Dating Pilipinas | Page 5

Sofronio G. Calderón
mga taga malayang nagsipamayan sa Borneo noong dakong 1400.

=Ikaapat na Pangkat.=
=Dating Pamamayan ng m~ga Tagarito=
Bago nagpuno ang m~ga taga Europa dito sa Kapuluang Pilipinas, ay may sarili ng paraa't ayos n~g pamumuno ang mga tagarito. Ang paraa't, ayos ng pamunuang ito ay di kagaya ng sa iba't ibang lupa��n na may isang dakilang puno �� pan~gulo na kinikilala, kundi sa bawa't pulo at lalawigan ay maraming pan~gulong may kanikanyang kampon at sakop na nayon-nayon at lipi-lipi,[1] anopa,t, kaparis din n~g pamunuan sa Espa?a bago nangagpaka-pan~gino��n doon ang mga Romano't Godo.
Ang bawa't pangkat ng pamahalaan ay tinatawag na isang balangay. Itong salitang balangay ay pan~galan ng sasakyang-dagat na di umano'y siyang nilulanan ng mga taga Malaya sa pagparito, (basahin ang pangkat na sasakyan) at ang dami ng mga taong sak��y sa bawa't isa nito ay tinatawag na isang balan~gay na dili iba't siyang n��tatag na isang pamahalaan. At sapagka't may malalaki't maliliit na sasaky��n ay nagkamalalaki't maliliit namang balan~gay �� p��mahalaan.
Ang bilang ng m~ga tao sa pinakamunting balangay ay limang p�� at sa pinakamalak�� ay um��abot n~g hangang pitong libo.
Ang ibang mga balangay ay magkakasund? at hangang sa naglalakip-lakip[2] upang kung salakayin ng mga kaaway ay huwag masupil; nguni't ang pagkak��lakip na ito ay sanhi ng pagkakasunduan at hindi ng pagsas��ilaliman ng isa't is��; ano pa nga't bawa't balangay ay may kanya ring sariling pan~gulo, liban na sa panahon ng digma na pumipili ng isang man~gungulo sa kanilang lahat.
Ang pangalan n~g pan~gulo sa bawa't balan~gay ay Dato_ na ang kahulug��n sa wikang Malaya (ani Dr. de Tavera) ay nuno �� lelong: ano pa n~ga't dito'y ating mapagninilay na ang ayos sa p��munuan ay isang pamumuno sa gulangan. Itong tawag na Dato na pangulo ay nan��natili pa hanga ngay��n sa Hol��'t Mindanaw. Ang pangulo namang nagpupuno sa samasamang balangay ay nagkakapamag��t n~g Laca �� Raja �� Ladya �� Radja. Mula n~g lumitaw ang mahomatismo_ (pananalig kay Mahoma) ay ginamit ang salitang sult��n. Di umano'y may nagp��pamagat, din n~g Hari na siyang dating kapangalan��n sa mga dakilang pinuno sa India, at ang kahulugan sa sanskrito, ani Dr. de Tavera ay Brahma, araw, Vishnu.
Ang pamumuno ng pangulo ay paratihan �� sa tan��ng buhay. At ang pagkapuno't pagkam��ginoo ay minamana n~g an��k at kung sakaling wala, ay m~ga kapatid �� kamag-anak na malapit ang humahalili. Ang tungkulin ng mga ito ay pagpunuan ang kan��kanyang sakop at kampon at tuloy lingapin ang kanikanilang usap��n at kailangan; at ang sabihin nam��n ng m~ga ito ay iginagalang at ginaganap n~g kanikanyang sakop na mga tao. Iginagalang din ang mga kamag-anak at inap�� n~g mga puno, na kung baga ma't hindi nakapagmana n~g pagkapuno ay pawang ibinibilang nam��ng taong-mahal at ipinakatatangi sa mga taong karaniwan. Kung paano, ang kamahala't pagkamaginoo ng mga lalaki ay gayon din ang sa m~ga babae[3].
Sa mga balan~gay na nabangit ay may tatlong kalagayan ng tao: Una'y ang mga mahal na pinamamagatang Maginoo �� Ginoo_; ikalawa'y ang mga nakaririwasa na pinamamagatang timawa_ (�� payapa) at an��ng ibang mga mananalaysay ay maharlika_; ang pamagat, na sa wikang Malayo ani Dr. Tavera ay laya ang ibig sabihin; at ikatlo'y ang m~ga alipin na sa Bisaya'y oripun.
Ani Col��n, ang mga lalaking may mahal na uri �� m~ga maginoo_ ay nagpapamagat din ng Gat �� Lakan, gaya n~g Gat Maitan, Lak��n Dula at iba pa at sa m~ga babae nama'y Dayang gaya n~g Dayang Mati_. Anang iba'y naging karaniwang kasambitan din ang ating kinauugalian pa hangang ngayong mama (amain) �� mang sa mga lalaki at ang ale sa m~ga babae.
Sumusunod sa uring ito ang mga timawa (payapa) �� maharlika_ (laya). Ang mga ito'y tangi sa ibang uri na walang sinasailaliman libang sa kanilang Dato �� pangulo. Hindi rin nan~gagsisibayad ng buwis at ang paglilingkod na ginagawa ng mga ito ay ang tungkol lamang sa naayon sa ugali. Itong ugaling tungkulin nila, ay ang sumunod sa utos ng pan~gulo �� puno sa panahon ng digma: kaya't ang mga ito ang siyang nan~gagsisibuo n~g kawal �� hukbo n~g balangay at sa ganito'y may pamagat na kabalan~gay. Bukod dito ay tungkulin din nila ang tumulong sa pan~gulo �� Dato kung panahong nagbubukid �� umaani at gayon din sa pagtatayo n~g bahay, sa pag-gaod sa sasakyan niya kung sakaling naglalayag nguni't sila'y pawang pakain sa loob ng boong panahong kanilang ipinaglilingkod.
Ang sumusunod sa nangabangit ay ang m~ga alipin_, na sa Bisaya'y oripun, at mga ito'y may dalawang kalagayan ng pagka-alipin: ang aliping namamahay at ang aliping sagigilir; itong hul�� sa Bisaya'y tinatawag na n~galon.
Ang aliping namamahay ay pinagbibigyan pakundan~gan. Ito'y may bahay na sarili; kaya't may pamagat na namamahay, at sa panahong kinakailangan lamang naglilinkod sa panginoon, at ang paglilingkod na ito ay sa pagbubukid at pag-aani ng kanyang panginoon, at gayon din sa sasakyan kung sakaling naglalayag. Kailan~gan din tumulong sa pagpapagawa ng bahay n~g panginoon at tuloy naglilingkod sa bahay nito
Continue reading on your phone by scaning this QR Code

 / 32
Tip: The current page has been bookmarked automatically. If you wish to continue reading later, just open the Dertz Homepage, and click on the 'continue reading' link at the bottom of the page.