Cinematografo | Page 3

Jose Maria Rivera
naaawa ka sa akin?
Mar:--(Patuya) ?Na-aawa pala ako sa iyo, ano ha? Mangyari n~ga ba, (Lalong patuya.) sa, mukhang tinampalasan ka na naman n~g ating pan~ginoon.
Bru:--Aba, Martina, naloloka ka na ba? ?Bakit ako tatampalasanin n~g ating pan~ginoon? ?Hayop ba ako na kaparis n~g iba diyan?....
Mar:--(Patuya.) At, hindi ka pala tinampalasan, ha? Sabihin mo n~ga, ?bakit ba namumula ang mukha mo na para kang merikanong lasengo?
Bru:--?Ah, loka, loka ka n~ga! ?Di mo ba, nalalaman na ang gayon ay isang malaking saksi n~g pagmamahal niya sa akin?
Mar:--?Ang tampalin ka ba?
Bru:--Oo, dahil na iyan ang tinatawag ng m~ga kastila na tunay na kari?o. Ikaw ba, ay tinampal na o hinawakan man lamang ang mukha mo n~g ating pan~ginon?
Mar:--(Galit) Hindi n~ga, ?bakit?
Bru:--Nakita mo na, di hindi ka niya minamahal, ni kinakari?o?
Mar:--(Yamot.) Ku?g hindi, ay hindi. Kari?o pala ang tawag mo sa papamulahing parang saga ang mukha mo. ?Bakit ba naman, namimiskotso ang iyong m~ga labi?
Bru:--Mangyare, ako'y kaniyang pinan~gan~ga.
Mar:--?Ah ...han~gal, ...torpe ...gago ...!! (Hihilatan n~g mata, at pagkatapos ay aalis.)

_Tagpo IV._
=Si BRUNO lamang.=
Bru:--?Han~gal? ?Torpe? ?Gago? ?Gago ako nitong kay tuwid kong magsalita? ?Ah.... hindi, ako'y wala ni alin man sa m~ga ipinaratang sa akin ni Martina. Naiingit lamang siya sa aking pamumuhay.
Voz 1.a:--(Buhat sa loob) ?Are you going to the Cinema to night?
Voz 2.a:--Yes.
Voz 1.a:--?Is it true, dear Angeling?
Voz 2.a:--Yes.
Voz 1.a:--I shall await you there.
Voz 2.a:--Yes. Don't speak to loud; we might be heard.
Voz 1.a:--At the same place?
Voz 2.a:--Yes. Go away now, Papa might see you. (Pagkatapos ay makariringig ng animo'y naghahalikan.)
Bru:--Nak��, nandagit na naman ang lawin....! Diablo!...Dimonyo! Heto ang nagiging tubo n~g magulang na bayaan matuto ang anak n~g "yes". Buhay na buhay siyang napaglalakuan....??Kuuuu!! Magtiwala ka n~ga naman sa anak na babae. Panibulos na panibulos ang aking pan~ginoon na hindi pa natatalos ng kanyang anak ang gawang umibig....?Ha....Ha....Ha....!! eh ito pala'y papauw�� na. At, ang na iibigan pa naman, ay isa diyan sa mga binata na, palaging walang sumbalilo kung magpasyal sa lansan~gan, tatlo o apat na lup�� ang laylayan n~g pantalon at kung mag mericana'y yaong palaging may bigkis sa likod....!! ?Maniwala, maniwala ka n~ga naman sa babae....Hesus!....(Aalis at papasok sa kaliwa.)
Lalabas si ANGELING.

_Tagpo V._
=Si ANGELING lamang=
TUGTUGIN
Ang:--Tulad sa simoy n~g han~gin sa gabing batbat n~g bituwin, katamisan ng pag-giliw, ni Luisitong aking aliw.
Sa puso't sa kaluluwa, naghahari ang ligaya, walang guhang di pagsinta ang pangdulot sa tuwi na.
* * * * *
?Oh, ligaya n~g mabuhay, ?Oh ... pagibig na taglay: Ikaw lamang, tan~ging ikaw.... Ang lunas ko, kaylan pa man!
Halika't huwag bawiin ang payapang na sa akin, halika't ako'y kalun~gin sa bisig mong ginigiliw....
* * * * *
Kung ang buhay ay pan~garap ay nasa ko ang man~garap. Sa bisig ng aking liyag na panin~gi'y minamalas...!

