eh ito ... ang n~gipin kong postiso na hinahanap ah ... (Galit) Ang hayop na ito. (Kay Bruno) ?Animal, sa lahat ng ginawa mo sa akin, ito ang....
Ang:--?Bakit po, Nanay?
Bal:--Eh, iyan bang hayop na iyan, linoko na naman ak��.
Bru:--(Sa sarile) Sa lahat daw n~g ginawa ko sa kanya ...(Harap) ?Kaylan ko po ba kayo linoko? (Papakumbab��)
Bal--(Ipakikita ang pustiso.) At, it��, masama pa bang pagloko?
Bru:--Eh, hindi po ba buhok iyan?
Bal--Oo n~ga, buhok, n~guni't ito'y pustiso ko animal at hindi sa patay na taong gaya n~g sinabi mo. (Sisiyasating ang buhok.) Tignan mo ang ginawa mong ito, ginusot mo. Babayaran mo n~gayon ito.
Bru:--Aba, hindi po ako ang sumira niyan. Di po, pabayaran natin sa aso.
Ang:--(Kay Balt.) Siyan~ga naman, nanay.
Bal:--(Kay Ang.) Aayunan mo pa ang hayop na iyan. (Kay Bruno) Babayaran mo n~gayon itong aking buhok.
Bru:--(Sa sarile) Katuwirang diablo na itong nalalaman n~g aking ama. Iba ang sumira, at, ako ang papagbabayarin. Maniwala kan~ga naman sa ayos n~g babae. (Titigil) Kay don Tibursio, ay walang sandaling di pagpuri sa buhok n~g kaniyang asawa ang naririn~gig dahil sa kalakihan umano, ito pala'y ...pustiso lamang ...Baka pa kaya, pati ang......este, pati ang mata nito'y pustiso na din ah.....!
Bal:--(Galit) ?Ano ba ang ipinagbububulong mo, ha?
Bru:--Wala po, se?orita, wala po akong ibinubulong n~g laban sa inyo....Na aala-ala ko po lamang ang nangyare sa pustiso....
Bal:--(Galit na lalo) Pues, hindi mangyayare. Ginusot mo ang aking buhok, at babayaran mo n~gayon.
(Lalabas si D. TIBURCIO na kasabay nina TIO BESTRE, TIA MARTINA, BETENG at MATEA. Ang m~ga ito, tan~gi lamang si D. TIBURCIO, ay paraparang may m~ga bitbit na tampipe. Si BETENG ay hilahila ang isang asong payat. Ang gayak n~g m~ga it��, ay m~ga lipas na sa "moda". Si TIO BESTRE, ay nakasuot n~g isang "chaqueta" n~g m~ga tinint�� sa barrio n~g panahong yumao n~g kastila. Ang magsisiganap n~g m~ga tungkuling ito, ay nararapat na, ang kanilang isuot na damit ay iyong nakatatawa. Ang m~ga bagong dating ay m~ga tagalog na napatirang matagal sa isang nayon n~g Kapampan~gan.)
_Tagpo VIII._
=Ang mga dati at ang mga bagong dating.=
Tib:--(Mula sa loob) ?Tuloy, tuloy kayo! ?Sarang....! (Kay Baltazara) ?Sarang ...! Eto, eto ang mga kaka! Nagsidating na kasama ang dalawa nilang anak na kambal, iyong madalas na isulat sa atin noong hindi pa malay na dumating dito sina Dewey.
Bal:--(Sa m~ga bagong dating) ?Naku ...salamat sa Diyos, at na ka-ala-ala pa kayo sa amin.
Tio Bes:--Bah, taganang maluwat nang tutu ing sa aming buri na dalawin ikayu, pero dapo't, tutung marayu ing sa amin, saka ame karagul ing sa kekaming gastus. Lalu na n~geni, malaki ing natuyot na pale sa kekami.
Bru:--(Sa sarile) ?Diablo ...! Saan kaya nagsipangaling ang m~ga bikas na ito? Ito ata ang tinatawag na antidiluviano ah! Naku, kung panahon lang n~gayon n~g Karnabal, sinabi ko na sanang sila'y m~ga naka balat kayo.
