Esperanza | Page 3

Jose Maria Rivera
¿Kan~gino pong santó utang namin ang
inyong pagkakaparito?
Sal. Sa kan~gino man po sa m~ga santo, ay wala, n~guni't o, sa isang
balitang tinanggap kagabi sa bahay n~g amá ni Artemio na umano'y
may sakit daw. ¿Tunay n~ga po ba? (Kay Esperanza.)

Esp. Tunay n~ga po, n~guni't wala namang anomang kabigatan, na di
gaya mandin n~g gumalang balita.
Del. ¿N~guni't saan po naroroon si Artemio? ¿Nasaan po ang aming
giliw na kaibigan?
Raf. (Galit, n~guni't nagpipigil. Aparte.) ¿Kaibigan nilá? (Sa dalawa.)
At, hindi n~ga ba't kayó ang m~ga nagsipagpuno n~g pagkutya kay
Artemio, na n~gayon ay tinatawag na mahal na kaibigan, n~g gabing
humihin~gi siya n~g tawad sa kaniyang amá? ¿Sa palagay kaya ninyó,
ay mabuti ang gayon kagagawan?
Ang Dal. (Kay Raf. pakumbaba) Namamali ka, kaibigan; hindi kami
ang nagsimula n~g gayon?
Raf. At sino?
Ang Dal. Hindi namin alam.
Esp. (Ap. kay Raf.) Bayaan mo na silá. Sila'y pinatatawad namin.
Del. N~guni't, saan n~ga po ba naroroon si Artemio?
Raf. ¿Bakit anong pilit n~g inyong pagtatanong sa kaniya?
Del. Pagka't, mayroon kaming ibabalitang isang bagay.
Sal. Tunay n~ga po, ibabalita namin sa kaniya na siya ay.... pinata....
(Lalabas si Artemio, na may tali'y na dalawang sisiglan n~g gamot.)

=VI TAGPO=
=Sila din at si Artemio=
Esp. (Sasalubun~gin). ¡Salamat, dumating ka! Kan~gina ka pa
hinihintay n~g m~ga kaibigan mo ...

Raf. (Yayakapin) ¡Mahal na kaibigan!...
Art. (Yayakapin din). ¡Kaibigang Rafael!...
Sal. Kaibigang Artemio ... (Anyong yayakapin).
Art. (Pataka). ¡Aba, naririto pala kayo!... (Ap). ¿Ano kaya ang sanhi?
Del. Ipagtataka mo n~ga marahil, n~guni't kapag natanto mo ang sanhi
n~g gayon, ay hindi malayong iyong ikatutuwa.
Sal. Tunay, ang sinabi ni Delfin. Naparito kami upang ibalita sa iyo, na
kumalat ang balitang ikaw ay may sakit na malubha.
Art. (Pan~giti). Malubha ang aking sakit? ¿Nabalita ang gayon? Saan?
Del. Sa lahat n~g m~ga pahayagan dito.
Art. Sa m~ga pahayagan? (Kulang n~g paniwala.) Huwag sana ninyo
akong biruin n~g ganyan....
Sal. Hindi biro, kaibigan....
Art. Sa makatwid pala ay tu ...
Del. Oo, tunay, maniwala ka sa aming ibinalita sa iyo.
Art. ¿Hindi kaya iyan, ay katulad n~g inyong ginawa sa akin na
pagkatapos na udyukan upang tumun~go sa bahay n~g aking m~ga
magulang n~g doo'y ipinagdiriwang ang kanyang kapistahan, na
pagkatapos ay kayó pa ang siyang umalipusta sa akin? ¿Hindi kaya itó
ay isa na namang kabuluhang ibig ninyong idulot sa akin?
Del. (Papakumbaba). Maniwala ka sa aming hindi.
Sal. At ang balitang ibibigay namin sa iyo, ay kagabí lamang namin
tinangap. ¿At, nalalaman mo ba kung saang bahay namin tinanggap?
Art. (Boong pagnanasa). Kan~gino?

Esp. at Raf. Siya n~ga, kan~gino?
Del. Sa bahay n~g iyong papá.
Art. Sa bahay n~g pa ...? (Alinlan~gan) ¡Ah!... Hindi ko
mapaniniwalaan!
Del. Ayaw kang maniwala? Siya, m~ga ilang saglit na lamang, at
makikita mo din kung ang balita namin ay biro lamang ...
Sal. At, lalong hindi ninyo mapaniniwalaan marahil kung aking sabihin
na, tanggapin n~g mag-asawa ni D. Luis ang balitang tinuran na, ay
kapuwa nan~gapaiyak, at si D. Luis ay nagturing na «Amalia,
tun~guhin natin siya» ...
Art. (Kulang paniniwala. Waring galit). Salustiano, Delfin, hangga
n~gayon ay ipinalalagay ko pa kayong kaibigan, n~guni't utang na loob
kong kikilanlin sa inyo na huwag na akong biruin. Huwag na ninyong
ulitin kapuwa ang pagbabalita n~g hindi tunay. Ang aking ama ay hindi
makapagpapatawad sa akin, talos ko ang kanyang ugali. At talos ko din
naman na kanya nang ipahihiwatig sa m~ga lalong kapalagayang loob
na ako'y kaniyang isinusumpa ... At wala akong mahihintay na mana sa
kaniya ...
Del. Maniwala ka at siya ay paparito.
Sal. Tunay, gayon ang kanilang sinabi sa akin.
Art. ¿Paparito? (Galit) ¡Sukat na n~g inyong pagkutya! ¡Sukat na!...
Sal. Huwag kang magalit. Sa katunayan, ang mama mo ay itinanong pa
tuloy sa inyong Papa kung ikaw ay pinatatawad na niya sa iyong
pagkakamali.
Art. (Kulang n~g paniniwala). At ano ang isinagot?
Sal. Na ikaw ay pinatatawad niya, at muling kinikilalang anak, alalaong
baga'y parang walang nangyari sa inyo.

(Makaririn~gig n~g m~ga yabag n~g kabayong wari ay katitigil lamang
sa tapat n~g bahay ni Artemio. Dudun~gaw si Rafael at pagkatapos ay
sasabihing sakdal tuwa.)
Raf. Artemio, naririto ang iyong m~ga magulang! (Lalabas na
nagdudumali sina D. Luis at D.a Amalia.)

=VII TAGPO=
=Sila din at si D. Luis at D.a Amalia=
D. Luis. (Yayakapin) ¡Artemio!.... ¡Anak kong mahal!
D.a Am. (Yayakapin) ¡Anak ko!
Artemio. ¡Papá, Mamá!... Patawarin ninyo kamil!... (luluhod siya.)
D. Luis. Pinatatawid kana namin!... (Makikita si Esperanza pa
pakatin~gin lamang sa kanila na waring takot at tatawagin.)
¡Esperanza halika!...
Esp. (Lalapit n~g patakot) ¡Patawarin mo na po kami!..... (Luhod).
D. Luis. (Ititindig at yayakapin si Esperanza.) Pagtindig, Esperanza, at
ikaw ay pinatatawad namin!..... Ako, oo, akó ang siyang lalo mo pang
dapat patawarin dahil sa pagapi kong ginawa sa iyo.
Lalabas si D. Mateo.

=VIII TAGPO=
=Sila rin
Continue reading on your phone by scaning this QR Code

 / 8
Tip: The current page has been bookmarked automatically. If you wish to continue reading later, just open the Dertz Homepage, and click on the 'continue reading' link at the bottom of the page.