Dating Pilipinas | Page 8

Sofronio G. Calderón

nangaghiyas na nagsisipagkuwintás n~g ginto, nagsisipaghikaw at
nagsisipagkalombigas.
Bagay namán sa kalinisan, lalaki't babae at lalo na ang m~ga máginoo,
ay totoong malinis sa kanikanyang katawa't bihis; nan~gagpapaitim na
mainam ng buhók na nagsisipaggugo at nagsisipaglan~gis n~g língáng
may pabangó. Sa n~gipin ay lubhang maingat na lahat, na mula sa
pagkabata ay pinapantay ng m~ga bato't iba pang mga kasangkapang
pangkiskis at pinaiitim hangang sa tumanda, na tuloy sinasaglitan n~g
ginto at nililinis pagkakain at pagkakagising.
Bata't matanda ay naliligo sa m~ga ilog at sa malaking bangbang na,
ani Morga'y, kahi't sa anong oras, dahil sa di umano'y inaaring
pinakamainam na kagamutan: kaya't pagkapanganak (anyá) ng babaye
ay agád naliligo at pati bata'y pinaliliguan din[4]. At ani Colin, ang
karaniwang oras na ipinaliligo ay sa pagkalubóg n~g araw, pagkatapos
n~g gawain at sa pangagaling sa pakikipaglibing na naging kaugalian
din sa Hapón. Saka kung naliligo ay mahinhing naúupo na inilúlubóg
ang katawán hangang sa lalamunan na nangagpapakaingat upang
huwag maging tudláng n~g matá nino man.
TALABABA:
[4] Ani Rizal, ay di lubhang mapaniniwalaan ito dahil sa
pinakaiingatan n~g mga tagarito ang maligo sa tanghali, pagkakain,
pagká bagong kalilitaw ang sipon at pagka pinápanahón ang babaye at
iba pa.

=Ikaanim na Pangkat.=

=Kaugaliang pinanununtunan sa mga Kapaslangan at Sigalutan.=
Palibhasa't ang mga Tagarito ay nan~gamamayan at may mga tatag na
pamahalaan ó balangay ay may mga hukom at tuntunin ring
pinanununtunan.
Itong mga tuntuning pinanununtunan sa kanikanilang balangay ay
pawang alinsunod sa kanilang m~ga alamat at kaugaliang kinagisnan[5]
na di binabago at mahigpit nilang tinatalima. Datapuat di umano'y may
mga pan~gulo rin namang nagsisipaglagda n~g mga kautusan, saka
itinatanyag sa bayánbayán nang isang mánanawag na pinanganganlang
Biuhahasan. Sa pagtatanyag, di umano, ay nagdádála n~g isang
batingaw na tinutugtog upáng mapag-alaman n~g mga tao.
Ang mga hukom sa mga usapin nila ay ang kanikanilang
pinakapangulo[6] na kung minsa'y nagiisa at kung minsa'y kasama n~g
isang datò sa balangay ó n~g isang maginoo sa nayon: at ang pangulo
sa balangay ay may sakdal na kapangyarihan na maaaring gumawa ng
ano man na walang sanguni sa iba, at sa ganito, ang magkulang sa
kanya ay naparurusahan niya ng kamatayan ó pagkaalipin ó
pagbabayad kaya ng isang gayon.
Ngunit sa pagmumungkahian at m~ga sigalot n~g magkakasambahay
ó ng magkakamag-anak ay karaniwang ang matatanda na lamang sa
nayon ang pinagsasakdalan na siyang humuhusay at ganap na dinidinig
naman n~g m~ga may sigalot:
Sa pagpaparusa naman ay walang bilibid ó bilanguang gaya n~gayon,
kundi ang kaugaliang parusa na inilalapat sa nagkasala ay ang
pagbayarin n~g isang gayon ó alipinin kaya at kung totoong mabigat ay
nilalapatan ng parusang kamatayan. At upáng matanto ng manbabasa
ang mga tuntunin sampú n~g m~ga salang kinalalapatan n~g mga
parusang nábangit ay aking ihahanay dito sa sumusunod.
* * * * *
=Sigalot ng m~ga pan~gulo sa dalawang balangay=

Kung ang mga pan~gulo sa dalawang balangay (na magkasundô
marahil) ay magkaroon n~g ano mang sigalot ó usap ay pumipilì sa
ibang balangay n~g isang pangulo na mailalagay nilang pinakahukom
upang humatol sa kanila n~g walang hilig; sa pagka't bagá man sa iba't
ibang balan~gay ay may iba't ibang tuntuning pinanununtunan ay halos
magkakaayon di umano.[7]
* * * * *
=Pag-aasawa sa taga ibang balan~gay.=
Kung ang isang maharlika ó timawà, (maging lalaki maging babae) sa
isang balangay ay mag-asawa sa taga ibang balangay ay hindi
makalilipat sa balangay na tinatahanan ng magiging asawa, kungdi
magbayad ng isang gayong halaga na paratang n~g mga datò. Ang
paratang na ito ay mulâ sa isang putol na gintô hangang tatlo ayon sa
paratang ng balangay, bukod pa ang isang paanyaya sa boong
balangay na aalisan. Kung ito'y hindi ganapin ay maaaring digmain ng
balangay na aalisan ang balan~gay na lilipatan, malibang
pagkasunduan na ang mga anák n~g mag-asawa ay hahatiin sa
kanikanyang balangay.
* * * * *
=Katungkulan ng mga kampon sa isang balangay.=
Ang sino mang kampon ay hindi bumabayad ng buis, nguni't
napatutulong ng pangulo sa kanyang m~ga kailangan, gaya sa
pagtatayô ng kanyang bahay ó sa kanyang pag-aani, sa pagbungkal ng
kanyang bukid, sa paggaod sa kanyang sasakyan at ibp.; n~guni't ayon
sa salaysay ni Morga ay ibinubuis ng mga kampon ang kanilang naaani
sa kanikanilang bukiran.
* * * * *
=Sa Nakamatay.=
Ang nakamatay ng isang alipin at humin~gi ng tawad ay hindi

pinarurusahan n~g lubhang mabigat, kungdi pinapagbabayad lamang sa
panginoon n~g halagá n~g aliping napatay saka hinahatulan ng
hukom ng iba pang parusang kanyang magalingin.
Ang nakamatay n~g isang timaua ay kamatayan rin ang parusang
inilalapat; nguni't kung humin~gi ng tawad ay inuuurong ang gayong
parusa at ipinaaalipin na lamang sa namatayan. Di umano'y kung
sakaling salapi ang nagíng kahatulan ay kalahatí lamang ang ibinibigay
sa namatayan at ang kahahatí ay sa hukom.
Datapua't ang nakamatay ng pangulo ó maginoo ay pinapatay ng
walang patawad at ang mga
Continue reading on your phone by scaning this QR Code

 / 33
Tip: The current page has been bookmarked automatically. If you wish to continue reading later, just open the Dertz Homepage, and click on the 'continue reading' link at the bottom of the page.