aking Artemio ay huwag maging mabigat. Ipagkaloob mo po Diyos ko,
na ang manggagamot na titin~gin sa kaniyang damdamin, ay matuklas
ang gamot n~g kanyang karamdaman!... ¡Para mo na pong habag sa
akin!... At, kung ang ikagagaling po niya'y ang aking buhay, naito po,
at maluwag kong inihahandog sa inyo ang aking puso ...
Mula sa labas. ¡Tao po!
Esp. (Sa sarili). ¡May tao!... (Tatayo sa kanyang pagkakaluhod
tutun~guhin ang tarangkahan at bubuksan). ¡Tuloy po!
Lalabas si Ramon.
=III TAGPO=
=Siya din at si Ramón=
Ram. ¡Esperanza!... ¡Anong sayá at nakita kitang ulî ... (Anyong
yayakapin).
Esp. (Pasansala kay Ramón at waring galit). Ginoo! dahandahan!
Huwag ka po magasal n~g papaganiyan.
Ram. (Mamasdan n~g pakutya at pagkatapos ay hahalukipkip.)
Esperanza, nagpakikilalang tila mabuti ang natagpuan mong ka agulo,
pagka't tila ... nalimutan mo na tuloy akó.
Esp. (Galit) Ginoo, huwag mo pong lapastan~ganin ang isang katulad
kong na sasa loob n~g kaniyang sariling pamamahay.
Ram. (Palabag) ¿Pinupuno mo pa ako n~gayon? ¿Di yata? ¡Ja! ¡Ja!
¡Ja!..... Kilalanin mo akong mabuti. Ako ang isa sa m~ga giniliw mo sa
Salon, sa Bahay sayawan!... ¿Hindi ka na ba sumasayaw n~gayon?
Esp. Alang-alang sa Diyos, huwag ninyong bigyan n~g kauntulan ang
isang babae na nanunumbalik sa kaniyang kabutihan ...
Ram. (Pakutya) ¿Nagiisip ka n~g bumuti? Loka ka n~ga yata. Ang
lalong kabutihan mong magagawa, ay ang sumama ka sa akin.
Esp. Ah, hindi, hindi na. Talastasin ninyo na ang Esperanzang ibinulid
ninyo sa kasamaan, ay hindi na siya ang kausap sa m~ga sandaling ito.
Ram. (Patuya). Loka ka n~ga palang tao. Dapat mong talastasin na ang
isang babayeng na gumon na sa lusak, at ang kapurihan ay nawalan na
n~g tunay na halaga, ay hindi na mangyayari pang bumuti. Kaya
n~ga't.... (Anyong yayakaping muli.)
Esp. (Galit) Huwag ka pong man~gahas n~g ganyan, Ginoo, kung di
mo ibig na kayo'y samain.
Ram. Sasangayon ako sa iyong hinihiling kailan man at sasama ka sa
akin.
Esp. (Boong puso.) ¡Ah!... sukat na ang pagulit n~g ganyang pananalita.
Tahas kong sinabi sa inyó na hindi ako makapapayag sa inyong hiling.
Ram. (Pakutya, pagkatapos na tignang mabuti ang ayos n~g bahay.)
¡Ha! ¡Ha! ¡Ha!... Malasin mo Esperanza ang bahay na itó, na halos ay
magibâ na lamang. (Pahikayat) Sumama ka sa akin, at kita ay
pagkakalooban n~g isang marikit na bahay ... di katulad nitó. Hayo na.
Sumama ka sa akin. (Patabanan niya sa kamay si Esperanza at
pipiliting sumama sa kanya.)
Esp. (Galit na galit). Ako'y inyong bitawan ...
Ram. (Pabatok) ¡Sumama ka sa akin!...
Esp. (Matatabanan ang isang luklukan, at siyang ihahampas kay Ramon.
Ito'y tatakbo sa loob.) ¡Inibig mo ang ganyan, ikaw ang bahala ...
(Huhusain ang kanyang damit at buhok na magusot.)
Buhat sa loob: ¡Magandang hapon po!
Esp. ¡Magandang hapon po naman!
Lalabas si Rafael.
=IV NA TAGPO=
=Si Esperanza at Rafael=
Raf. (Pagkakita kay Esperanza). ¿Ano, Esperanza, kumusta ka?
Esp. (Magalak) Ikaw pala, Rafael. Mabuti sa awa ni Bathala.
Raf. ¿Si Artemio, saan naroon? ¿Wala ba siya rito?
Esp. Wala, tumun~go siya sa bahay n~g isang mangagamot at
ikinuhang sangguni ang kaniyang karamdamang tinataglay.
Raf. ¿May sakit? ¿Mabigat bagá?
Esp. Hindi, ayon sa sabi niya sa akin, n~guni't sa palagay ko ay hindi
nararapat na palampasin. Akó na sana ang tatawag sa Mangagamot,
n~guni't hindi siya pumayag, dahil sa malaki pa raw ang aming
ibabayad.
Raf. Matagal kaya siya?
Esp. Hindi naman marahil. Matagal ka rin hindi nakaka-ala-ala sa amin.
Raf. Tunay n~ga, pagka't tumun~go akó sa lalawigang Pangasinan at
pinakialaman ko roon ang isang Lupain. N~gayon, ay kararating ko pa
lamang. Ipinalalagay ko Esperanza, n~gayon sa ayos n~g inyong
tahanan, na dumadanas kayó n~g di kakaunting hirap at paghihikahos,
at dahil sa gayon, ay tangapin mo ito. (Ibibigay ang isang bilot na papel
moneda.)
Esp. (Tututulan ang ibinibigay sa kaniya) Payagan mo sana Rafael, na
huwag kong tangapin ang inyong ibinibigay sa amin. Gayon man, ay
asahan mong pinasasalamatan namin n~g marami.
Raf. (Pasamo) Kunin mo sana, Esperanza, at iya'i huwag mong
ipalagay sa bilang limos ko baga sa iyo, kundi, parang isang abuloy ko
sa inyó ni Artemio.
Esp. Kahit na, hindi ko sana ibig tan~gapin ang gayon alang-alang
lamang sa iyong m~ga pan~gan~gatuwiran ay paiirugan kita, n~guni't
¿hindi ba ang lalong mabuti ay kay Artemio mo na ibigay kung siya ay
dumating?
Raf. Oo, tunay ang iyong sinabi.
Lalabas sina Salustiano at Delfin.
=V TAGPO=
=Sila rin at sina Salustiano at Delfin=
Sal. (Papasok) ¡Magandang hapon po!
Esp. Magandang hapon po naman. Magtuloy po sila. (Ang dalawa ay
papasok. Si Rafael, pagkakita kay Delfin ay magalak na yayakapin ito.)
Del. (Kay Rafael) ¡Kaibigang Rafael!...
Raf. (Pataka) ¿Anong hiwaga ito? (Ap) Ano't pati n~g m~ga
umalipusta kay Artemio sa kanyang pagaasawa kay Esperanza, ay
nagsitun~go n~gayon dito?
Esp. (Kay Rafael) Tunay ang iyong katatapos na sinabi, Rafael.(Sa
dalawang bagong pasok).
Continue reading on your phone by scaning this QR Code
Tip: The current page has been bookmarked automatically. If you wish to continue reading later, just open the
Dertz Homepage, and click on the 'continue reading' link at the bottom of the page.