Dating Pilipinas

Sofronio G. Calderón


Dating Pilipinas

The Project Gutenberg EBook of Dating Pilipinas, by Sofronio G. Calder��n This eBook is for the use of anyone anywhere at no cost and with almost no restrictions whatsoever. You may copy it, give it away or re-use it under the terms of the Project Gutenberg License included with this eBook or online at www.gutenberg.org
Title: Dating Pilipinas
Author: Sofronio G. Calder��n
Release Date: February 18, 2006 [EBook #17787]
Language: Tagalog
Character set encoding: ISO-8859-1
*** START OF THIS PROJECT GUTENBERG EBOOK DATING PILIPINAS ***

Produced by Tamiko I. Camacho, Pilar Somoza and the Online Distributed Proofreading Team at http://www.pgdp.net (This file was made using scans of public domain works from the University of Michigan Digital Libraries.)

[Transcriber's note: Tilde g in old Tagalog which is no longer used is marked as ~g.]
[Paalala ng nagsalin: May kilay ang mga salitang "ng, mga," at iba pa upang ipakita ang dating estilo sa pag-sulat ng Tagalog na sa ngayon ay hindi na ginagamit.]
[Patalastas: Imprenta Libreria at Papeleria ni J. Martinez]
DATING PILIPINAS
SINULAT NI
SOFRONIO G. CALDER��N
MAYNILA:
Imprenta, Librer��a at Papeleria
ni J. Martinez
Daan Jolo bilg. 310.--Binundok.
=1907.=

Ipinagbibili ang aklat na ito sa lahat n~g aklatan dito sa Maynil��, at sa bahay nang sumulat, daang Lamayan, Bilg. 56, Sta. Ana.-Maynil��.
=Kung pakyawan ay mura.=
Ang aklat na ito ay itinatalaga ko sa aking an��k na si Sofronio G. Calder��n.

=PAUNAW��.=
Ang aklat na ito ay pinagtiyagaan kong sinulat up��ng mag��ng tulong ko kahi't kaunti sa mga di pa nakababatid ng dating kasaysayan niring Lupang Tinubuan na n~gayo'y halos nalilibing sa limot. Marahil ay di na isinasaloob ng iba na lin~gunin pa ang nakaraan; nguni't kung ating didilidilihin ay lubhang mahalaga, sapagka't ang nakaraan ang siya nating pinagbabakasan ng n~gayon sampu ng hinaharap, siyang bumubuhay ng m~ga bagay na nangyayari, siyang kumakandili ng ating alaala sa ating mga kanunuan na ating pinagkautan~gan ng buhay at bala na, at sa madaling sabi ay siyang pinakasalamin n~g madl�� sa pamumuhay, na dahil dito ay pinagsikapan ng halos lahat ng lupain ang pagsiyasat at pag-aaral n~g kanikanilang kasaysayan.
Sa kasaysayang ito ay di ko muna inilakip ang sa m~ga taong gubat at ang sa kamorohan, sapagka't ang una ay di pa lubhang kilala ang wika samp�� nang boong paraa't ayos n~g pamumuhay, saka kapua may kahabaang salaysayin lalong lalo na ang sa kamorohan na may kilala't sariling kasaysayang naingatan; at dahil sa mga dahilan ito ay minagaling kong unahin itong pinakamahalaga sa atin up��ng huag lubhang humab�� at tuloy makaya n~g lahat ang halaga, sapagka't kung papagsasabaysabayin ay mamabigatin ng karamihan ang halaga sa kamahalan n~gayon ng pagpapalimbag.
Tuloy ipinauunawa ko na ang kasaysayang ito ay hinango ko sa mga aklat nina P. Chirino, P. Delgado, P. Colin, P. Placencia, Morga, Dr. P. de Tavera. Sa salaysay ni Pigafetta, sa m~ga paaninao ni Dr. Rizal at kaonti sa mga aklat nina Blair at Robertson at gayon din sa mga kasaysayan ni Dr. Barrows at Comisionado Dean C. Worcester. Marahil din naman ay may kaonting kulang pa ito, dahil sa di ko pagkasumpong ng lahat ng kasaysayang kailan~gan, ngunit inaasahan kong ito ang m~ga pinakamahalaga.
Ipinauunawa ko rin na ang aking pagkasulat nito ay utang na loob ko sa aking amaing si G. Felipe G. Calder��n, kay Mr. J.H. Lamb, at kay Dr. James B. Rodgers na nangagkatiwala sa akin n~g kanilang mga aklat na nabangit ko sa unahan nito na ngayo'y mahirap man~gasumpungan.
Sofronio G. Calder��n

=Unang Pangkat.=
=M~ga Unang Tao Rito.=
Isa sa mga lahing hangang n~gayo'y nan~gananahan dito sa mga kapuluang Pilipinas ay ang m~ga "Itim" �� "Ita", at sapagka't ayon sa kapaniwalaan ay siyang unang nangamayan dito ay di nga maliligtaan sa kasaysayan n~g Pilipinas.
Ang dami, di umano, ng mga ito ay may tatlong yuta at pawang nangananahan sa m~ga gubat at bundukin ng Bataan at Sambales at sa Silanganang bundukin n~g dakong hilaga ng Luzon na mula sa Cabo Enga?o hangang Baler. May mangilan~gilan ding nan~gananahan sa mga bundukin ng m~ga lalawigang Rizal, Bulakan, Kapangpangan Tarlak, Pangasinan, Ilokos Norte, Nueva Ecija at Abra. Gayon din sa m~ga pangpangin ng Rio Grande sa Kagayan at sa ilog Ablug sa lalawigan ng Kagayan at sa m~ga dating comandancia ng Infanta at Pr��ncipe na ngayo'y sakop n~g lalawigan ng Tayabas. Bukod dito'y mayroon din sa mga pulo ng Mindoro, Panay, Negros, Mindanaw at iba pa.
Palibhasa,t, nakapangkat-pankat ang lahing ito ay nagkaroon n~g iba't ibang pangalan, na yaong mga nasa Sambales lalong lalo na yaong mga haluang dugo ay pinan~ganlang Abunlon; yaong nanga sa Morriones sa Tarlak ay Aburlin; ang ibang nan~ga sa Kagayan, Isabela, Kapangpangan Bulakan at Bataan ay Ita; ang ibang nanga sa Isabela ay Agtas; ang ibang nanga sa Nueva Ecija, Kapangpangan, Sambales, Ilocos Sur, at Tarlac lalong lalo na yaong m~ga haluang dugo ay Balugas; ang ibang nanga sa Sambales ay Bukiles ang nanga sa baybayin ng dagat Pac��fico sa Hilaga n~g Luz��n ay Dumagat_; at ang nanga sa Baggaw sa Kagayan ay Parames_.
Dahil sa pagkakapangkat-pangkat
Continue reading on your phone by scaning this QR Code

 / 32
Tip: The current page has been bookmarked automatically. If you wish to continue reading later, just open the Dertz Homepage, and click on the 'continue reading' link at the bottom of the page.