Dating Pilipinas | Page 8

Sofronio G. Calderón
ani Morga'y, kahi't sa anong oras, dahil sa di umano'y inaaring pinakamainam na kagamutan: kaya't pagkapanganak (any��) ng babaye ay ag��d naliligo at pati bata'y pinaliliguan din[4]. At ani Colin, ang karaniwang oras na ipinaliligo ay sa pagkalub��g n~g araw, pagkatapos n~g gawain at sa pangagaling sa pakikipaglibing na naging kaugalian din sa Hap��n. Saka kung naliligo ay mahinhing na��upo na inil��lub��g ang kataw��n hangang sa lalamunan na nangagpapakaingat upang huwag maging tudl��ng n~g mat�� nino man.
TALABABA:
[4] Ani Rizal, ay di lubhang mapaniniwalaan ito dahil sa pinakaiingatan n~g mga tagarito ang maligo sa tanghali, pagkakain, pagk�� bagong kalilitaw ang sipon at pagka pin��panah��n ang babaye at iba pa.

=Ikaanim na Pangkat.=
=Kaugaliang pinanununtunan sa mga Kapaslangan at Sigalutan.=
Palibhasa't ang mga Tagarito ay nan~gamamayan at may mga tatag na pamahalaan �� balangay ay may mga hukom at tuntunin ring pinanununtunan.
Itong mga tuntuning pinanununtunan sa kanikanilang balangay ay pawang alinsunod sa kanilang m~ga alamat at kaugaliang kinagisnan[5] na di binabago at mahigpit nilang tinatalima. Datapuat di umano'y may mga pan~gulo rin namang nagsisipaglagda n~g mga kautusan, saka itinatanyag sa bay��nbay��n nang isang m��nanawag na pinanganganlang Biuhahasan. Sa pagtatanyag, di umano, ay nagd��d��la n~g isang batingaw na tinutugtog up��ng mapag-alaman n~g mga tao.
Ang mga hukom sa mga usapin nila ay ang kanikanilang pinakapangulo[6] na kung minsa'y nagiisa at kung minsa'y kasama n~g isang dat�� sa balangay �� n~g isang maginoo sa nayon: at ang pangulo sa balangay ay may sakdal na kapangyarihan na maaaring gumawa ng ano man na walang sanguni sa iba, at sa ganito, ang magkulang sa kanya ay naparurusahan niya ng kamatayan �� pagkaalipin �� pagbabayad kaya ng isang gayon.
Ngunit sa pagmumungkahian at m~ga sigalot n~g magkakasambahay �� ng magkakamag-anak ay karaniwang ang matatanda na lamang sa nayon ang pinagsasakdalan na siyang humuhusay at ganap na dinidinig naman n~g m~ga may sigalot:
Sa pagpaparusa naman ay walang bilibid �� bilanguang gaya n~gayon, kundi ang kaugaliang parusa na inilalapat sa nagkasala ay ang pagbayarin n~g isang gayon �� alipinin kaya at kung totoong mabigat ay nilalapatan ng parusang kamatayan. At up��ng matanto ng manbabasa ang mga tuntunin samp�� n~g m~ga salang kinalalapatan n~g mga parusang n��bangit ay aking ihahanay dito sa sumusunod.
* * * * *
=Sigalot ng m~ga pan~gulo sa dalawang balangay=
Kung ang mga pan~gulo sa dalawang balangay (na magkasund? marahil) ay magkaroon n~g ano mang sigalot �� usap ay pumipil�� sa ibang balangay n~g isang pangulo na mailalagay nilang pinakahukom upang humatol sa kanila n~g walang hilig; sa pagka't bag�� man sa iba't ibang balan~gay ay may iba't ibang tuntuning pinanununtunan ay halos magkakaayon di umano.[7]
* * * * *
=Pag-aasawa sa taga ibang balan~gay.=
Kung ang isang maharlika �� timaw��, (maging lalaki maging babae) sa isang balangay ay mag-asawa sa taga ibang balangay ay hindi makalilipat sa balangay na tinatahanan ng magiging asawa, kungdi magbayad ng isang gayong halaga na paratang n~g mga dat��. Ang paratang na ito ay mula sa isang putol na gint? hangang tatlo ayon sa paratang ng balangay, bukod pa ang isang paanyaya sa boong balangay na aalisan. Kung ito'y hindi ganapin ay maaaring digmain ng balangay na aalisan ang balan~gay na lilipatan, malibang pagkasunduan na ang mga an��k n~g mag-asawa ay hahatiin sa kanikanyang balangay.
* * * * *
=Katungkulan ng mga kampon sa isang balangay.=
Ang sino mang kampon ay hindi bumabayad ng buis, nguni't napatutulong ng pangulo sa kanyang m~ga kailangan, gaya sa pagtatay? ng kanyang bahay �� sa kanyang pag-aani, sa pagbungkal ng kanyang bukid, sa paggaod sa kanyang sasakyan at ibp.; n~guni't ayon sa salaysay ni Morga ay ibinubuis ng mga kampon ang kanilang naaani sa kanikanilang bukiran.
* * * * *
=Sa Nakamatay.=
Ang nakamatay ng isang alipin at humin~gi ng tawad ay hindi pinarurusahan n~g lubhang mabigat, kungdi pinapagbabayad lamang sa panginoon n~g halag�� n~g aliping napatay saka hinahatulan ng hukom ng iba pang parusang kanyang magalingin.
Ang nakamatay n~g isang timaua ay kamatayan rin ang parusang inilalapat; nguni't kung humin~gi ng tawad ay inuuurong ang gayong parusa at ipinaaalipin na lamang sa namatayan. Di umano'y kung sakaling salapi ang nag��ng kahatulan ay kalahat�� lamang ang ibinibigay sa namatayan at ang kahahat�� ay sa hukom.
Datapua't ang nakamatay ng pangulo �� maginoo ay pinapatay ng walang patawad at ang mga kaalam ay pawang inaalipin samp? n~g kanilang mga an��k.
* * * * *
=Paghuli sa magnanakaw.=
Upang hulihin ang mga magnanakaw ay tinatawag ang mga pinaghihinalaan, at mga pinapagsasalansan sa isang dako n~g mga balaba ng dahon �� n~g mga damit kaya, at kung pagkatapos nito'y masumpun~gan sa salansan ang nawala ay hindi na pinag-uusig pa, n~guni't kung hindi ay sinusubok sa alin man dito sa tatlong paraang sumusunod:
Una.--Din��dal�� ang mga pinaghihinalaan sa isang dakong malalim ng ilog na bawa't isa'y may dal��ng pangpigil sa ilalim n~g tubig up��ng kung pasisirin ay makapan~guyapit na matagal sa ilalim, at sa ganito, ang unang lumitaw ay siyang inaaring may sala. Di umano'y namamatay
Continue reading on your phone by scaning this QR Code

 / 32
Tip: The current page has been bookmarked automatically. If you wish to continue reading later, just open the Dertz Homepage, and click on the 'continue reading' link at the bottom of the page.