SALITAAN.
Oo n~ga, wala nang buhay na gaya ng akin; punong pun�� sa ligaya, busog sa kasayahan. Sa m~ga magulang ko ay wala akong na pita na hindi ipinagkaloob sa akin sa lalong madaling panahon. ?Ah ...! ?Anong sarap n~g buhay na gaya nitong aking taglay....
Lalabas si BALTAZARA.

_Tagpo VI._
=Si ANGELING at si BALTAZARA.=
Bal:--(Buhat sa loob) ?Angeling, Angeling ...!
Ang:--?Pooooo ...!
Bal:--(Parang may hinahanap) ?Hindi mo ba nakikita ang aking pustisong buhok? Ka~ggi-kan~gina ko lamang hinusay, eh, nawaglit na n~gayon. At napakiramay pa mandin ang aking postisong n~gipin na kalilinis ko din.
Ang:--Hindi ko po nakikita, nanay.
Bal:--?Saan kaya napasaksak? Hale n~ga, hija, tulun~gan mo n~ga ako sa paghanap.
Ang:--Opo, nanay. (Kunwa'y hahanap n~g sumandali at pagkatapos ay babalikan ang kaniyang Ina,) nanay, mamaya ay magpapasyal ako, ho? (Palambing na sasabihen)
Bal:--?Na naman? ?Saan ka na naman paroroon?
Ang:--Sa Cine, po. ?Papasok ak��, ha nanay?
Bal:--?Cine na naman? ?Hindi ba't, kagabi lamang ay nasok ka na?
Ang:--Siyan~ga, nanay. (Lalong palambing)
Bal:--Gayon pala, ?bakit ibig mo na namang pumasok mamaya?
Ang:--(Tatawa ng palihim) Aba, si nanay naman! Hindi ba ninyo nalalaman na n~gayon ay Huwebes?
Bal:--?Eh, ano kung Huwebes?
Ang:--Eh, araw po n~gayon n~g kambio.
Bal:--Kambio ba ng ano ang pinagsasabi mo?
Ang:--Kambio n~g programa po.
Bal:--At, ?ano daw na naman ang palalabasin?
Ang:--Zigomar contra Nick Carter po.
Bal:--?Magaling daw ba iyon?
Ang:--Magaling daw po, ayon sa balita ng m~ga pahayagan. Papasok ako, ha nanay?
(Lalabas si BRUNO na sumisigaw at waring may hinahabol na aso. Tan~gan sa kanang kamay, ang isang postizong buhok at sa isa naman ay postisong n~gipin,)

_Tagpo VII._
=Sila din at si BRUNO=.
Bru:--(Waring hinahabol ang aso. Humihin~gal. Takot.) ?Che ...! ?Che ...! ?Cheeeee ...! (Lalong takot) ?Nak��, malaking basagulo ang nangyare; ang aso ... ay nakakawala, at ... nakamatay ng tao ...!!!!!
Ang:--(Gulat) ?Ano ang nangyare, ha, Bruno? ?Ano ang nangyare?
Bal:--(Lalo pang gulat.) ?Ano, ano daw ang nangyare?
Bru.--(Takot) Ang atin pong aso na Mariano Gil ay nakakawala at....
Ang: at:--?At, ano? Bal:
Bru:--??Nakamatay po n~g tao....!! ???Nakuuu.!!
Bal:--??Susmariosep!!....(Manginginig sa takot)
Ang:--?Tunay n~ga ba?
Bru:--Opo, at sa katunayan, ay naririto po ang buhok at sampu n~g n~gipin n~g taong: napatay ...?Susmariosep.....! ?Talagang hayop si Mariano Gil! ?Naku ang n~gipin n~g taong napatay! (Ipakikita ang n~gipin at buhok na postizo)
Bal:--(Tatan~ganan, at mapapasigaw sa takot.) ???Naku po, Dios ko ...!!! (Pagkatan~gan sa n~giping pustiso ay makikilala. Galit) ?Aba,
Continue reading on your phone by scaning this QR Code

 / 15
Tip: The current page has been bookmarked automatically. If you wish to continue reading later, just open the Dertz Homepage, and click on the 'continue reading' link at the bottom of the page.