapos na udyukan upang tumun~go sa bahay n~g aking m~ga magulang n~g doo'y ipinagdiriwang ang kanyang kapistahan, na pagkatapos ay kay�� pa ang siyang umalipusta sa akin? ?Hindi kaya it�� ay isa na namang kabuluhang ibig ninyong idulot sa akin?
Del. (Papakumbaba). Maniwala ka sa aming hindi.
Sal. At ang balitang ibibigay namin sa iyo, ay kagab�� lamang namin tinangap. ?At, nalalaman mo ba kung saang bahay namin tinanggap?
Art. (Boong pagnanasa). Kan~gino?
Esp. at Raf. Siya n~ga, kan~gino?
Del. Sa bahay n~g iyong pap��.
Art. Sa bahay n~g pa ...? (Alinlan~gan) ?Ah!... Hindi ko mapaniniwalaan!
Del. Ayaw kang maniwala? Siya, m~ga ilang saglit na lamang, at makikita mo din kung ang balita namin ay biro lamang ...
Sal. At, lalong hindi ninyo mapaniniwalaan marahil kung aking sabihin na, tanggapin n~g mag-asawa ni D. Luis ang balitang tinuran na, ay kapuwa nan~gapaiyak, at si D. Luis ay nagturing na ?Amalia, tun~guhin natin siya? ...
Art. (Kulang paniniwala. Waring galit). Salustiano, Delfin, hangga n~gayon ay ipinalalagay ko pa kayong kaibigan, n~guni't utang na loob kong kikilanlin sa inyo na huwag na akong biruin. Huwag na ninyong ulitin kapuwa ang pagbabalita n~g hindi tunay. Ang aking ama ay hindi makapagpapatawad sa akin, talos ko ang kanyang ugali. At talos ko din naman na kanya nang ipahihiwatig sa m~ga lalong kapalagayang loob na ako'y kaniyang isinusumpa ... At wala akong mahihintay na mana sa kaniya ...
Del. Maniwala ka at siya ay paparito.
Sal. Tunay, gayon ang kanilang sinabi sa akin.
Art. ?Paparito? (Galit) ?Sukat na n~g inyong pagkutya! ?Sukat na!...
Sal. Huwag kang magalit. Sa katunayan, ang mama mo ay itinanong pa tuloy sa inyong Papa kung ikaw ay pinatatawad na niya sa iyong pagkakamali.
Art. (Kulang n~g paniniwala). At ano ang isinagot?
Sal. Na ikaw ay pinatatawad niya, at muling kinikilalang anak, alalaong baga'y parang walang nangyari sa inyo.
(Makaririn~gig n~g m~ga yabag n~g kabayong wari ay katitigil lamang sa tapat n~g bahay ni Artemio. Dudun~gaw si Rafael at pagkatapos ay sasabihing sakdal tuwa.)
Raf. Artemio, naririto ang iyong m~ga magulang! (Lalabas na nagdudumali sina D. Luis at D.a Amalia.)
=VII TAGPO=
=Sila din at si D. Luis at D.a Amalia=
D. Luis. (Yayakapin) ?Artemio!.... ?Anak kong mahal!
D.a Am. (Yayakapin) ?Anak ko!
Artemio. ?Pap��, Mam��!... Patawarin ninyo kamil!... (luluhod siya.)
D. Luis. Pinatatawid kana namin!... (Makikita si Esperanza pa pakatin~gin lamang sa kanila na waring takot at tatawagin.)
?Esperanza halika!...
Esp. (Lalapit n~g patakot) ?Patawarin mo na po kami!..... (Luhod).
D. Luis. (Ititindig at yayakapin si Esperanza.) Pagtindig, Esperanza, at ikaw ay pinatatawad namin!..... Ako, oo, ak�� ang siyang lalo mo pang dapat patawarin dahil sa pagapi kong ginawa sa iyo.
Lalabas si D. Mateo.
=VIII TAGPO=
=Sila rin at si Mateo=
D. Mat. (Mula sa pintuan) ?Se puede?
D. Luis. ?Patuloy po kay��!... Ginoong Notario.
Art. (Ap) ?Ano ang ibig sabihin nito?
D. Mat. Naparito po ak�� upang ipagbigay alam sa iny�� ang huling habilin at pasya n~g isang amain n~g inyong asawa. (Kay Artemio)
Art. (Pataka) N~g aking pong asawa? (Ang lahat n~g m~ga panauhin ay mapataka. Lalo na si Esperanza.)
D. Mat. Oo, po. Isang amain nila (Ituturo si Esperanza) na siyang lalong mayaman sa Misamis na nagn~gan~galang Pedro Abelario, na kamamatay pa lamang sa Bayang ito ay inihalal niyang tunay na magmamana sa lahat n~g kaniyang pag-aari.
Art. (Kulang pa din n~g paniwala) ?Tunay n~ga po ba?
D. Mat. Tunay po. At sa katotohanan, ay, naririto po ang testamento, at sampu n~g lahat n~g kayamanan.
(Bubuksan ang kanyang tan~gang Kartera, at ibibigay ang testamento, m~ga dokumento at m~ga salapi.)
Art. (Boong galak) ?Esperanza, Mama, Papa.. M~ga kaibigan ko.
Lahat. (Pataka) ?Ano ang nangyayari?
Art. (Matuwa). Si Esperanza ay heredera n~g lahat n~g m~ga kayamanan n~g isang amain niya na kamamatay lamang.
Lahat. ?Tunay?
Art. Tunay. At talos ninyo kung magkano? Limang pung libo....
Lahat. ?Tunay n~ga
Continue reading on your phone by scaning this QR Code
Tip: The current page has been bookmarked automatically. If you wish to continue reading later, just open the
Dertz Homepage, and click on the 'continue reading' link at the bottom of the page.