Esperanza | Page 2

Jose Maria Rivera
po!
Lalabas si Ramon.

=III TAGPO=
=Siya din at si Ram��n=
Ram. ?Esperanza!... ?Anong say�� at nakita kitang ul? ... (Anyong yayakapin).
Esp. (Pasansala kay Ram��n at waring galit). Ginoo! dahandahan! Huwag ka po magasal n~g papaganiyan.
Ram. (Mamasdan n~g pakutya at pagkatapos ay hahalukipkip.) Esperanza, nagpakikilalang tila mabuti ang natagpuan mong ka agulo, pagka't tila ... nalimutan mo na tuloy ak��.
Esp. (Galit) Ginoo, huwag mo pong lapastan~ganin ang isang katulad kong na sasa loob n~g kaniyang sariling pamamahay.
Ram. (Palabag) ?Pinupuno mo pa ako n~gayon? ?Di yata? ?Ja! ?Ja! ?Ja!..... Kilalanin mo akong mabuti. Ako ang isa sa m~ga giniliw mo sa Salon, sa Bahay sayawan!... ?Hindi ka na ba sumasayaw n~gayon?
Esp. Alang-alang sa Diyos, huwag ninyong bigyan n~g kauntulan ang isang babae na nanunumbalik sa kaniyang kabutihan ...
Ram. (Pakutya) ?Nagiisip ka n~g bumuti? Loka ka n~ga yata. Ang lalong kabutihan mong magagawa, ay ang sumama ka sa akin.
Esp. Ah, hindi, hindi na. Talastasin ninyo na ang Esperanzang ibinulid ninyo sa kasamaan, ay hindi na siya ang kausap sa m~ga sandaling ito.
Ram. (Patuya). Loka ka n~ga palang tao. Dapat mong talastasin na ang isang babayeng na gumon na sa lusak, at ang kapurihan ay nawalan na n~g tunay na halaga, ay hindi na mangyayari pang bumuti. Kaya n~ga't.... (Anyong yayakaping muli.)
Esp. (Galit) Huwag ka pong man~gahas n~g ganyan, Ginoo, kung di mo ibig na kayo'y samain.
Ram. Sasangayon ako sa iyong hinihiling kailan man at sasama ka sa akin.
Esp. (Boong puso.) ?Ah!... sukat na ang pagulit n~g ganyang pananalita. Tahas kong sinabi sa iny�� na hindi ako makapapayag sa inyong hiling.
Ram. (Pakutya, pagkatapos na tignang mabuti ang ayos n~g bahay.) ?Ha! ?Ha! ?Ha!... Malasin mo Esperanza ang bahay na it��, na halos ay magiba na lamang. (Pahikayat) Sumama ka sa akin, at kita ay pagkakalooban n~g isang marikit na bahay ... di katulad nit��. Hayo na. Sumama ka sa akin. (Patabanan niya sa kamay si Esperanza at pipiliting sumama sa kanya.)
Esp. (Galit na galit). Ako'y inyong bitawan ...
Ram. (Pabatok) ?Sumama ka sa akin!...
Esp. (Matatabanan ang isang luklukan, at siyang ihahampas kay Ramon. Ito'y tatakbo sa loob.) ?Inibig mo ang ganyan, ikaw ang bahala ... (Huhusain ang kanyang damit at buhok na magusot.)
Buhat sa loob: ?Magandang hapon po!
Esp. ?Magandang hapon po naman!
Lalabas si Rafael.

