Dating Pilipinas | Page 6

Sofronio G. Calderón
ang
aliping namamahay at ang aliping sagigilir; itong hulí sa Bisaya'y
tinatawag na n~galon.
Ang aliping namamahay ay pinagbibigyan pakundan~gan. Ito'y may
bahay na sarili; kaya't may pamagat na namamahay, at sa panahong
kinakailangan lamang naglilinkod sa panginoon, at ang paglilingkod
na ito ay sa pagbubukid at pag-aani ng kanyang panginoon, at gayon
din sa sasakyan kung sakaling naglalayag. Kailan~gan din tumulong sa
pagpapagawa ng bahay n~g panginoon at tuloy naglilingkod sa bahay
nito kung sakaling may panauhin, ano pa nga tungkulin n~g aliping
namamahay ang maglingkod sa pan~ginoon kailan ma't kakailanganin;
nguni't natatangi sa ibang alipin dahil sa may sariling bahay at saka
hindi naipagbibili. Wala ring namang bayad sa paglilingkod, at sa
madaling sabi ay siyang mga tinatawag nating kasamá, bataan_,
kampon, tao at ipa pa. Nakalilipat din naman ang aliping ito sa
kalagayang timawa ó maharlika kung nagbabayad sa kanyang
panginoón ng katampatang halaga na ayon sa kaugalian.
Ang aliping sagigilir ó n~galon ay siyang tunay na alipin na ang iba'y
sa tanang búhay at sa akala ko'y tinatawag na sagigilir, dahil sa di
nakalálayo sa gilid ó paligid ng panginoon. Ang pagkakapagíng alipin
ng mga ito ay dahil sa pagkukulang sa Dato ó pang-ulo, dahil sa
pagdidigmaan, pakikipag-usapín at gayon din sa pag-uutan~gan at ibp.

Ang mga alipin ito ay siyang pinakamalaking yaman n~g mga tagarito,
dahil sa nákakatulong silang malabis sa kanilang n~ga bukira't
hanap-buhay, at ang mga ito'y naípagbibili't náípagpapalit ng isang
panginoon sa ibang pan~ginoon, n~g isang bayan sa ibang bayan, ng
isang lalawigan sa ibang lalawigan at n~g isang pulo sa ibang pulo.
Gayon man, ani Argerzola (sabi ni Rizal), ay hindi lubhang hamak ang
pamumuhay ng mga alipin itó, dahil sa kasalong kumakain sa dulang
ng kanilang panginoon at hangang sa naáaring mag-asawa sa kabahay
ng pan~ginoon, maliban na sa ilang masamang panginoon, na saa't
saan ma'y di nawawalâ. Nguni't ayon sa salaysay ng ibá (wika rin ni
Rizal) ay lumubha ang kalagayan ng m~ga aliping ito nang masakop
ng España ang mga tagarito hangang sa ang iba'y nangagpakamatay sa
gutom at ang iba'y nangagpakamatay sa lason, at pinatay ng ibang iná
ang kanilang anák sa panganganák (Basahin ang paaninaw ni Rizal sa
dahong 295 n~g aklat ni Morga).
Ang mga anák at inapó n~g m~ga aliping itó, magíng namamahay_ at
magíng sagigilir ay nagmamana ng kalagayan ng magulang, na siyang
dating kaugalian sa halos lahat n~g lupaing malayo. At ang pagkaalipin
nitóng mga aliping namamahay at sagígilir_ ay sari-sari, dahil sa
mayroong buô ang pagkaalipin, at mayroong kákalahati at mayroon
namang ikapat na bahagi lamang. Ang dahil n~g pagkakaganito ay
mababasa sa pangkat ng kaugaliang pinanununtunan sa m~ga
kapaslangan at sigalutan.
TALABABA:
[1] Ang ganitong ayos ng pagkakahiwáhiwalay ng pámunuan dito ay
minagaling ni Rizal. Anya'y kung napasa kapangyarihan n~g isang
katao lamang ang pámunuan dito nang panahong yaon at anomang
bagay ay isásanguni sa isang lugar, ay magiging mabigát sa
bayán-bayán, at sa akala ko rin, dahil sa nang panahong yaon ay wala
pa ritong telefono, telegrama at m~ga kasangkapang nagagamit sa
madaling pagsasangúnian.
[2] Ani Rizal, ay di malayong ang ganitóng paglalakip ay malaon nang
inúugali rito, at sa katunayan (anya'y) ang pan~gulo rito sa Maynilá ay
pinakapangulong General, ng sultán sa Bórneo; ayon sa patotoó ng mga

kasulatan noong siglo XII.
[3] Ani Rizal ay naáayon sa kautusán n~g katalagahan (naturaleza) ang
pag-uugaling itó ng m~ga dating pilipino, na higit kay sa mga tagá
Europa na nawawalán n~g kamahalan ang babae kung nagsasawa sa
mababa kay sa kanya, dahil sa isinasalalaki lamang ang kamahala't
kababaan. Anya'y isang katunayan ito na ang mga babae nga rito'y
pinagbibigyan na mula pa noong una.

=Ikalimang Pangkat.=
Dating Pananamit At kalinisan sa katawán ng mga tagarito
Noóng unang dako ang mga tagarito ay magkakaibá ng pananamit; na
anó pa,t, sa Luzón ay iba sa Bisaya'y iba at gayon din sa ibang dako.
Ang pagkakáganitó marahil ay sapagka't galing sa iba't ibang dako n~g
Kamalayahan ang mga tagarito at inugali ng isa't isa ang pananamit sa
kanikanyang bayang pinangalin~gan.
Dito sa Luzón (sa ilang lalawigan marahil) ay nananamit ang m~ga
lalaki ng kanyan (barong azul) na lagpas ng kaunti sa baywang,
isinasara sa harap, walang liig at maikli ang mangás; nguni't may
nagsusuot din ng kulay itim. Ang sa mga maginoo'y kulay-pulá at sa
India pa nangagaling. Bukod dito'y nagbibigkis sa baywang n~g isang
kumot na tulóy ibinabahag; ang hita'y litaw, ang m~ga paa'y walang
suót at ang ulo'y walang takip maliban sa isang makitid na panyo na
mahigpit na itinali sa noó at kimót-kimutan na pinanganganlang potong
ó putong. Ang putong na ito ay iniiíkid n~g sari-saring paraan, na kung
minsa'y wari turbante ng m~ga moro_ na walang bunete, at kung
minsan nama'y nakapulupot na parang kubóng n~g sumbrero. Ang
nagmámatapáng ay naglálawit, ng m~ga dulo ng panyóng ito na
pinaáabót hangang
Continue reading on your phone by scaning this QR Code

 / 33
Tip: The current page has been bookmarked automatically. If you wish to continue reading later, just open the Dertz Homepage, and click on the 'continue reading' link at the bottom of the page.