Dating Pilipinas | Page 4

Sofronio G. Calderón
lalong maginhawa sa kanyang pamumuhay, at maging sa m~ga matalinong bayan man ay gayon din, at nariyan ang Australia na pinamamayanan ng m~ga Ingles:--at--ang mga lupang Pilipinas, na halos lahat n~g pulo't lalawigan ay sagana sa mga halama't pananim, sa mga kayamanan at sa balang ikabubuhay,--ay di mapagtatakhang pamayanan n~g lahing ito.
Kung paano ang pagkapasimula ng pagkakaparito n~g mga ito ay di natin masabi at walang aklat na makapagpatotoo, datapua't ang m~ga pagkakaganiganito ng m~ga tao noong unang dako, na nangapapalipat sa ibang mga pulo't lupain ay di kaila sa mga kasaysayan, at nariyan ang mga aklat nina Ratztel, Ellis, John Dunmore at ibp. Noon ngang una na di pa lubhang kilala ang katalinuan sa pagdadagat at wala pang kagamitan, kungdi ang m~ga sasakyang may layag lamang ay madalas nangyayari sa mga magdadagat na kung totoong nangapapalaot sa dagat at inaabot ng pagbabago n~g han~gin ay nangapapaligaw hangang sa m��sadsad sa ibang lupain, at mangyare, kung hindi na mangakabalik at kabubuhayan naman ang lupaing kinasadsaran ay natutuluyan n~g doon mamayan, �� kung sakali mang nan~gakabalik at sa ganang kanila ay lalong maginhawa ang lupaing kinasadsaran nila kay sa lupa nilang tinubuan ay nangyayari ring pinagbabalikan at nag-aanyaya pa n~g kanilang mga kamag-anak at kakilala. Ito nga ang matuid na masasapantaha natin, na dahil ng ikinaparito n~g mga taong ito, at dito'y di natin maliligtaang di bangitin na pinakahalimbawa ang sali't saling sabi ng m~ga Tagakaola at mga Bagobo sa Mindanaw na anila'y sadsad lamang sila sa lupaing kinatatahanan nila n~gayon at ang kanilang pinangalin~gan ay isang lupaing malayong malayo. Hindi ko na bangitin ang lubhang maraming m~ga pangyayaring ganito sa iba't ibang lupain at totoong makapal.
Bagay naman sa pinangalingan ay masasabi nating wala ng iba kundi ang mga kalapit lupain At dito naman sa mga kalapit lupain ay wala ng ibang masasapantaha, liban sa mga lupang nasa dakong timog, na dili iba't ang kamalayahan dahil sa siyang mga tanging bayan na kahuad sa kulay tikas at anyo, kakapatid sa wika at kaayon sa halos lahat ng ayos at paraan n~g pamumuhay n~g mga Tagarito. Sak�� anang mga mananalaysay, siyang sali't saling sabi n~g mga tao rito, na ang mga nabangit na lupain ang pinangalin~gan n~g mga kanunuan nila. At bagay rito ay may salaysay si P. Colin na anya'y: "May isang taga Kapangpan~gang nakarating sa Sumatra (isang lupaing malaya) at sumapit sa isang dako na kanyang kinaringan n~g kanyang sariling wika at siya'y nakisag��t na parang siya'y ipinan~ganak sa dakong yaon, anopa't tuloy sinabi sa kanya ng isang matanda na kayo'y m~ga inap�� n~g mga nagsialis dito noong unang dako na nan~gamayan sa ibang lupain at di na namin nan~gabalitaan."
Nguni't may isang bagay na hindi lahat n~g tao rito ay Kapangpangan �� Tagalog mang �� Bisaya kaya, kung di may taong gubat at may taong bayan, may Igorot at may Tingian, may Tagalog at may Bisaya at marami pa.
Ang kadahilanan nito, sa akal�� ko, ay sangh? sa pagkakapangkat pangkat ng m~ga bayan malayo (�� lahing pinangalin~gan n~g mga Tagarito) sak�� ang pagkakapangkat pangkat pa uli rito.
Kung ating ngang lilin~gunin at liliningin ang kamalayahan na pinangalingan n~g mga Tagarito ay matatanto nating unauna na doo'y may kinikilalang tatlong uri ng tao na dili iba't ang orang ben��a_ (�� taong gubat), ang orang-laut (�� taong dagat) at, ang orang-malayo (�� taong bayan). Sa una na orang-ben��a ay masasapantaha na siyang pinangalingan n~g ating mga taong gubat, na dili iba't siyang sapantaha ng m~ga kilalang mananalaysay ngayon. At ito'y mapaniniwalaan dahil sa pagkakaparis ng pamumuhay n~g mga ito sa pamumuhay ng m~ga iyon: maliban marahil ang iba nit��, na gaya ng Tingian at iba na sa akala ko'y kauri rin ng mga lahi ritong kristiano n~gayon na nagsipangubat lamang dahil sa pag-ibig marahil na manatili sa kanilang kalayaan at sa ganito'y n��urong sa pagsulong sa katalinuan.
Tungkol sa orang-laut at orang malayo ay di mapagtatakhang siyang pinagmulan ng mga taong bayan dito ayon sa kanilang ayos at paraan nag pamumuhay.
Bukod dito ay dapat ding tantoin na ang kamalayahan (maging taong-gubat �� taong dagat �� taong bayan) baga man supl��ng sa isang lahi (sa lahing Mongol an��ng m~ga mananalaysay) ay pangkat pangkat din, dahil sa nan~gamamayan hiwahiwalay sa pulo't pulo, na ang iba'y sa Sumatra, ang iba'y sa Java, ang iba'y sa Celebes at ang iba'y sa iba't ibang pulo, bukod pa sa nangatira sa kapatagan ng Malaka, at man~gyare--sa pagkakapulopulo at pagkakahiwahiwalay na ito ay nagkaiba't iba ng kaonti at sapagka't ang mga Tagarito, sa akala ko, ay hindi galing sa iisang angkan ng mga yaon, kundi sa iba't iba ay kaya naman iba't iba rin ang mga lipi rito, bukod pa nga sa dito ma'y nagkapulopulo at nagkahiwahiwalay pa uli.
Tungkol sa mga moro sa Magindanaw ay masasapantahang siyang mga huling naparito at ayon sa kapaniwalaan ngayon ay siyang mga kasabay �� kasunod ng
Continue reading on your phone by scaning this QR Code

 / 32
Tip: The current page has been bookmarked automatically. If you wish to continue reading later, just open the Dertz Homepage, and click on the 'continue reading' link at the bottom of the page.