Dating Pilipinas | Page 9

Sofronio G. Calderón
kaalam ay pawang inaalipin sampû n~g
kanilang mga anák.
* * * * *
=Paghuli sa magnanakaw.=
Upang hulihin ang mga magnanakaw ay tinatawag ang mga
pinaghihinalaan, at mga pinapagsasalansan sa isang dako n~g mga
balaba ng dahon ó n~g mga damit kaya, at kung pagkatapos nito'y
masumpun~gan sa salansan ang nawala ay hindi na pinag-uusig pa,
n~guni't kung hindi ay sinusubok sa alin man dito sa tatlong paraang
sumusunod:
Una.--Dinádalá ang mga pinaghihinalaan sa isang dakong malalim ng
ilog na bawa't isa'y may daláng pangpigil sa ilalim n~g tubig upáng
kung pasisirin ay makapan~guyapit na matagal sa ilalim, at sa ganito,
ang unang lumitaw ay siyang inaaring may sala. Di umano'y
namamatay ang iba sa pagkalunod dahil sa takot na siyang ariing may
sala.
Ikalawa.--Naglalagay n~g isang bató sa isang sisidlang may
kumukulong tubig, saka ipinadadampot sa mga pinagbibintangan at
ang umayaw ay siyang nagbabayad n~g nánakaw.
Ikatlo.--Pinapagtatangan ang m~ga pinagbibintan~gan ng tig-isang
kandila na magkakasinlaki at magkakasinbigat, at kung sino ang unang

mamatayan ay siyang inaaring nagnakaw.
Ang parusa namang inilapat sa nagnakaw kung ang ninakaw ay hindi
lumalagpas sa halagang apat na putol na ginto ay ipinasasauli n~g
hukom ang ninakaw saka pinapagdadagdag pa n~g isang gayon. Kung
higit sa apat na putol na ginto ay inaalipin. At kung isang kate na ginto
ay nilalapatan n~g parusang kamatayan ó kung dili ay inaapilin ang
nagnakaw sampû ng asawa't mga anák.
Di umano'y kaugalian din naman (marahil sa ibang balan~gay) na sa
unang pagnanakaw ay pinapagbabayad lamang n~g isang gayon, sa
ikalawa'y inaalipin at sa ikatlo ay pinapatay ó kung sakaling
pinatatawad dito sa huling parusa ay kung inaalipin sampu n~g asawa't
mga anák.--Nguni't ang anák na hiwalay sa bahay niya ay hindi
idinadamay sa pagkaalipin, dahil sa isipang hindi kaalam sa
pagnanakaw.
* * * * *
=Pagsásamá=
Kung ang dalawang tao ay magsamá n~g tiggayong halagá upang
mangalakal, at ang may hawak n~g salapi ay maharang ng kampon sa
di kasundong balangay ay katungkulan ng kasamá na tubusin ang
naharang; nguni't kung ang pagkapahamak ay kasalanan n~g may
hawak ng salapi ay kailangang isauli ang salaping naparual ó kung dili
ay n~g mga anák. At kung walang maibayad ay masasanlang
pinakaalipin siya at ang kalahati ng kanyang mga anák sa kasamáng
dapat pagbayaran.
* * * * *
=Pagmamanahan=
Sa pagmamanahan ay hindi kailan~gan ang testamento, kungdi sukat
na ang pahimakas na bilin n~g namatay sa kanino mang kaharap;
sapagka't ang bilin n~g magulang ay lubhang mahalagá, dahil sa
kapanampalatayan na ang mga kalulua n~g kanilang nangasirang

magulang at kanunuan ay kasama rin nila sa sandaigdigang ito at
siyang sa kanila'y nagpapaginhawa ó nagbibigay-hirap ayon sa asal nila
(basahin ang paglilibing) ano pa't sa ganito'y hindi inuugali ang
pagdadaya at pagsisinun~galing.
Sa katungkulan.--Ang m~ga anak lamang sa tunay na asawa ang
nakapagmamana ng katungkulan n~g magulang, ano pa't kung pangulo
sa isang balangay ang magulang at mamatay ay ang pan~ganay sa mga
lalaki ang humahalili at kung patay na ay ang pangalawa; nguni't kung
walang anak na lalaki ay mga anák na babae ang humahalili ng
papagayon din, at kung sakaling walang anak ay kamag-anak na
pinakamalapit ang nagmamana, na ani Rizal, ay siya ring kautusang
pínanununtunan ng mga anak-hari sa España, Inglaterra, Austria at ibp.
Sa m~ga tunay na anák n~g mag-asawa.--Ang tunay na magkakapatid
sa ama't ina ay nagsisipagmana ng magkakasindami, malibang ibigin
ng amá ó ng iná na palaman~gan ang sino man sa kanilang anak ng
dalawa ó tatlong putol na ginto ó ng isang hiyás kaya. Kung ang isa sa
mga anák ay nag-asawa sa isang uring maginoo at dahil sa kalakhan
n~g kanyang bigay-kayang ipinagkaloob ay makahigit sa mana kay sa
kanyang m~ga kapatid ay hindi ibinibilang ang kahigitang yaon;
datapua't ang ano mang bagay na ibinigay n~g magulang sa kanino
mang anák maging sa pangan~gailangan ó hindi ay ibinibilang sa
pagmamanahan.
Kung sa pagmamanahang ito ay may isang aliping nauukol sa lahat n~g
magmamana ay binabahagi ang panahon n~g paglilingkod nito sa
bawa't isa sa kanyang papan~ginoonin ayon sa pagkakasunduan nila.
Kung sakaling hindi lubos ang pagkaalipin, kungdi kakalahati ó ikapat
na bahagi lamang ang pagkaalipin ay pagbabayaran ng m~ga
panginoon ang paglilingkod niya sa panahon n~g kanyang kalayaan
ayon sa kanyang pagkaalipin.
M~ga anák sa una't hulíng asawa.--Kung ang sino man ay
nakapag-asawang makalawa at kapua pinagkaroonan n~g anák ay
nagmamana ang isa't isa sa mga anák ng ayon sa mana't bigay, kaya na
ukol sa kanikanyang ina, at ang pag-aari n~g amá ay binabahagi sa
lahat na walang palamang sa kanino man.

M~ga anák sa tunay na asawa at m~ga anák sa alipin.--Kung ang sino
mang lalaki ay nagkaanak sa tunay na asawa at nagkáanák pa sa alipin
ay hindi nagmamana ang sa alipin; n~guni't ang aliping naanakan ay
pinapagiging-laya at ang anák ay pinagkakalooban n~g miski ano, na
kung maginoo
Continue reading on your phone by scaning this QR Code

 / 33
Tip: The current page has been bookmarked automatically. If you wish to continue reading later, just open the Dertz Homepage, and click on the 'continue reading' link at the bottom of the page.