Dakilang Asal | Page 4

Aurelio Tolentino
n~ga,?hayaang mauna ang m~ga dakila;?at gayon din naman huag kang magkusang?maunang tumikim sa alin mang handa.
Huag kang magmadali't ang subo'y huag lakhan?ang ulam ay huag mong amuyan ó hipan;?ang m~ga kubiertos ay paka-in~gatan,?upang huag kumatog na lubha sa pingan.
Huag mong titigan ang alin mang hain,?at gayon din naman kasalong panauhin?paka-in~gatan mo't huag sasambitin?ang bagay na baka nakaririmarim.
Ang iyong m~ga siko ay huag mong isampa?magpakailan pa man sa kakanang mesa,?kahit anong ulam ay huag humingi ka,?huag namáng pintasan ang kahit alin pa.
Kung di mu man ibig ang dulot na hain,?kahit kakaunti ay kumuha ka rin;?magpakailan pa man ay huag mong sabihing?--"_Ang ganyan pong ulam di ko kinakain_."
Ang pagsasalita, kung pun? ang bibig,?ay bawal na lubos sa dakilang bait,?at gayon din naman ang sadyang pag-gamit?n~g dalawang pan~ga sa pagkai'y pan~git.
Huag mong paapawin ang baso ó copa?n~g tubig ó alak at kahit anu pa;?bagu ka uminom pahiran mu muna?ang iyong m~ga labi n~g laang servilyeta.
Kung maka-inom na ay gayon din naman?ang m~ga labi mo'y pahirang agapan;?at huag kang umihip wari alinsan~gan,?ang gayo,y bawal n~ga sa dakilang asal.
At kung alayan ka n~g iyong kasalo?n~g alak ó kaya maging kahit anó,?sa di mu man kanin ay tatangapin mo?at pasalamatan ang alay sa iyo.
At kung may dadatal na ibang panauhin,?lalot kakilala'y anyayahang tambing.?Huwag kang sumubo at siya,y iyong hinting?makapasok muna at kayo,y lisanin.
VIII
SA M~GA LARO
Kung kayo'y magtipon upanding mag-aliw,?ikaw ay magsaya, n~gunit magmahinhin.?Pinaka matanda ay papamiliin?n~g larong mainam na inyong gagawin.
Sa alin mang laro ay huag kang magdáya?at huag ka rin namang mag-in~gay na lubha.?Kung may alan~ganin dapat pahatul n~ga?sa hindi kalarung m~ga matatanda.
At kung may dumating na iyong kaibigan,?ó sinu man kaya, lalu at maran~gal,?ang ukol sa iyo sa kaniya'y ialay?--"_?Ibig pu ba ninyong makipag-aliwan_?"
Sakali at ikaw ay siyang manalo,?sino man ang kulang ay huag sin~gilin mo,?at huag mong sabihing--"_Magbayad po kayo_"?Pahiwatig lamang--"_?Ang kulang ay sino_?"
Isang nananalo'y di dapat umalis,?kung di may malaking dahilang mahigpit;?n~guni at ang talo ay makatitindig?at huag magpakita n~g kaunting galit.
Kung nananalo ka ay huag kang magdiwang?kung natatalo ka'y huag magn~gitn~git naman,?sa laro'y madalas mahalatang tunay?ang walang magaling na pinag-aralan.
IX
SA LANSAN~GAN AT SA LAHAT N~G DAKONG UKOL SA MADLA
Babayi'y di sukat lumakad sa daan?n~g walang kasama at pan~git na tignan.?n~gunit sa lalaki ay hindi kailan~gang?mapag-isa kahit saan mang galaan.
Sa alin mang dako na ukol sa madla?ikaw ay magbihis n~g hindi masagwa;?n~guni at huag naman ang napakadukha,?ó kaya marumi, kung dili may sira.
At kung babayi ka, huag mong pákapalan?mukha mo n~g pulbos, pagka't di mainam:?manipis na pahid marikit na tingnan,?ang kinang n~g balat huag na di maparam.
