Dating Pilipinas | Page 3

Sofronio G. Calderón
Nueva Ginea hangang dito, at anáng m~ga bagong
mananalaysay ay hindi, kun di ang mga ito'y kaibang lahi n~g mga itim
sa Aprika at talagang tagarito sa Kasilan~ganan.

=Ikalawang Pangkat.=
=Lahing Pilipino=
Maliban sa mga itim ay pawang lahing malayo na ang nangananahan
dito na may halo marahil na kaonting indonesiano, at n~gayo'y siyang
m~ga kinikilalang pilipino.
Ang lahing ito ay nababahagi ngayon ng tatlong malaking bahagi:
Una'y ang m~ga taong nagsipangubat na dî napasaklaw sa
kapangyarihan ng m~ga taga ibang lupain, ikalawa'y ang mga moro ó
kumikilala kay Mahoma at ikatlo'y ang m~ga nagsipagkristiano.
Ang tatlong bahaging ito ay paraparang napapangkat, ngayon ng lipilipi
at angkan-angkan.
Ang unang bahagi, na sa m~ga taong gubat, ay lubhang marami ang
pagkakapangkatpangkat; nguni't ang mga lubhang kilala ay ang Igorot
Ilongot, Tingian, Gaddan at Kalinga dito sa Luzon, ang Tiruray sa
Mindanaw at ang Tagbanua sa Palawan. Ang pagkakapangkatpangkat
n~g mga taong ito ay pinagkaroonan n~g iba't ibang isipan n~g mga
tanyag na mananalaysay. Anáng Profesor Blumentrit, sukat dito sa
kalusonan at kabisayaan ay napapangkat ang mga ito ng tatlong pu't
anim na lipi baga man kalakip na pati nang sa mga itim, at anáng mga
mananalaysay na Jesuita ay dadalawang pu't anim, at sa bilang na ito ay
may binangit pa ang mga Jesuita na dî ibinibilang ng Profesor
Blumentrit sa kanyang salaysay na gaya rin n~g Profesor Blumentrit
tungkol sa binangit ng m~ga Jesuita: ano pa't kung idadagdag ang mga

binangit ng m~ga Jesuita na dì naibilang ng Profesor Blumentrit sa
kanyang pagkatala ay hihigit pa n~ga sa tatlong pu't anim na bilang
niya. Nguni't hindi lamang ito, kundi dumating dito ang mga
Americano at pinagsikapan ding masiyasat itong iba't ibang liping
nagsisipangubat, na sa mga sumiyasat at nakakita n~g mga ito ay di
maliligtaan sina Dr. Barrows, Comicionado Dean C. Worcester, John C.
Foreman. Dr. M.L. Miller, Capitan Charles E. Nathorst, at Capitan
Samuel D. Crawford at di rin nangagkaiisa n~g isipan bagay sa mga
liping ito; sapagca't ani Dr. Barrows ay tatatlo ang liping malayo rito at
kung bagá man anya't marami ay angkan lamang n~g tatlong ito ang
iba, samantala namang ang sa Comicionado Dean C. Worcester ay
anim ang liping malayong narito at anáng iba ay isang gayon: ano pa at
iba't iba. Kung alin ang matuid sa mga salaysay noong m~ga una
sampu nitong mga huli ay di natin masabi at hangang n~gayon ay di pa
lubos na kilala ang boong paraa't ayos ng pamumuhay niyang mga
taong gubat na nabangit baga man masasapantahang di lubhang
magkakaiiba,
Ang ikalawang bahagi na sa mga moro, ay gaya rin n~g sa mga taong
gubat na napapangkat n~g lipilipi at angkan-angkan, na ang iba'y sa
Dabaw, ang iba,y sa Samboanga, ang iba'y sa Kottabato at ang iba'y sa
iba't ibang dako n~g Hulo't Mindanaw na pawang may kanikanyang
ngalan. Ang mga ito ang may lalong malinaw na kasaysayan kay sa
lahat n~g lipi rito sa Pilipinas, dahil marahil sa maagang pagkasulong
nila sa katalinuang pakamahometano at pagkapagingat nila ng kanilang
mga alamat at m~ga alaala n~g dating pamumuhay n~g kanilang mga
kanunuan. Tungkol dito ay di dapat ligtaang basahin ang salaysay ni
Naajeb M. Saleeby sa kanyang aklat na kasusulat pa lamang.
Ang ikatlong bahagi, na sa mga nagsipagkristiano at siyang mga liping
tinutukoy ko sa kasaysayang ito ay masasabi nating may walong lipi
ang dami na dili iba't itong mga sumusunod: Ang Bisaya_, na mga
taong nan~gananahan sa maraming mga pulong napapagitan sa Luzón
at Mindanaw, sa makatuid baga'y sa mga puló ng Panay, Negros, Leyte,
Samar at ibapa; ang Tagalog, na nangananahan sa kalagitnaan ng
Luzon at nakakalat sa mga lalawigan n~g, Maynila, Batangan, Kabite,
Laguna, Bulakan, Bataan, Nueva, Ecija at iba pa; ang Kapangpan~gan

at Pang-asinan na nangakakalat sa m~ga kapatagan ng kahilagaan
nitong Luzon; ang Ilokano, na nan~gananahan sa may dakong
kalagitnaan ng hilaga't kanluran nitong Luzon; ang Kagayan_ na
nangagsasalita n~g wikang Ibanag at nangananahan din sa Kagayan;
ang Bikol na nangananahan sa Kamarines at sa m~ga lalawigan ng
Sorsogon; at ang Sambal na nan~gananahan din sa Sambales. Dito'y di
na kabilang ang ibang lipi na nanga sa Nueva Viskaya, sa pulo ng
Batanes at Kalamianes dahil sa kaliliitan.

=Ikatlong Pangkat.=
=Ang Pagkaparito at Pinangalingan ng Lahing Pilipino.=
Ngayon n~gang batid na natin ang dinamidami nitong mga lipilipi at
angkan-angkang nan~gananahan dito na pawang kinikilalang pilipino
ay di natin maliligtaan na di maitanong kahi't sa sarili kung ang m~ga
ito ay katutubo rito ó kung bakit nangaparito at saan nangangaling.
Sa pagkakatutubo rito, ng m~ga taong ito anang manga mananalaysay
ay hindi at bago pa nga mandin ang m~ga ito ay ang m~ga ita_ muna
ang nanganahan dito; sapagka't di nga naman mangyayari na ang isang
lahing mahina na gaya ng mga ita ay mahuli pa isang lahing may
kaonting kalakasan. N~guni't mula
Continue reading on your phone by scaning this QR Code

 / 33
Tip: The current page has been bookmarked automatically. If you wish to continue reading later, just open the Dertz Homepage, and click on the 'continue reading' link at the bottom of the page.