Dating Pilipinas | Page 5

Sofronio G. Calderón
mga Tagarito, sa akala ko, ay
hindi galing sa iisang angkan ng mga yaon, kundi sa iba't iba ay kaya
naman iba't iba rin ang mga lipi rito, bukod pa nga sa dito ma'y
nagkapulopulo at nagkahiwahiwalay pa uli.

Tungkol sa mga moro sa Magindanaw ay masasapantahang siyang
mga huling naparito at ayon sa kapaniwalaan ngayon ay siyang mga
kasabay ó kasunod ng mga taga malayang nagsipamayan sa Borneo
noong dakong 1400.

=Ikaapat na Pangkat.=
=Dating Pamamayan ng m~ga Tagarito=
Bago nagpuno ang m~ga taga Europa dito sa Kapuluang Pilipinas, ay
may sarili ng paraa't ayos n~g pamumuno ang mga tagarito. Ang
paraa't, ayos ng pamunuang ito ay di kagaya ng sa iba't ibang lupaín na
may isang dakilang puno ó pan~gulo na kinikilala, kundi sa bawa't pulo
at lalawigan ay maraming pan~gulong may kanikanyang kampon at
sakop na nayon-nayon at lipi-lipi,[1] anopa,t, kaparis din n~g
pamunuan sa España bago nangagpaka-pan~ginoón doon ang mga
Romano't Godo.
Ang bawa't pangkat ng pamahalaan ay tinatawag na isang balangay.
Itong salitang balangay ay pan~galan ng sasakyang-dagat na di
umano'y siyang nilulanan ng mga taga Malaya sa pagparito, (basahin
ang pangkat na sasakyan) at ang dami ng mga taong sakáy sa bawa't isa
nito ay tinatawag na isang balan~gay na dili iba't siyang nátatag na
isang pamahalaan. At sapagka't may malalaki't maliliit na sasakyán ay
nagkamalalaki't maliliit namang balan~gay ó pámahalaan.
Ang bilang ng m~ga tao sa pinakamunting balangay ay limang pú at sa
pinakamalakí ay umáabot n~g hangang pitong libo.
Ang ibang mga balangay ay magkakasundô at hangang sa
naglalakip-lakip[2] upang kung salakayin ng mga kaaway ay huwag
masupil; nguni't ang pagkakálakip na ito ay sanhi ng pagkakasunduan
at hindi ng pagsasáilaliman ng isa't isá; ano pa nga't bawa't balangay ay
may kanya ring sariling pan~gulo, liban na sa panahon ng digma na
pumipili ng isang man~gungulo sa kanilang lahat.
Ang pangalan n~g pan~gulo sa bawa't balan~gay ay Dato_ na ang

kahulugán sa wikang Malaya (ani Dr. de Tavera) ay nuno ó lelong: ano
pa n~ga't dito'y ating mapagninilay na ang ayos sa pámunuan ay isang
pamumuno sa gulangan. Itong tawag na Dato na pangulo ay nanánatili
pa hanga ngayón sa Holó't Mindanaw. Ang pangulo namang
nagpupuno sa samasamang balangay ay nagkakapamagát n~g Laca ó
Raja ó Ladya ó Radja. Mula n~g lumitaw ang mahomatismo_
(pananalig kay Mahoma) ay ginamit ang salitang sultán. Di umano'y
may nagpápamagat, din n~g Hari na siyang dating kapangalanán sa
mga dakilang pinuno sa India, at ang kahulugan sa sanskrito, ani Dr. de
Tavera ay Brahma, araw, Vishnu.
Ang pamumuno ng pangulo ay paratihan ó sa tanáng buhay. At ang
pagkapuno't pagkamáginoo ay minamana n~g anák at kung sakaling
wala, ay m~ga kapatid ó kamag-anak na malapit ang humahalili. Ang
tungkulin ng mga ito ay pagpunuan ang kaníkanyang sakop at kampon
at tuloy lingapin ang kanikanilang usapín at kailangan; at ang sabihin
namán ng m~ga ito ay iginagalang at ginaganap n~g kanikanyang
sakop na mga tao. Iginagalang din ang mga kamag-anak at inapó n~g
mga puno, na kung baga ma't hindi nakapagmana n~g pagkapuno ay
pawang ibinibilang namáng taong-mahal at ipinakatatangi sa mga taong
karaniwan. Kung paano, ang kamahala't pagkamaginoo ng mga lalaki
ay gayon din ang sa m~ga babae[3].
Sa mga balan~gay na nabangit ay may tatlong kalagayan ng tao:
Una'y ang mga mahal na pinamamagatang Maginoo ó Ginoo_;
ikalawa'y ang mga nakaririwasa na pinamamagatang timawa_ (ó
payapa) at anáng ibang mga mananalaysay ay maharlika_; ang
pamagat, na sa wikang Malayo ani Dr. Tavera ay laya ang ibig sabihin;
at ikatlo'y ang m~ga alipin na sa Bisaya'y oripun.
Ani Colín, ang mga lalaking may mahal na uri ó m~ga maginoo_ ay
nagpapamagat din ng Gat ó Lakan, gaya n~g Gat Maitan, Lakán Dula
at iba pa at sa m~ga babae nama'y Dayang gaya n~g Dayang Mati_.
Anang iba'y naging karaniwang kasambitan din ang ating kinauugalian
pa hangang ngayong mama (amain) ó mang sa mga lalaki at ang ale sa
m~ga babae.
Sumusunod sa uring ito ang mga
timawa (payapa) ó maharlika_ (laya).

Ang mga ito'y tangi sa ibang uri na walang sinasailaliman libang sa
kanilang Dato ó pangulo. Hindi rin nan~gagsisibayad ng buwis at ang
paglilingkod na ginagawa ng mga ito ay ang tungkol lamang sa naayon
sa ugali. Itong ugaling tungkulin nila, ay ang sumunod sa utos ng
pan~gulo ó puno sa panahon ng digma: kaya't ang mga ito ang siyang
nan~gagsisibuo n~g kawal ó hukbo n~g balangay at sa ganito'y may
pamagat na kabalan~gay. Bukod dito ay tungkulin din nila ang
tumulong sa pan~gulo ó Dato kung panahong nagbubukid ó umaani at
gayon din sa pagtatayo n~g bahay, sa pag-gaod sa sasakyan niya kung
sakaling naglalayag nguni't sila'y pawang pakain sa loob ng boong
panahong kanilang ipinaglilingkod.
Ang sumusunod sa nangabangit ay ang m~ga alipin_, na sa Bisaya'y
oripun, at mga ito'y may dalawang kalagayan ng pagka-alipin:
Continue reading on your phone by scaning this QR Code

 / 33
Tip: The current page has been bookmarked automatically. If you wish to continue reading later, just open the Dertz Homepage, and click on the 'continue reading' link at the bottom of the page.