?May iinam kaya sa kulay n~g balat?nating kayumangi't makinis, maligat??Pintor at poeta'y iyan ang pan~garap?sapagka't nandiyan ang buhay n~g dilag.
Paka-ilagan mo ang satsat at daldal,?gayon din ay huag kang magdunung-dunun~gan;?n~guni at huag namang parang piping tunay?pagka't ito'y tanda n~g pagka-walang muang.
Kung may kasama kang dapat na dan~galin?ikaw ay lumagay sa kaliwang piling,?at kung sa banketa'y gumilid kang tambing?sa dako n~g bakod siya'y padaanin.
Kung masalubun~gan ang isang babayi?sa m~ga banketa na aking sinabi?ay dapat gumilid ang isang lalaki?ó bumabang saglit, ang gayon ay puri.
Maging kahit sino ang iyong masundan,?kung ibig mong siya'y iyong malampasan,?ikaw ay bumaba ó gumilid lamang,?sa dako n~g bakod ay huag kang magdaan.
Kung ang kasama mo ay may makausap?na wari ay lihim lumayo kang agad,?upang huag sabihing nakikitalastas?ka n~ga sa usapang di dapat mahayag.
Kung kayo ay tatlo sa m~ga galaan?ay igitna ninyo ang itinatanghal,?n~guni at kung kayo'y magka isang dan~gal,?magka-kulay damit sa tabi ay bagay.
At gayon din naman ang magkasintaas,?sa dalawang tabi sila nararapat,?ang isang mababa ó kaya matankad?ay siyang igitna, ang gayon ay sukat.
Kailan~gan n~gang lubos na iyong isabay?sa m~ga kasama ang iyong paghakbang?kung kayo'y titigil, ang iyong katawan?at ulo'y itayó n~g anyong mainam.
Kung sa m~ga pint? ikaw ay papasok,?hakban~gan ó landas na sadyang makipot,?kung may kasama kang dapat na ilusok,?paunahin siya't ikaw ay sumunod.
Sa m~ga karuage at m~ga, kalesa?kung kayo'y nasakay ay huag kang mauna;?sa piling na kanan paupuin siya,?sa dakong kaliwa doon lumagay ka.
N~guni at kung kiles ang inyong sasakyan?lalut apat kayo'y huli ka rin naman;?sila'y paupuin sa dakong unahan,?sa tabi n~g pinto doon ka lumagay.
Paghintu na ninyo at kayo'y bababa,?ikaw ay maunang umibis na kusà.?kung siya'y babayi ó kaya matanda,?agad mong abutin alalayang lubha.
Babayin tumitindig sa kaniyang upuan?at anyong aalis, may paroroonan,?ang iyong pagsuyo pagdaka,y ialay:?"_Ikadadan~gal kong kayo po'y samahan_."
Ito'y kagawian sa asal dakilà,?maging sa dulaan, maging sa pag-galà,?maging sa pagkain kung uupu na n~ga,?sumaliw sa piano ó tumugtug kaya.
Pagka't sa babayi'y pagdusta n~gang tunay?n~g isang lalaki kung hindi samahan;?kaya,t ang babayi'y nararapat namang?lalaki'y huag hiyain at pasalamatan.
At kung hindi gayo'y mapipintasan ka,?mangmang na babayi, walang munting sigla,?para kang babayin bundok na talaga,?sa ugaling bayan ay di pa bihasa.
Huag mong gagayahan ang m~ga pintasin?ang balang makita'y agad susukatin:?gumagawa nito'y iyong m~ga haling?na hindi nag-aral n~g pagka-mahinhin.
Kung paparoon ka sa m~ga sayawan,?sa m~ga teatro't m~ga kapisanan,?pakatandaan mong iyong katunkulan?ang lalong mabining pagkamatimtiman.
Sa alin mang bagay na sadyang di pan~git?ay huag mong
Continue reading on your phone by scaning this QR Code

 / 9
Tip: The current page has been bookmarked automatically. If you wish to continue reading later, just open the Dertz Homepage, and click on the 'continue reading' link at the bottom of the page.