huag lumampas n~g di tawanan ka,?at huag kang magsuot n~g hindi mo kaya:?ang mahal ay pan~git sa dukhang talaga.
Paka-in~gatan mo ang iyong pananamit.?n~g huag madun~gisan at n~g di mapunit;?mainam ang luma, kung buo,t malinis,?kay sa bagong wasak ó may duming bahid.
Marikit ang murang hiyas kay sa mahal,?kung ang gumagamit ay dukha n~gang tunay;?ang dukhang magsuot n~g aring marin~gal?kahit man binili, parang hiram lamang.
Kahit na sa bahay ay dapat magsuot?n~g damit na puting talagang pangloob,?at huag mong gayahan ang asal na buktot?sa gawing _malinaw_ ... ?Hubu't hubad halos!
Limutin ang cotso, at magbotitos ka,?ang paa mo't binti upang huag makita:?babaying may puri di dapat magtinda?n~g dapat itago sa alin mang mata.
Botitos ay mura, bukod sa mainam,?at talagang dapat sa mahinhing asal;?cotso't sapatilya ay napakamahal,?sa may hiyang paa talagang di bagay.
Di mo masasabing mahal na tibubos,?sapagka,t matibay kung gawang tagalog:?ang tatlo mang cotso'y masisirang sunod?bago makawasak n~g isang botitos.
At gayon din naman ang medias ay mura,?n~guni at mahal ma'y dapat bumili ka:?iyan n~ga ang tabing, sa mata n~g iba,?n~g binting ma'y dan~gal at ma'y puring paa.
Maging sa bahay ma't maging sa lansan~gan?ay huag mong limutin ang panyong alampay:?alampay ay siyang tabing na tangulan?n~g dibdib-mu't batok sa mata n~g bayan.
Kalsonsilyong puti na hahangang tuhod?ay dapat gamiting damit na pangloob,?ang puri mo'y upang di sumabog-sabog?sa m~ga hagdana't lilipatang bakod.
Ang tapis ay huag mong limutin kailan man,?sa bihis tagalog sadyang kasangkapan:?ang baro at saya kahit mura lamang?ay áko n~g tapis, kung ma'y sadyang inam.
Huag kang maniwalang nagbuhat ang tapis?sa kakastilaang dito ay sumapit:?m~ga nuno natin n~g _tapi'y_ gumamit,?tapis ay nangaling sa _taping_ binangit.
Paka-in~gatan mo ang gawang magbihis,?ang sama at buti'y dian masisilip;?diyan nahahayag ang tinagong bait,?diyan nababasa ang gawi at hilig.
V
SA PAKIKIPANAYAM
Sa lahat n~g m~ga pakikipanayam?ang nagsásalita'y mabuting pakingan,?sapagka at lubhang kapan~git-pan~gitan?ang di pumapasing sa kasalitaan.
Ikaw ay papakli, kung dapat sumagot,?n~g magandang bigkás, salitang malambot:?ang banlang sabihin ay kuruing lubos,?baka may mapaltik sa m~ga kaumpok.
Huag magbulaan sa alin mang bagay,?palatuntunan mo'y ang katotohanan;?n~gunit sa taya mo'y kung may tatamaan,?mabuti pa n~ganing huag ka n~g magsaysay.
Huag mong sasabatin ang nagsasalita?paka-ilagan mo ang gawang manumpa,?at kung tatawa ka'y huag lakasang lubha?ang tawang malakas ay sa taong dusta.
Kung ma'y nagsasabi n~g salitáng búhay,?batid mo man kahi't ay dapat pakingan,?at huag mong sabihing--"_Alam ku na iyan_"?ito ay malaking lubhang kapintasan.
Magpakailan pa man ay huag kang sumabat?n~g wikang--"_Mali ka_"--"_Sabi mo'y di tapat_"?Sakali mang mali ang ating kausap,?kailan~gang sagutin n~g lubhang banayad.
Ang pakli'y ganito--"_Naging iba lamang,?n~g hindi pu kayo ang siyang nagsaysay?n~g gayon, ay di ko paniniwalaan_"?_sapagka't_ ... Saka ka naman man~gatwiran.
Kung ang katalo mo ay ayaw duminig?sa sinasabi mong tunay na matwid,?at sumasagot pang bagkus nagagalit,?hayaan mo siya't, huag ka n~g umimik.
