pa sa kaunaunahang dako hangang
sa panahong ito ay hindi kaila na ang tao ay laging nagsikap n~g
ikabubuti't ikagiginhawa ng sarili na kung di nga masiyahan sa
kanyang bayan ay dumadayo sa iba; kaya't hangang ngayon ay may
mga taong gubat na nagpapabuhatbuhat ng tahanan dahil sa paghanap
ng lalo't lalong mabuting lupa ó n~g dakong lalong maginhawa sa
kanyang pamumuhay, at maging sa m~ga matalinong bayan man ay
gayon din, at nariyan ang Australia na pinamamayanan ng m~ga
Ingles:--at--ang mga lupang Pilipinas, na halos lahat n~g pulo't
lalawigan ay sagana sa mga halama't pananim, sa mga kayamanan at
sa balang ikabubuhay,--ay di mapagtatakhang pamayanan n~g lahing
ito.
Kung paano ang pagkapasimula ng pagkakaparito n~g mga ito ay di
natin masabi at walang aklat na makapagpatotoo, datapua't ang m~ga
pagkakaganiganito ng m~ga tao noong unang dako, na nangapapalipat
sa ibang mga pulo't lupain ay di kaila sa mga kasaysayan, at nariyan
ang mga aklat nina Ratztel, Ellis, John Dunmore at ibp. Noon ngang
una na di pa lubhang kilala ang katalinuan sa pagdadagat at wala pang
kagamitan, kungdi ang m~ga sasakyang may layag lamang ay madalas
nangyayari sa mga magdadagat na kung totoong nangapapalaot sa
dagat at inaabot ng pagbabago n~g han~gin ay nangapapaligaw
hangang sa másadsad sa ibang lupain, at mangyare, kung hindi na
mangakabalik at kabubuhayan naman ang lupaing kinasadsaran ay
natutuluyan n~g doon mamayan, ó kung sakali mang nan~gakabalik at
sa ganang kanila ay lalong maginhawa ang lupaing kinasadsaran nila
kay sa lupa nilang tinubuan ay nangyayari ring pinagbabalikan at
nag-aanyaya pa n~g kanilang mga kamag-anak at kakilala. Ito nga ang
matuid na masasapantaha natin, na dahil ng ikinaparito n~g mga taong
ito, at dito'y di natin maliligtaang di bangitin na pinakahalimbawa ang
sali't saling sabi ng m~ga Tagakaola at mga Bagobo sa Mindanaw na
anila'y sadsad lamang sila sa lupaing kinatatahanan nila n~gayon at ang
kanilang pinangalin~gan ay isang lupaing malayong malayo. Hindi ko
na bangitin ang lubhang maraming m~ga pangyayaring ganito sa iba't
ibang lupain at totoong makapal.
Bagay naman sa pinangalingan ay masasabi nating wala ng iba kundi
ang mga kalapit lupain At dito naman sa mga kalapit lupain ay wala ng
ibang masasapantaha, liban sa mga lupang nasa dakong timog, na dili
iba't ang kamalayahan dahil sa siyang mga tanging bayan na kahuad sa
kulay tikas at anyo, kakapatid sa wika at kaayon sa halos lahat ng ayos
at paraan n~g pamumuhay n~g mga Tagarito. Saká anang mga
mananalaysay, siyang sali't saling sabi n~g mga tao rito, na ang mga
nabangit na lupain ang pinangalin~gan n~g mga kanunuan nila. At
bagay rito ay may salaysay si P. Colin na anya'y: "May isang taga
Kapangpan~gang nakarating sa Sumatra (isang lupaing malaya) at
sumapit sa isang dako na kanyang kinaringan n~g kanyang sariling
wika at siya'y nakisagót na parang siya'y ipinan~ganak sa dakong yaon,
anopa't tuloy sinabi sa kanya ng isang matanda na kayo'y m~ga inapó
n~g mga nagsialis dito noong unang dako na nan~gamayan sa ibang
lupain at di na namin nan~gabalitaan."
Nguni't may isang bagay na hindi lahat n~g tao rito ay Kapangpangan
ó Tagalog mang ó Bisaya kaya, kung di may taong gubat at may taong
bayan, may Igorot at may Tingian, may Tagalog at may Bisaya at
marami pa.
Ang kadahilanan nito, sa akalà ko, ay sanghî sa pagkakapangkat
pangkat ng m~ga bayan malayo (ó lahing pinangalin~gan n~g mga
Tagarito) saká ang pagkakapangkat pangkat pa uli rito.
Kung ating ngang lilin~gunin at liliningin ang kamalayahan na
pinangalingan n~g mga Tagarito ay matatanto nating unauna na doo'y
may kinikilalang tatlong uri ng tao na dili iba't ang orang benúa_ (ó
taong gubat), ang orang-laut (ó taong dagat) at, ang orang-malayo (ó
taong bayan). Sa una na orang-benúa ay masasapantaha na siyang
pinangalingan n~g ating mga taong gubat, na dili iba't siyang sapantaha
ng m~ga kilalang mananalaysay ngayon. At ito'y mapaniniwalaan
dahil sa pagkakaparis ng pamumuhay n~g mga ito sa pamumuhay ng
m~ga iyon: maliban marahil ang iba nitó, na gaya ng Tingian at iba na
sa akala ko'y kauri rin ng mga lahi ritong kristiano n~gayon na
nagsipangubat lamang dahil sa pag-ibig marahil na manatili sa kanilang
kalayaan at sa ganito'y náurong sa pagsulong sa katalinuan.
Tungkol sa orang-laut at orang malayo ay di mapagtatakhang siyang
pinagmulan ng mga taong bayan dito ayon sa kanilang ayos at paraan
nag pamumuhay.
Bukod dito ay dapat ding tantoin na ang kamalayahan (maging
taong-gubat ó taong dagat ó taong bayan) baga man suplíng sa isang
lahi (sa lahing Mongol anáng m~ga mananalaysay) ay pangkat pangkat
din, dahil sa nan~gamamayan hiwahiwalay sa pulo't pulo, na ang iba'y
sa Sumatra, ang iba'y sa Java, ang iba'y sa Celebes at ang iba'y sa iba't
ibang pulo, bukod pa sa nangatira sa kapatagan ng Malaka, at
man~gyare--sa pagkakapulopulo at pagkakahiwahiwalay na ito ay
nagkaiba't iba ng kaonti at sapagka't ang
Continue reading on your phone by scaning this QR Code
Tip: The current page has been bookmarked automatically. If you wish to continue reading later, just open the
Dertz Homepage, and click on the 'continue reading' link at the bottom of the page.