=IV NA TAGPO=
=Si Esperanza at Rafael=
Raf. (Pagkakita kay Esperanza). ?Ano, Esperanza, kumusta ka?
Esp. (Magalak) Ikaw pala, Rafael. Mabuti sa awa ni Bathala.
Raf. ?Si Artemio, saan naroon? ?Wala ba siya rito?
Esp. Wala, tumun~go siya sa bahay n~g isang mangagamot at ikinuhang sangguni ang kaniyang karamdamang tinataglay.
Raf. ?May sakit? ?Mabigat bag��?
Esp. Hindi, ayon sa sabi niya sa akin, n~guni't sa palagay ko ay hindi nararapat na palampasin. Ak�� na sana ang tatawag sa Mangagamot, n~guni't hindi siya pumayag, dahil sa malaki pa raw ang aming ibabayad.
Raf. Matagal kaya siya?
Esp. Hindi naman marahil. Matagal ka rin hindi nakaka-ala-ala sa amin.
Raf. Tunay n~ga, pagka't tumun~go ak�� sa lalawigang Pangasinan at pinakialaman ko roon ang isang Lupain. N~gayon, ay kararating ko pa lamang. Ipinalalagay ko Esperanza, n~gayon sa ayos n~g inyong tahanan, na dumadanas kay�� n~g di kakaunting hirap at paghihikahos, at dahil sa gayon, ay tangapin mo ito. (Ibibigay ang isang bilot na papel moneda.)
Esp. (Tututulan ang ibinibigay sa kaniya) Payagan mo sana Rafael, na huwag kong tangapin ang inyong ibinibigay sa amin. Gayon man, ay asahan mong pinasasalamatan namin n~g marami.
Raf. (Pasamo) Kunin mo sana, Esperanza, at iya'i huwag mong ipalagay sa bilang limos ko baga sa iyo, kundi, parang isang abuloy ko sa iny�� ni Artemio.
Esp. Kahit na, hindi ko sana ibig tan~gapin ang gayon alang-alang lamang sa iyong m~ga pan~gan~gatuwiran ay paiirugan kita, n~guni't ?hindi ba ang lalong mabuti ay kay Artemio mo na ibigay kung siya ay dumating?
Raf. Oo, tunay ang iyong sinabi.
Lalabas sina Salustiano at Delfin.

=V TAGPO=
=Sila rin at sina Salustiano at Delfin=
Sal. (Papasok) ?Magandang hapon po!
Esp. Magandang hapon po naman. Magtuloy po sila. (Ang dalawa ay papasok. Si Rafael, pagkakita kay Delfin ay magalak na yayakapin ito.)
Del. (Kay Rafael) ?Kaibigang Rafael!...
Raf. (Pataka) ?Anong hiwaga ito? (Ap) Ano't pati n~g m~ga umalipusta kay Artemio sa kanyang pagaasawa kay Esperanza, ay nagsitun~go n~gayon dito?
Esp. (Kay Rafael) Tunay ang iyong katatapos na sinabi, Rafael.(Sa dalawang bagong pasok). ?Kan~gino pong sant�� utang namin ang inyong pagkakaparito?
Sal. Sa kan~gino man po sa m~ga santo, ay wala, n~guni't o, sa isang balitang tinanggap kagabi sa bahay n~g am�� ni Artemio na umano'y may sakit daw. ?Tunay n~ga po ba? (Kay Esperanza.)
Esp. Tunay n~ga po, n~guni't wala namang anomang kabigatan, na di gaya mandin n~g gumalang balita.
Del. ?N~guni't saan po naroroon si Artemio? ?Nasaan po ang aming giliw na kaibigan?
Raf. (Galit, n~guni't nagpipigil. Aparte.) ?Kaibigan nil��? (Sa dalawa.) At, hindi n~ga ba't kay�� ang m~ga nagsipagpuno n~g pagkutya kay Artemio, na n~gayon ay tinatawag na mahal na kaibigan, n~g gabing humihin~gi siya n~g tawad sa kaniyang am��? ?Sa palagay kaya niny��, ay mabuti ang gayon kagagawan?
Ang Dal. (Kay Raf. pakumbaba)
Continue reading on your phone by scaning this QR Code

 / 7
Tip: The current page has been bookmarked automatically. If you wish to continue reading later, just open the Dertz Homepage, and click on the 'continue reading' link at the bottom of the page.