Dating Pilipinas | Page 2

Sofronio G. Calderón
m~ga haluang dugo ay
Balugas; ang ibang nanga sa Sambales ay Bukiles ang nanga sa
baybayin ng dagat Pacífico sa Hilaga n~g Luzón ay Dumagat_; at ang
nanga sa Baggaw sa Kagayan ay Parames_.
Dahil sa pagkakapangkat-pangkat na ito at pagkakaroon n~g iba't ibang
pangalan ay pinagkaroonan n~g iba't ibang isipan n~g mga
mananasaysay, na anáng iba'y supling sa iba't ibang lahi ng mga itim at
anáng iba'y iisang lahi na napapangkat lamang n~g angkan-angkan na
sa akala ko'y itong hulé ang mapaniniwalaan.
Ang mga taong ito ay nangananahan pulupulutong na limalimangpu
humigit kumulang at ang hitsura't anyo ay pandak na lilimang paa ang

taas, maiitim baga man ang iba'i may kakuyumangihan, malalaki ang
mata ng karamihan, kulot ang buhok at balbasin ang mga lalaki, sarat
ang ilong, makakapal ang labi at mabibilog ang ulo. Hindi
nan~gaggugupit ng buhok, malibang totoong mahaba na at kung gayon
ay pinuputol ng itak ó sundang kung sakaling walang gunting. Ang
ibang itim sa Bataan ay nagsisipagkoronita sa ulo na parang pare upang
makasin~gaw ang ipit, di umano, at yaong nan~ga sa Sambales ay
nagsisipag-ahit kung minsan ng kalahati ng ulo, na mula sa tuktok
hangang sa batok.
Ang damit, ng m~ga lalaki ay bahag lamang sa mga balakang at ang sa
m~ga babae ay tapi na mula sa baywang hangang sa tuhod. Ang
dinadamit ay kayo kung mayroon, datapua't karaniwa'y balat n~g
kahoy.
Ang karaniwang kagayakan ay sarisari. Gumagamit n~g kawayang
suklay na may gayak na pakpak na sarisaring kulay. Nagsisigamit din
n~g hikaw, bitones, pirapirasong salamin at iba pa na gaya rin nito.
Ang m~ga pinuno ay nagpapatulis ng ngipin sa harap, at halos lahat ay
nangagsisipagkudlit sa katawan n~g sarisaring hitsura na ang mga
lalaki ay sa dibdib, sa likod at sa mga bisig at ang mga babae naman ay
gayon, din bukod pa sa mga harapan ng hita at sa iba pang dako n~g
katawan.
Ang lahing ito ay may ugaling magpabagobago n~g tahanan, at sa
ganito'y hindi nangagbabahay at ang karaniwang pahingahan ay ang
paanan ng m~ga punong kahoy na kanilang pinagtitindigan ng
balangkas na miski paano saka binububungan n~g kugon ó ng miski
anong dahon.
Sa pagkabuhay ay nan~gabubuhay sa isda, lamang lupa, sa bigás (na
nangaghahasik ng palay sa dakong katahanan), at lalong lalo na sa mga
hayop na kanilang nahuhuli ó napapana, at di umano'y mga totoong
maibiguin sa lamán ng ungoy, saka nan~gagsisikain ng ahas, palaka
bubulí at iba pang hayop na di natin kinakain.
Ang sakbat na kagamitan ay sibat na kawayan ó sanga kaya ng kahoy
at, pana't busog na may lason na kanilang ginagamit sa ano mang lakad

nila.
Mga totoong magiliwin sa tugtugin at ang kanilang mga instrumento
ay buho't kawayan. May sarisaring sayaw sila, na tinatawag nilang
sayaw kamote, sayaw pagong, sayaw pangingibig sayaw pakikihamok
at iba pa na may kahabaang saysayin dito kung papaano.
Sa pag-aasawa ay inuugali ang pagkakasunduan ng mga magulang saka
ang bigay-kaya na gaya rin n~g sa ibang lahing gubat. Tungkol sa
pagdidiwan nito ay sarisari ayon sa iba't ibang angkan ng mga ito,
nguni sa m~ga itim na nan~ga sa bundok ng Mariveles ay ganito di
umano. Nagsisipagtago sa gubat ang babae at ang m~ga abay niya, saka
hinahanap ng lalaki at n~g mga abay naman nito hangan sa
masumpun~gan. Pagkasumpong ay ipinagsasama ang babae sa dakong
pagtatapusan ng pagdidiwan na tumutugtog ang lalaki ng gansa (na
isang instrumento nila) sa harap n~g babae at habang lumalakad ay
sumasayaw: samantalang ang babae naman ay may takip na panyo sa
ulo at mukha at lumalakad na payuko. Pagtigil ng tugtog ng lalaki ay
hinahandugan ng m~ga kaibigan ang babae ng kanikanyang kaya.
Pagkatapos ay lumalapit ang babae sa isang wari entablado na handa na
kapagkaraka na may dalawang dipa ang taas at nililigid n~g kanyang
mga kamag-anak, saka tinatakbo at inaagaw ng lalaki na hinahawakan
sa bisig at isinasampa sa itaas noong wari entablado na doon sila
nauupong dalawa na magkaabrasete. Kung magkagayon ay sumasampa
ang ilan sa kanilang mga kaibigan at kamag-anakan na
nagsisipag-alay ng kanikanyang kaya, saka nan~gananaog na kasama
ang bagong mag-asawa. At pagkapañaog ay sinasalubong n~g isang
matandang lalaki at isang matandang babae na nan~gagsisilagay
marahil na pinaka-inaama at ini-ina at siyang nangagpapa-ala-ala ng
kanilang payo sa bagong mag-asawang yaon.
Bagay sa kanilang kapanampalatayahan, di umano, ay wari ang
pagsamba sa mga bagay n~g katalagahan at sa m~ga kalulua, at ang
mga matanda at ang m~ga namatay sa kanila ay lubhang
ipinakagagalang.
Ang lahing ito ayon sa kapaniwalaan ay nan~ganahan ditong malaong
panahon hangang sa dinatnan ng lahing malayo_.

Tungkol sa pagkaparito ng m~ga ito kung paano at saan nangangaling
ay di masabi at hangan ngayon ay di pinagkakaisahan n~g mga
mananalaysay ang bagay na ito; sapagka't anáng iba ay galing sa
Aprika na nakapagpalipat-lipat sa pulo't pulo hangang Nueva Ginea at
mula sa
Continue reading on your phone by scaning this QR Code

 / 33
Tip: The current page has been bookmarked automatically. If you wish to continue reading later, just open the Dertz Homepage, and click on the 'continue reading' link at the bottom of the page.