Dakilang Asal | Page 3

Aurelio Tolentino
sabihin,
saka ang
may bahay ay lapitang tambing.
Pagdakay iabot ang kanan mong kamay,
at ang kamay niya'y upang
mahawakan,
--"_¿Anu po ang atin? Ang inyong may bahay
at m~ga
kasama ¿anu po ang lagay_?"
--"_Mabuti po naman at walang may sakit,
at ¿kayu pu
naman?_"--Ang sagot ay--"_kahit
sa alin mang oras ay handa pong
tikis
na mapag-utusan sa kayang maliit_."
Kung may kasama kang di kilalang tao
n~g iyong kausap, agad
iharap mo,
--"_Sila po'y kaibigan: ikadadan~gal ko
ang sila'y iharap
n~gayon po sa inyo_."
At ang iniharap naman ay sasagot
--"_Bagong tagasuyong
napahihinuhod
at sumasa-inyong balang ipag-utos_"
--"_Salamat
po't kami ay gayon ding lubos_"[6]
Kung may kaibigan ka sa m~ga dadatnan,
ang iyong kasama'y iharap
din naman;
datapua't huag mong gagawin kailan man,
ang di mo
kilala'y agad kakamayan.
Lalo at marami ay lubha n~gang pan~git
na sa bawa't isa ikaw ay
lumapit;
yukuan mo lamang sila n~g marikit
saka mo batiin n~g
boong pag-ibig.
Ang kasankapan mo'y sakaling batiin,
ialay mo agad n~g wikang
magiliw.
--"_Walang kasaysayan, palibhasa'y akin,
n~gunit ang
akin po'y lubos na inyo rin_."

Ang iyong kausap kung hindi mo alila
ay ipáuna mo sa pagsasalita:

"_Kayo po at ako_"--at di mawiwika
ang--"_Ako po't kayo_"--pagka't
hindi tama.
At kung marami n~ga ay gayon din naman,
ikaw din ang siyang
kahuli-hulihan.
Ganito:--"_Kayo po, si Mameng, si Ninay,
si Pepe
at ako ang napagtanun~gan_."
Ang m~ga pamagat ay huag mong sambitin
lalo na kung pan~git at
masamang dingin,
na gáya n~ga nito:--"_Si Daniel na duling,
si
Titay na bun~gi, si Kulas na tikling_."
M~ga halintulad ay paka-ilagan
kung nakadudusta--"_Aku po'y
nawalan;
halimbawa n~gayon kayo ang nagnakaw_"....
ang gayong
salita'y kasama-samaan.
Sa m~ga palalo ay huag kang gumaya,
walang bukang bibig kung di
ang kanila:
--"_Ako po'y ganito_"--"_Ako po ay iba_"
Ang gayon
salita'y pan~git na talaga.
Kung ang kausap mo ó sinu man kayâ
ay namaling hindi talagang
sinadya,
pagtakpan mo't parang hindi nahalata
n~g upanding siya
ay huag mapahiya.
Pakikipagtalo ay iyong ilagan;
n~guni at sakaling mahirap iwasan,

ay salaysayin mo ang iyong katwiran
n~g sabing malambot at
katotohanan.
Kung paupuin ka ay iyong piliin
ang huling upuan: n~gunit kung
sakaling
ang lusok na dako sa iyo'y ihain,
ay huag kang magtuloy
kung di ka pilitin.
Kung isang babayi ang siyang dadatal
lahat n~g dadatna'y dapat
magtindigan;
sagutin ang bating kaniyang binitiwan,
lusok na
upuan sa kanya'y ialay.

