na ito at pagkakaroon n~g iba't ibang pangalan ay pinagkaroonan n~g iba't ibang isipan n~g mga mananasaysay, na an��ng iba'y supling sa iba't ibang lahi ng mga itim at an��ng iba'y iisang lahi na napapangkat lamang n~g angkan-angkan na sa akala ko'y itong hul�� ang mapaniniwalaan.
Ang mga taong ito ay nangananahan pulupulutong na limalimangpu humigit kumulang at ang hitsura't anyo ay pandak na lilimang paa ang taas, maiitim baga man ang iba'i may kakuyumangihan, malalaki ang mata ng karamihan, kulot ang buhok at balbasin ang mga lalaki, sarat ang ilong, makakapal ang labi at mabibilog ang ulo. Hindi nan~gaggugupit ng buhok, malibang totoong mahaba na at kung gayon ay pinuputol ng itak �� sundang kung sakaling walang gunting. Ang ibang itim sa Bataan ay nagsisipagkoronita sa ulo na parang pare upang makasin~gaw ang ipit, di umano, at yaong nan~ga sa Sambales ay nagsisipag-ahit kung minsan ng kalahati ng ulo, na mula sa tuktok hangang sa batok.
Ang damit, ng m~ga lalaki ay bahag lamang sa mga balakang at ang sa m~ga babae ay tapi na mula sa baywang hangang sa tuhod. Ang dinadamit ay kayo kung mayroon, datapua't karaniwa'y balat n~g kahoy.
Ang karaniwang kagayakan ay sarisari. Gumagamit n~g kawayang suklay na may gayak na pakpak na sarisaring kulay. Nagsisigamit din n~g hikaw, bitones, pirapirasong salamin at iba pa na gaya rin nito. Ang m~ga pinuno ay nagpapatulis ng ngipin sa harap, at halos lahat ay nangagsisipagkudlit sa katawan n~g sarisaring hitsura na ang mga lalaki ay sa dibdib, sa likod at sa mga bisig at ang mga babae naman ay gayon, din bukod pa sa mga harapan ng hita at sa iba pang dako n~g katawan.
Ang lahing ito ay may ugaling magpabagobago n~g tahanan, at sa ganito'y hindi nangagbabahay at ang karaniwang pahingahan ay ang paanan ng m~ga punong kahoy na kanilang pinagtitindigan ng balangkas na miski paano saka binububungan n~g kugon �� ng miski anong dahon.
Sa pagkabuhay ay nan~gabubuhay sa isda, lamang lupa, sa big��s (na nangaghahasik ng palay sa dakong katahanan), at lalong lalo na sa mga hayop na kanilang nahuhuli �� napapana, at di umano'y mga totoong maibiguin sa lam��n ng ungoy, saka nan~gagsisikain ng ahas, palaka bubul�� at iba pang hayop na di natin kinakain.
Ang sakbat na kagamitan ay sibat na kawayan �� sanga kaya ng kahoy at, pana't busog na may lason na kanilang ginagamit sa ano mang lakad nila.
Mga totoong magiliwin sa tugtugin at ang kanilang mga instrumento ay buho't kawayan. May sarisaring sayaw sila, na tinatawag nilang sayaw kamote, sayaw pagong, sayaw pangingibig sayaw pakikihamok at iba pa na may kahabaang saysayin dito kung papaano.
Sa pag-aasawa ay inuugali ang pagkakasunduan ng mga magulang saka ang bigay-kaya na gaya rin n~g sa ibang lahing gubat. Tungkol sa pagdidiwan nito ay sarisari ayon sa iba't ibang angkan ng mga ito, nguni sa m~ga itim na nan~ga sa bundok ng Mariveles ay ganito di umano. Nagsisipagtago sa gubat ang babae at ang m~ga abay niya, saka hinahanap ng lalaki at n~g mga abay naman nito hangan sa masumpun~gan. Pagkasumpong ay ipinagsasama ang babae sa dakong pagtatapusan ng pagdidiwan na tumutugtog ang lalaki ng gansa (na isang instrumento nila) sa harap n~g babae at habang lumalakad ay sumasayaw: samantalang ang babae naman ay may takip na panyo sa ulo at mukha at lumalakad na payuko. Pagtigil ng tugtog ng lalaki ay hinahandugan ng m~ga kaibigan ang babae ng kanikanyang kaya. Pagkatapos ay lumalapit ang babae sa isang wari entablado na handa na kapagkaraka na may dalawang dipa ang taas at nililigid n~g kanyang mga kamag-anak, saka tinatakbo at inaagaw ng lalaki na hinahawakan sa bisig at isinasampa sa itaas noong wari entablado na doon sila nauupong dalawa na magkaabrasete. Kung magkagayon ay sumasampa ang ilan sa kanilang mga kaibigan at kamag-anakan na nagsisipag-alay ng kanikanyang kaya, saka nan~gananaog na kasama ang bagong mag-asawa. At pagkapa?aog ay sinasalubong n~g isang matandang lalaki at isang matandang babae na nan~gagsisilagay marahil na pinaka-inaama at ini-ina at siyang nangagpapa-ala-ala ng kanilang payo sa bagong mag-asawang yaon.
Bagay sa kanilang kapanampalatayahan, di umano, ay wari ang pagsamba sa mga bagay n~g katalagahan at sa m~ga kalulua, at ang mga matanda at ang m~ga namatay sa kanila ay lubhang ipinakagagalang.
Ang lahing ito ayon sa kapaniwalaan ay nan~ganahan ditong malaong panahon hangang sa dinatnan ng lahing malayo_.
Tungkol sa pagkaparito ng m~ga ito kung paano at saan nangangaling ay di masabi at hangan ngayon ay di pinagkakaisahan n~g mga mananalaysay ang bagay na ito; sapagka't an��ng iba ay galing sa Aprika na nakapagpalipat-lipat sa pulo't pulo hangang Nueva Ginea at mula sa Nueva Ginea hangang dito, at an��ng m~ga bagong mananalaysay ay hindi, kun di ang mga ito'y kaibang lahi n~g mga itim sa Aprika at talagang tagarito sa Kasilan~ganan.
=Ikalawang Pangkat.=
=Lahing Pilipino=
Maliban sa mga itim ay pawang lahing malayo na ang nangananahan dito na may halo marahil
Continue reading on your phone by scaning this QR Code
Tip: The current page has been bookmarked automatically. If you wish to continue reading later, just open the
Dertz Homepage, and click on the 'continue reading' link at the bottom of the page.