Datapua,t sakaling ang makausap mo?ay sadyang mabait, talagang may tuto,?at sa iyo'y sabihing--"_Ipatawad ninyo?itong ipapakling abang palagay ko_".
Ito,y sagutin mo n~g boong pitagan,?n~g boong pag-giliw, gaya n~g tuturan?"_Ituluy pu ninyo't kikilanling utang?ang pag-akay ninyo sa aking kamalian_".
At magpakailan man ay huag mong sabihing?"_Ang sabi ko'y hindi ninyo napaglining_."?Kung di ang ganito--"_Malabu marahil?ang sinalaysay ko: aking uulitin_."
Kung saka-sakaling purihin ka naman,?ay huag mong sagutin n~g wikang mahalay,?na gaya n~g pakling--"_Iyan po'y tuya lamang,?iyan po'y isang biro't kasinun~galin~gan_."
Ganito ang iyong m~ga sasabihin?--"_Iyon po'y karan~galang di sukat sa akin;?n~gunit dahil diya,y aking pipiliting?ang pagkamumus ko'y papaging-dapatin_."
Ang bagay na lihim ay huag mong ihayag,?at sa kata-kata ikaw ay umilag,?at huag mong purihin ang iyong kausap,?at huag mong libakin ang di mo kaharap.
VI
SA M~GA PAGDALAW AT M~GA KAPISANAN
Piliin ang oras sa m~ga pagdalaw,?at di ang sa gawing pagkaing agahan,?di ang sa tanghali, di ang sa hapunan,?di ang sa pagtulog at gawang kailan~gan.
M~ga karaniwang dalaw ay sa pistá,?sa araw n~g lingo kung walang gambala,?at ang oras namang pinaka-maganda?ay kung ang hapunan ay naidaos na.
Ang dalaw na m~ga _bigay-loob_ lamang[2]?ay dapat humiks?, ang gayo,y kaila~gan,?at pagpilitan mo ang huag magpaliban?n~g lubhang maluat at iyong bayaran.
Sa alin mang pint? bago ka pumasok?ay huag magmadali't marahang tumugtog;?ang dinadalaw mo'y sakaling nanaog,?ikaw ay magsabi n~g ganitong ayos.
--"_Wala pu ba naman silang dinaramdam_?"?Pagsagot n~g wala--"_Salamat na lamang_"?--"_Utang na loob po'y ipagbigay alam?na kanila itong ninais kong dalaw_."
--"_At tuloy kami po'y ipag-maka-anó_....[3]?_sa kanilang dan~gal_." N~guni't kung sa iyo?sabihin ang gayon, ang isasagut mo'y?--"_Aking tutuparin ang utus pu ninyo_."
Sa gayo'y agad n~g ikaw ay magpaalam,?isa mong tarheta'y huag na di mag-iwan;?baliin ang isang sulok na alin man?--"_Utang na loob po, ito ay iiwan_."[4]
Sakaling marami ang m~ga panauhin,?yukuan mo sila't pagdakay batiin--[5]?--"_Magandang gabi po_"--ang iyong sabihin,?saka ang may bahay ay lapitang tambing.
Pagdakay iabot ang kanan mong kamay,?at ang kamay niya'y upang mahawakan,?--"_?Anu po ang atin? Ang inyong may bahay?at m~ga kasama ?anu po ang lagay_?"
--"_Mabuti po naman at walang may sakit,?at ?kayu pu naman?_"--Ang sagot ay--"_kahit?sa alin mang oras ay handa pong tikis?na mapag-utusan sa kayang maliit_."
Kung may kasama kang di kilalang tao?n~g iyong kausap, agad iharap mo,?--"_Sila po'y kaibigan: ikadadan~gal ko?ang sila'y iharap n~gayon po sa inyo_."
At ang iniharap naman ay sasagot?--"_Bagong tagasuyong napahihinuhod?at sumasa-inyong balang ipag-utos_"?--"_Salamat po't kami ay gayon ding lubos_"[6]
Kung
Continue reading on your phone by scaning this QR Code
Tip: The current page has been bookmarked automatically. If you wish to continue reading later, just open the
Dertz Homepage, and click on the 'continue reading' link at the bottom of the page.