N~gunit kung lalaki ang siyang darating,
ay lalaki lamang ang
tatayong tambing;
ang m~ga babayi'y nan~gaka-upu ring
sasagot sa
bati ng wikang magiliw.
Dapat na maunang mag-alay n~g kamay
ang nakatataas sa
pagkakamayan;
sa m~ga batian ay gayon din naman,
di sukat
mauna ang natataasan.
Kaya ang babayi'y siyang nararapat
mag-alay n~g kamay sa
makakau-sap
sapagka't saan mang m~ga paghaharap,
ang babayi'y
siya ang nakatataas.
Gayon man ay dito'y nakagawian na
ang m~ga lalaki'y siyang
nan~gun~guna.
Babayi't lalaki kung kakamayan ka,
kamay mo'y
madaling ibigay pagdaka.
In~gatan mong ikaw ay huag magdaan
sa gitna n~g kahit alin mang
hárapan;
n~guni at sakaling lubos na kailan~gan,
hin~gin ang
kanilang kapahintulutan.
At huág kang humukut na gaya n~g iba
na ang kanang kamay ay
iniu-una:
tuid ang katawan "_¿Maari pu bagang
ako ay
magdaan_?"--"_Magtuluy pu sila_."
At sakaling ikaw nama'y may gagawing
sandali sa labas, ay iyong
sabihin
n~g boong pitagan--"_Ipagpaumanhin
pu nila't sandaling
sila'y lilisanin_."
Sa pagpapa-alam ay iyong magagamit
ang m~ga sinabing pag-upo't
pagtindig;
at kung ikaw naman ang siyang aalis,
sila ay yukuan n~g
anyong marikit.
--"_Kami pu,y paalam sa kanilang lahat,
mag-utus pu sila sa lahat
n~g oras_."
--"_Magandang gabi po_." Kamayan mo agad
ang
m~ga may bahay, gayari ang saad.

--"_Ang amin pung dampa ay inyo ring tunay[7]
na sa gayong daan at
gayon ang bilang.
Hinihintay naming kami'y paran~galang
palagi
n~g inyong malugod na dalaw_."
Sagot n~g may bahay naman ay ganito:
--"_Inyo na pung alam itong
bahay ninyo,
Ninanais naming kayo,y pumarito,
upang sa tui-tui
na,y masuyuan kayo_."
Nasabing may bahay kung sadyang may nais
makipagkilala sa iyo
n~g mahigpit,
katunkulan niyang dalawin kang tikis
sa loob n~g
tatlong araw di lalabis.
At sakaling siya sa iyo'y dadalaw,
ikaw sa kaniya ay magkakautang;

tadhana'y sa loob n~g wawalong araw
siya'y dalawin mo't itoy
karampatan.
Kung uubuhin ka ó babahin kayâ,
gayon sa pagdahak saka sa paglura,

ay dapat lumin~gon sa dakong kabila,
ang iyong kailan~gan
upanding magawa.
Kublihan pagdaka n~g panyo ang bibig,
upanding ang dumi ay huag
tumilansik:
ang mukha mot labi'y pahirang malinis,
at kailan may
huag kan lumura sa sahig.
Sa lahat n~g pulong ay lubos na bawal
ang pagsasalita n~g m~ga
mahalay,
gayon din ang bulok na kadumal dumal
ay huag mong
sabihin at paka-in~gatan.
At huag kang mag-higab, at huag mag-antók
at huag kang mag-unat,
at huag mag-kamót,
at huag kang mainip at lumin~gos-lin~gos,

ito'y lubhang pan~git at lisya sa ayos.
Ang anu mang tan~gan n~g iyong kaharap,
na gaya n~g paypay,
sakaling malaglag,
pulutin pagdaka't isauli mo agad,
iabot ang
tatangnan, sa dulo ang hawak.

Ang alin mang pintong iyong dadaanan,
kung datnan mong bukás,
bukás mo ring iwan,
at kung nakasima, isima mo naman,
ito'y
siyang turo n~g dakilang asal.
Ang kahit sinu man sa m~ga kalikom
sa alin mang pinto, ay
makasalubong,
dagli mong yukuan at saka umurong,
at iyong
sabihing--"_Sila po'y magtuloy_."
N~gunit kung sakaling umurong din siya
at pipilitin kang ikaw ang
mauna,
kung hindi rin lamang natataasan ka,
pasalamatan mo at
magtuloy ka na.
Ang kahit man sino ang sa iyo'y dumalaw
ay iyong ihatid hangang sa
hagdanan:
sákaling madilim ay iyóng tanglawan
hangang na sa
loob siya n~g bakuran.
Continue reading on your phone by scaning this QR Code

 / 9
Tip: The current page has been bookmarked automatically. If you wish to continue reading later, just open the Dertz Homepage, and click on the 'continue reading' link at the bottom of the page.