may kaibigan ka sa m~ga dadatnan,?ang iyong kasama'y iharap din naman;?datapua't huag mong gagawin kailan man,?ang di mo kilala'y agad kakamayan.
Lalo at marami ay lubha n~gang pan~git?na sa bawa't isa ikaw ay lumapit;?yukuan mo lamang sila n~g marikit?saka mo batiin n~g boong pag-ibig.
Ang kasankapan mo'y sakaling batiin,?ialay mo agad n~g wikang magiliw.?--"_Walang kasaysayan, palibhasa'y akin,?n~gunit ang akin po'y lubos na inyo rin_."
Ang iyong kausap kung hindi mo alila?ay ipáuna mo sa pagsasalita:?"_Kayo po at ako_"--at di mawiwika?ang--"_Ako po't kayo_"--pagka't hindi tama.
At kung marami n~ga ay gayon din naman,?ikaw din ang siyang kahuli-hulihan.?Ganito:--"_Kayo po, si Mameng, si Ninay,?si Pepe at ako ang napagtanun~gan_."
Ang m~ga pamagat ay huag mong sambitin?lalo na kung pan~git at masamang dingin,?na gáya n~ga nito:--"_Si Daniel na duling,?si Titay na bun~gi, si Kulas na tikling_."
M~ga halintulad ay paka-ilagan?kung nakadudusta--"_Aku po'y nawalan;?halimbawa n~gayon kayo ang nagnakaw_"....?ang gayong salita'y kasama-samaan.
Sa m~ga palalo ay huag kang gumaya,?walang bukang bibig kung di ang kanila:?--"_Ako po'y ganito_"--"_Ako po ay iba_"?Ang gayon salita'y pan~git na talaga.
Kung ang kausap mo ó sinu man kaya?ay namaling hindi talagang sinadya,?pagtakpan mo't parang hindi nahalata?n~g upanding siya ay huag mapahiya.
Pakikipagtalo ay iyong ilagan;?n~guni at sakaling mahirap iwasan,?ay salaysayin mo ang iyong katwiran?n~g sabing malambot at katotohanan.
Kung paupuin ka ay iyong piliin?ang huling upuan: n~gunit kung sakaling?ang lusok na dako sa iyo'y ihain,?ay huag kang magtuloy kung di ka pilitin.
Kung isang babayi ang siyang dadatal?lahat n~g dadatna'y dapat magtindigan;?sagutin ang bating kaniyang binitiwan,?lusok na upuan sa kanya'y ialay.
N~gunit kung lalaki ang siyang darating,?ay lalaki lamang ang tatayong tambing;?ang m~ga babayi'y nan~gaka-upu ring?sasagot sa bati ng wikang magiliw.
Dapat na maunang mag-alay n~g kamay?ang nakatataas sa pagkakamayan;?sa m~ga batian ay gayon din naman,?di sukat mauna ang natataasan.
Kaya ang babayi'y siyang nararapat?mag-alay n~g kamay sa makakau-sap?sapagka't saan mang m~ga paghaharap,?ang babayi'y siya ang nakatataas.
Gayon man ay dito'y nakagawian na?ang m~ga lalaki'y siyang nan~gun~guna.?Babayi't lalaki kung kakamayan ka,?kamay mo'y madaling ibigay pagdaka.
In~gatan mong ikaw ay huag magdaan?sa gitna n~g kahit alin mang hárapan;?n~guni at sakaling lubos na kailan~gan,?hin~gin ang kanilang kapahintulutan.
At huág kang humukut na gaya n~g iba?na ang kanang kamay ay iniu-una:?tuid ang katawan "_?Maari pu bagang?ako ay magdaan_?"--"_Magtuluy pu sila_."
At sakaling ikaw nama'y may gagawing?sandali sa labas, ay iyong sabihin?n~g boong pitagan--"_Ipagpaumanhin?pu nila't sandaling sila'y lilisanin_."
Sa pagpapa-alam ay iyong magagamit?ang m~ga sinabing pag-upo't pagtindig;?at kung ikaw naman ang siyang aalis,?sila ay yukuan n~g anyong marikit.
--"_Kami pu,y paalam sa kanilang lahat,?mag-utus pu sila sa lahat n~g oras_."?--"_Magandang gabi po_." Kamayan mo agad?ang m~ga may bahay, gayari ang saad.
