Dating Pilipinas
The Project Gutenberg EBook of Dating Pilipinas, by Sofronio G.
Calderón This eBook is for the use of anyone anywhere at no cost and
with almost no restrictions whatsoever. You may copy it, give it away
or re-use it under the terms of the Project Gutenberg License included
with this eBook or online at www.gutenberg.org
Title: Dating Pilipinas
Author: Sofronio G. Calderón
Release Date: February 18, 2006 [EBook #17787]
Language: Tagalog
Character set encoding: ISO-8859-1
*** START OF THIS PROJECT GUTENBERG EBOOK DATING
PILIPINAS ***
Produced by Tamiko I. Camacho, Pilar Somoza and the Online
Distributed Proofreading Team at http://www.pgdp.net (This file was
made using scans of public domain works from the University of
Michigan Digital Libraries.)
[Transcriber's note: Tilde g in old Tagalog which is no longer used is
marked as ~g.]
[Paalala ng nagsalin: May kilay ang mga salitang "ng, mga," at iba pa
upang ipakita ang dating estilo sa pag-sulat ng Tagalog na sa ngayon ay
hindi na ginagamit.]
[Patalastas: Imprenta Libreria at Papeleria ni J. Martinez]
DATING PILIPINAS
SINULAT NI
SOFRONIO G. CALDERÓN
MAYNILA:
Imprenta, Librería at Papeleria
ni J. Martinez
Daan Jolo bilg. 310.--Binundok.
=1907.=
Ipinagbibili ang aklat na ito sa lahat n~g aklatan dito sa Maynilà, at sa
bahay nang sumulat, daang Lamayan, Bilg. 56, Sta. Ana.-Maynilà.
=Kung pakyawan ay mura.=
Ang aklat na ito ay itinatalaga ko sa aking anák na si Sofronio G.
Calderón.
=PAUNAWÁ.=
Ang aklat na ito ay pinagtiyagaan kong sinulat upáng magíng tulong ko
kahi't kaunti sa mga di pa nakababatid ng dating kasaysayan niring
Lupang Tinubuan na n~gayo'y halos nalilibing sa limot. Marahil ay di
na isinasaloob ng iba na lin~gunin pa ang nakaraan; nguni't kung ating
didilidilihin ay lubhang mahalaga, sapagka't ang nakaraan ang siya
nating pinagbabakasan ng n~gayon sampu ng hinaharap, siyang
bumubuhay ng m~ga bagay na nangyayari, siyang kumakandili ng
ating alaala sa ating mga kanunuan na ating pinagkautan~gan ng
buhay at bala na, at sa madaling sabi ay siyang pinakasalamin n~g
madlá sa pamumuhay, na dahil dito ay pinagsikapan ng halos lahat ng
lupain ang pagsiyasat at pag-aaral n~g kanikanilang kasaysayan.
Sa kasaysayang ito ay di ko muna inilakip ang sa m~ga taong gubat at
ang sa kamorohan, sapagka't ang una ay di pa lubhang kilala ang wika
sampú nang boong paraa't ayos n~g pamumuhay, saka kapua may
kahabaang salaysayin lalong lalo na ang sa kamorohan na may kilala't
sariling kasaysayang naingatan; at dahil sa mga dahilan ito ay
minagaling kong unahin itong pinakamahalaga sa atin upáng huag
lubhang humabà at tuloy makaya n~g lahat ang halaga, sapagka't kung
papagsasabaysabayin ay mamabigatin ng karamihan ang halaga sa
kamahalan n~gayon ng pagpapalimbag.
Tuloy ipinauunawa ko na ang kasaysayang ito ay hinango ko sa mga
aklat nina P. Chirino, P. Delgado, P. Colin, P. Placencia, Morga, Dr. P.
de Tavera. Sa salaysay ni Pigafetta, sa m~ga paaninao ni Dr. Rizal at
kaonti sa mga aklat nina Blair at Robertson at gayon din sa mga
kasaysayan ni Dr. Barrows at Comisionado Dean C. Worcester.
Marahil din naman ay may kaonting kulang pa ito, dahil sa di ko
pagkasumpong ng lahat ng kasaysayang kailan~gan, ngunit inaasahan
kong ito ang m~ga pinakamahalaga.
Ipinauunawa ko rin na ang aking pagkasulat nito ay utang na loob ko sa
aking amaing si G. Felipe G. Calderón, kay Mr. J.H. Lamb, at kay Dr.
James B. Rodgers na nangagkatiwala sa akin n~g kanilang mga aklat
na nabangit ko sa unahan nito na ngayo'y mahirap man~gasumpungan.
Sofronio G. Calderón
=Unang Pangkat.=
=M~ga Unang Tao Rito.=
Isa sa mga lahing hangang n~gayo'y nan~gananahan dito sa mga
kapuluang Pilipinas ay ang m~ga "Itim" ó "Ita", at sapagka't ayon sa
kapaniwalaan ay siyang unang nangamayan dito ay di nga maliligtaan
sa kasaysayan n~g Pilipinas.
Ang dami, di umano, ng mga ito ay may tatlong yuta at pawang
nangananahan sa m~ga gubat at bundukin ng Bataan at Sambales at sa
Silanganang bundukin n~g dakong hilaga ng Luzon na mula sa Cabo
Engaño hangang Baler. May mangilan~gilan ding nan~gananahan sa
mga bundukin ng m~ga lalawigang Rizal, Bulakan, Kapangpangan
Tarlak, Pangasinan, Ilokos Norte, Nueva Ecija at Abra. Gayon din sa
m~ga pangpangin ng Rio Grande sa Kagayan at sa ilog Ablug sa
lalawigan ng Kagayan at sa m~ga dating comandancia ng Infanta at
Príncipe na ngayo'y sakop n~g lalawigan ng Tayabas. Bukod dito'y
mayroon din sa mga pulo ng Mindoro, Panay, Negros, Mindanaw at iba
pa.
Palibhasa,t, nakapangkat-pankat ang lahing ito ay nagkaroon n~g iba't
ibang pangalan, na yaong mga nasa Sambales lalong lalo na yaong
mga haluang dugo ay pinan~ganlang Abunlon; yaong nanga sa
Morriones sa Tarlak ay Aburlin; ang ibang nan~ga sa Kagayan, Isabela,
Kapangpangan Bulakan at Bataan ay Ita; ang ibang nanga sa Isabela
ay Agtas; ang ibang nanga sa Nueva Ecija, Kapangpangan, Sambales,
Ilocos Sur, at Tarlac lalong lalo na yaong
Continue reading on your phone by scaning this QR Code
Tip: The current page has been bookmarked automatically. If you wish to continue reading later, just open the
Dertz Homepage, and click on the 'continue reading' link at the bottom of the page.