Tio Bes:--(Sa dalawa niyang anak) Oh, Beteng, Matia, ano, oh bakit hindi kayo sumiklaud n~g gamad sa inyong bapa? ?Nanung hihintain yu?
Tia Mar:--Yapin naman, obakit ekayu siklaud? ?Diablus kong anak....!
Mat:--(Tatan~ganan ang kamay ni D. Tib.) Mano po, m~ga bapa. (Madalas na sasabihen) Kamusta kayo, ali ko pu misasalunan? Ikami pu mayap, lugud ing Ginung Dios. Nukarin lap�� ding anak, kumusta la naman? ?Nuya pu karin ding kakung pinsana ?Ala lapu?
Tib:--Naririto. (Kay Angeling) Angeling, heto ang m~ga pinsan mo.
Mat:--?Ah, ikayu pala! ?Kalaguyu! (Kay Angeling) Kumusta ka pisan, nanu ing bili mu queti? Masaya ba queti quecayu, ja? ?Ali ba masaya, ja? (Madalas)
Ang:--(Sa sarile) ?Naku, parang kalakwerda kung magsalita ito.
Mat:--(Kay Ang.) ?Mayap wari? ?Magpapasiyal ka baka queti ben~giben~gi?
Bru:--(Sa sarile) ?Tinamaan n~g....! Talo pa n~g babaeng ito ang elektrika sa bilis kung magsalita ah.
Ang:--(Mamasdang patulala si Matea na hindi sasagutin, at pagkatap��s ay haharapin si D. Tib.) Tatay, nak��, napakadalas namang magsalita n~g anak n~g Tio Bestre.
(Si BETENG na pagkakita sa mesedora ay umupo doon, mapapasigaw n~g malakas, n~g ang naturang mesedora ay gumiwang.)
Bet:--(Lulundag) ?Ba, dipaning alti ...!
Tib:--(Pagulat) Bakit, hijo, napano ka? ?Ano ang nangyari?
Tio Bes:--(Kay Beteng) Oh, bakit, ?mepilay ba ika?
Bet:--Ali p��, balaku pu mate naku.
Bru:--(Sa sarile) Sinasabi ko na n~ga ba kan~gina pa at gagawa ito n~g aliwaswas eh ...Dagukan ko yata ah.
Ang:--(Kay D. Tib.) Pap�� ayoko nan~gang makipagusap sa anak n~g Tio Bestre. Napakadalas magsalita. Nakabubuwisit ... ?Nak��, masakit na po ang ulo ko!
Tib:--Pasiensia ka na hija, at talagang ganiyan na iyan, buhat n~g ipan~ganak. Pasusuhin pa lamang iyan eh, wala n~g lagot kung umiyak.
Bet:--(Lalapit sa kanyang ama. Mamasdan si Angeling at magsasabi.) Tatang, buriqu ...
Bru:--(Sa sarile) ?Nakita mo na, di ang hayop na ito'y tinawag pa n~g buriko ang kanyang ama?
Tib:--(Kay Tio Bestre.) ?Bakit, ka Bestre, ano ang nangyayare kay Beteng?
Bet:--(Mamasdan uli si Angeling: Kay Tio Bestre.) ??Tatang ...Tatang ...Barike.....!! (Maninigas.)
Tib:--(Gulilat) Aba, bakit, may sakit bang naninigas ang anak mo?
Tio Bes:--Oo, atin n~ga. (Bubuhatin nila ni D. Tiburcio si Beteng at ilalagay sa kabilang mesedora: Pagkalagay doon, ay gigiwang na muli at si Beteng ay lulundag sa takot.)
Bet:--(Gulilat) ???Pigbun~ganapu ning al
Continue reading on your phone by scaning this QR Code
Tip: The current page has been bookmarked automatically. If you wish to continue reading later, just open the
Dertz Homepage, and click on the 'continue reading' link at the bottom of the page.