--"_Ang amin pung dampa ay inyo ring tunay[7]?na sa gayong daan at gayon ang bilang.?Hinihintay naming kami'y paran~galang?palagi n~g inyong malugod na dalaw_."
Sagot n~g may bahay naman ay ganito:?--"_Inyo na pung alam itong bahay ninyo,?Ninanais naming kayo,y pumarito,?upang sa tui-tui na,y masuyuan kayo_."
Nasabing may bahay kung sadyang may nais?makipagkilala sa iyo n~g mahigpit,?katunkulan niyang dalawin kang tikis?sa loob n~g tatlong araw di lalabis.
At sakaling siya sa iyo'y dadalaw,?ikaw sa kaniya ay magkakautang;?tadhana'y sa loob n~g wawalong araw?siya'y dalawin mo't itoy karampatan.
Kung uubuhin ka ó babahin kaya,?gayon sa pagdahak saka sa paglura,?ay dapat lumin~gon sa dakong kabila,?ang iyong kailan~gan upanding magawa.
Kublihan pagdaka n~g panyo ang bibig,?upanding ang dumi ay huag tumilansik:?ang mukha mot labi'y pahirang malinis,?at kailan may huag kan lumura sa sahig.
Sa lahat n~g pulong ay lubos na bawal?ang pagsasalita n~g m~ga mahalay,?gayon din ang bulok na kadumal dumal?ay huag mong sabihin at paka-in~gatan.
At huag kang mag-higab, at huag mag-antók?at huag kang mag-unat, at huag mag-kamót,?at huag kang mainip at lumin~gos-lin~gos,?ito'y lubhang pan~git at lisya sa ayos.
Ang anu mang tan~gan n~g iyong kaharap,?na gaya n~g paypay, sakaling malaglag,?pulutin pagdaka't isauli mo agad,?iabot ang tatangnan, sa dulo ang hawak.
Ang alin mang pintong iyong dadaanan,?kung datnan mong bukás, bukás mo ring iwan,?at kung nakasima, isima mo naman,?ito'y siyang turo n~g dakilang asal.
Ang kahit sinu man sa m~ga kalikom?sa alin mang pinto, ay makasalubong,?dagli mong yukuan at saka umurong,?at iyong sabihing--"_Sila po'y magtuloy_."
N~gunit kung sakaling umurong din siya?at pipilitin kang ikaw ang mauna,?kung hindi rin lamang natataasan ka,?pasalamatan mo at magtuloy ka na.
Ang kahit man sino ang sa iyo'y dumalaw?ay iyong ihatid hangang sa hagdanan:?sákaling madilim ay iyóng tanglawan?hangang na sa loob siya n~g bakuran.
Ang iyong kaibiga'y kung magkakasakit,?ay manaka-nakang dalawin mong saglit;?at kung datnan siya n~g m~ga ligalig,?gayon di'y dalawin, aliwin sa hapis.
Sa araw n~g binyag ó kapan~ganakan?n~g iyong matalik na m~ga kaibigan,?sila'y batian mo n~g masayang liham,?mahiksi ang sukat, n~guni at malaman.
At gayon din naman sa pag-aasawa,?ó sa pan~gan~ganak na lubhang ginhawa,?at sa lahat na n~gang dapat ipag-sayá,?sila ay padalhan n~g liham pagdaka.--[8]
Kung patutun~go ka sa alin mang bayan,?lalo't sa malayo'y lubos na kailan~gan,?bago ka umalis muna'y magpaalam?sa kaibigan mo't iyong katunkulan.
Nguni at kung ikaw naman ay dumating,?katungkulan nilang ikaw ay dalawin,?sapagka't kailan~gang kanilang sabihing?sila'y nagsasaya't umuwi kang magaling.
VII
SA M~GA PIGING
Kung mapithaya ka sa alin mang piging,?huag kang magpauna sa ibang panauhin;?n~gunit huag ka namang mahuling dumating:?isipin mong ikaw ay doon hihintin.
Sa mesang pagkain kung tumatawag
Continue reading on your phone by scaning this QR Code
Tip: The current page has been bookmarked automatically. If you wish to continue reading later, just open the
Dertz Homepage, and click on the 'continue reading' link at the bottom of the page.