Dating Pilipinas | Page 3

Sofronio G. Calderón
na kaonting indonesiano, at n~gayo'y siyang m~ga kinikilalang pilipino.
Ang lahing ito ay nababahagi ngayon ng tatlong malaking bahagi: Una'y ang m~ga taong nagsipangubat na d? napasaklaw sa kapangyarihan ng m~ga taga ibang lupain, ikalawa'y ang mga moro �� kumikilala kay Mahoma at ikatlo'y ang m~ga nagsipagkristiano.
Ang tatlong bahaging ito ay paraparang napapangkat, ngayon ng lipilipi at angkan-angkan.
Ang unang bahagi, na sa m~ga taong gubat, ay lubhang marami ang pagkakapangkatpangkat; nguni't ang mga lubhang kilala ay ang Igorot Ilongot, Tingian, Gaddan at Kalinga dito sa Luzon, ang Tiruray sa Mindanaw at ang Tagbanua sa Palawan. Ang pagkakapangkatpangkat n~g mga taong ito ay pinagkaroonan n~g iba't ibang isipan n~g mga tanyag na mananalaysay. An��ng Profesor Blumentrit, sukat dito sa kalusonan at kabisayaan ay napapangkat ang mga ito ng tatlong pu't anim na lipi baga man kalakip na pati nang sa mga itim, at an��ng mga mananalaysay na Jesuita ay dadalawang pu't anim, at sa bilang na ito ay may binangit pa ang mga Jesuita na d? ibinibilang ng Profesor Blumentrit sa kanyang salaysay na gaya rin n~g Profesor Blumentrit tungkol sa binangit ng m~ga Jesuita: ano pa't kung idadagdag ang mga binangit ng m~ga Jesuita na d�� naibilang ng Profesor Blumentrit sa kanyang pagkatala ay hihigit pa n~ga sa tatlong pu't anim na bilang niya. Nguni't hindi lamang ito, kundi dumating dito ang mga Americano at pinagsikapan ding masiyasat itong iba't ibang liping nagsisipangubat, na sa mga sumiyasat at nakakita n~g mga ito ay di maliligtaan sina Dr. Barrows, Comicionado Dean C. Worcester, John C. Foreman. Dr. M.L. Miller, Capitan Charles E. Nathorst, at Capitan Samuel D. Crawford at di rin nangagkaiisa n~g isipan bagay sa mga liping ito; sapagca't ani Dr. Barrows ay tatatlo ang liping malayo rito at kung bag�� man anya't marami ay angkan lamang n~g tatlong ito ang iba, samantala namang ang sa Comicionado Dean C. Worcester ay anim ang liping malayong narito at an��ng iba ay isang gayon: ano pa at iba't iba. Kung alin ang matuid sa mga salaysay noong m~ga una sampu nitong mga huli ay di natin masabi at hangang n~gayon ay di pa lubos na kilala ang boong paraa't ayos ng pamumuhay niyang mga taong gubat na nabangit baga man masasapantahang di lubhang magkakaiiba,
Ang ikalawang bahagi na sa mga moro, ay gaya rin n~g sa mga taong gubat na napapangkat n~g lipilipi at angkan-angkan, na ang iba'y sa Dabaw, ang iba,y sa Samboanga, ang iba'y sa Kottabato at ang iba'y sa iba't ibang dako n~g Hulo't Mindanaw na pawang may kanikanyang ngalan. Ang mga ito ang may lalong malinaw na kasaysayan kay sa lahat n~g lipi rito sa Pilipinas, dahil marahil sa maagang pagkasulong nila sa katalinuang pakamahometano at pagkapagingat nila ng kanilang mga alamat at m~ga alaala n~g dating pamumuhay n~g kanilang mga kanunuan. Tungkol dito ay di dapat ligtaang basahin ang salaysay ni Naajeb M. Saleeby sa kanyang aklat na kasusulat pa lamang.
Ang ikatlong bahagi, na sa mga nagsipagkristiano at siyang mga liping tinutukoy ko sa kasaysayang ito ay masasabi nating may walong lipi ang dami na dili iba't itong mga sumusunod: Ang Bisaya_, na mga taong nan~gananahan sa maraming mga pulong napapagitan sa Luz��n at Mindanaw, sa makatuid baga'y sa mga pul�� ng Panay, Negros, Leyte, Samar at ibapa; ang Tagalog, na nangananahan sa kalagitnaan ng Luzon at nakakalat sa mga lalawigan n~g, Maynila, Batangan, Kabite, Laguna, Bulakan, Bataan, Nueva, Ecija at iba pa; ang Kapangpan~gan at Pang-asinan na nangakakalat sa m~ga kapatagan ng kahilagaan nitong Luzon; ang Ilokano, na nan~gananahan sa may dakong kalagitnaan ng hilaga't kanluran nitong Luzon; ang Kagayan_ na nangagsasalita n~g wikang Ibanag at nangananahan din sa Kagayan; ang Bikol na nangananahan sa Kamarines at sa m~ga lalawigan ng Sorsogon; at ang Sambal na nan~gananahan din sa Sambales. Dito'y di na kabilang ang ibang lipi na nanga sa Nueva Viskaya, sa pulo ng Batanes at Kalamianes dahil sa kaliliitan.

=Ikatlong Pangkat.=
=Ang Pagkaparito at Pinangalingan ng Lahing Pilipino.=
Ngayon n~gang batid na natin ang dinamidami nitong mga lipilipi at angkan-angkang nan~gananahan dito na pawang kinikilalang pilipino ay di natin maliligtaan na di maitanong kahi't sa sarili kung ang m~ga ito ay katutubo rito �� kung bakit nangaparito at saan nangangaling.
Sa pagkakatutubo rito, ng m~ga taong ito anang manga mananalaysay ay hindi at bago pa nga mandin ang m~ga ito ay ang m~ga ita_ muna ang nanganahan dito; sapagka't di nga naman mangyayari na ang isang lahing mahina na gaya ng mga ita ay mahuli pa isang lahing may kaonting kalakasan. N~guni't mula pa sa kaunaunahang dako hangang sa panahong ito ay hindi kaila na ang tao ay laging nagsikap n~g ikabubuti't ikagiginhawa ng sarili na kung di nga masiyahan sa kanyang bayan ay dumadayo sa iba; kaya't hangang ngayon ay may mga taong gubat na nagpapabuhatbuhat ng tahanan dahil sa paghanap ng lalo't lalong mabuting lupa �� n~g dakong
Continue reading on your phone by scaning this QR Code

 / 32
Tip: The current page has been bookmarked automatically. If you wish to continue reading later, just open the Dertz Homepage, and click on the 'continue reading' link at the bottom of the page.