Cinematografo | Page 5

Jose Maria Rivera
...!!!
Tio Bes:--Bah, o bakit, nanung nangyayare sa iyo?
Bet:--O baquit gagalo ya ing sillang yan, malikiu ku.
Tio Bes:--(Parang galit) Beteng, huwag kang mamulang.
Bes:--Tatang, burike ing pinsan ku, i Angeling ...
Tio Bes:--Alika main~gay, sabe aku ing bahala.
Tib:--(Kay Tio Bestre.) Eh, ano ba, pinsan, ano at nakaisip kayong dumalaw dito?
Tio Bes:--Mallari, ibig ko na sanang gawan natin ing pinagkayarian ta, kanita pang limang taon n~gayon.
Tia Mar:--Ampong, maninap nakung maninap pamanlumbe sipitograpo, uling babalita n~g kabisang Gusting kekami.
Tib:--(Kay Baltazara) Sarang, ito ang pinsan kong pinan~gakuang pagpakasalan sa anak niyang lalake sa ating Angeling. N~gayon ay ibig niyang matupad ang aking pan~gako, kaya't ang mabute ay, kausapin mo ang ating anak. Ipina-aalaala ko sa iyo na sila'y mayaman, Hale na, sulsulan mo na sana ang ating Angeling upang ibigin na si Beteng.
Bal:--Hindi ko masasangayunan ang iyong nais. Gayon man, ay pagbibigyan kita. (Kay Angeling) Angeling, ibig daw n~g Tio Bestre mo na ikaw ang mapan~gasawa n~g kaniyang anak na Beteng.
Ang:--(Pataka) ?Ano ang sinabi ninyo, Nanay? ?Pakasal ako sa antipatikong iyan? Bah, mabuti pa'y uminom na ako n~g lason. (Pasamo) Nanay, huwag kayong pumayag na ako'y makasal kay Beteng.
Bal:--Hayaan mo at ako ang bahala.
Ang:--(Kay Baltazara.) Nanay, pag ako'y pinilit n~g tatay, ay papasok na akong monha.
Bal:--Lokang bata ito, hayaan mo't ako ang bahala (Kay D. Tib.) Tibo, ayaw kay Beteng ang ating anak. May katwiran naman siya......
Tib:--(Galit) Pues, hindi mangyayare, Susunod at susunod siya sa aking ibigin. No faltaba mas. N~gayon pa namang nagkayari na kami ni ka Bestre.....?Hindi mangyayare!......
Bal:--Aba, hindi naman ako makakapayag na ikasal ang aking anak sa di niya nagugustuhan. Mangyare na ang mangyayare!!
Tib:--(Galit din) Sarang, sukat na ang pagsagot! Ayoko n~g sasagot ka sa akin!... ?Narin~gig mo ba?
Bal:--(Patuya.) Bah, para ka namang kaiser ah.
Tio Bes:--(Kay D. Tib.) Nung makanyan, pinsan aasahan ko na ang iyong pan~gako.
Tib:--Oo, ka Bestre, asahan mo na....
Ang:--(Naririn~gig ang paguusap ni D. Tib. at Tio Bestro: Kay Baltasara.) Nanay, huwag ninyo akong bayaan....Ipinan~gako ako n~g Tatay sa Tio Beatre.
Bal:--Hayaan mo sabi at ako ang bahala, eh.
Mat:--(Kay Tio Bestre) Oh, Tatang, etamu lumb�� cine? (Kay Angeling) Pinsan, tukika quekami, ja? Tara na miblas. Nung mipuntaka karin quekami, akit mula ding sesesen kung ayup, babi, manuk ampong ...
Tio Bes:--(Sa lahat) Bueno, itamung lahat lumaue cine pota.
Tib:--Kayo na lamang, ka Bestre.
Tio Bes:--Aba, al�� mallari....Itamungan. Itamungan lumb�� tamung Cine....
Tib:--Bueno, tayong lahat ay pumasok. (Aparte) Naipan~gako ko pa namang hindi na ako papasok sa Cine.
Bru:--(Kay Tib.) Eh, ako po ba'y hindi ninyo ipagsasama?
Tib:--Hindi. Ikaw ang matitira dito sa bahay.
Bru:--(Takot) Aba, aking pan~ginoon, natatakot po akong magisa dito. Natatakot po ako..!
Tib:--Pasasamahan kita kay Martina, duwag!
Bru:--(Pataka. Galak.) ?Ho? Aba....kung gayon po'y....masok na kayo n~gayon din. Ang pagpasok po sa Cine, mientras maaga, ay mabute, dahil na, baka hindi na tuloy ninyo matapos.
Tib:--(Sa kaniyang m~ga panauhin) Eh, siya, tayo na humapong maaga at n~g makapasok agad sa Cine.
Tio Bes:--Yaping mabute. Tara na man~gan....
(Lahat ay magsisipasok. Mamasdang mabute ni Beteng si Angeling; pandidilatan naman nito iyon n~g mata, matatakot si Beteng at patakbong papasok.)
TABING.

=?TAYO NA SA CINE....!=
=IKALAWANG KUWADRO=
Pagaa?gat ng Tabing ay makikita ang larawan ng isang kilalang lansa?gan sa Maynila, na mangyayaring maging ang daang Azcarraga o alin man ibang daan. Sa gitna, ay makikita ang panglabas (fachada) ng isang mainam na Cine. Maraming tao na magyayaot dito sa naturang daan, na ang ib��'y magsisipasok sa Cine matapos namakakuha sa taquilla ng bilyete. Sa gawing kanan ng Cine, ay makikita ang isang tindahan na may babala na: MONGO CON HIELO Y LECHE-EXTRA. Sa gawing kaliwa, ay makikita naman ang isang babae na nagtitinda ng mga kakanin. Mag-iikawalo't kalahati ng gabi.
Lalabas ang KORO ng BABAE at LALAKE, na nagsisiawit: Gab��.

_Tagpo I._
=Coro ng mga BABAE at LALAKE.=
Coro:--?Tayo! ... ?Tayo na sa Cine! Tayo nan~ga magliwaliw! ?Anong inam! ?Anong bute! Nang Cineng kawile-wile.
Sa cine'y napapanood maraming kababalaghan Laging say�� ang pangdulot sa madlang nasasakitan.
?Tayo!...?Tayo na sa Cine! Tayo na n~ga magliwaliw!
?Anong inam! ?Anong bute!
Nang Cineng kawile-wile...!
(Pagkatapos n~g pag-awit, magsisigawa n~g isang "evoluci��n" at saka magsisipasok sa pinto n~g Cine.)
Lalabas ang batang lalake, si PELI, at lalapit sa may tindang m~ga kakanin.

_Tagpo II._.
=Ang TINDERA at si PELI=
Ten:--(Kay Peli) Ano, Peli, ?Papasok ka na naman sa Cine?
Peli:--(Waring kagagaling pa lamang sa pagiyak.) Hindi po. Wala po akong pera, eh.
Ten:--Bakit hindi ka humin~gi sa iyong Nanay?
Peli:--Humin~gi po ako, n~guni't, ang ibinigay po sa akin, ay palo.
Ten:--?Ha? ?At bakit?
Peli:--Mangyari po, n~g ako'y humihin~gi ay nataon naman na sila'y napantoche sa pan~guingue, kaya po,t en vez na kuwalta, ang ibinigay po sa akin ay palo at kurot.
(Lalabas sina LUISITO at MARCOS, buhat sa kaliwa.)

_Tagpo III._
=Sila din, at sina LUISITO at MARCOS=.
Mar:--(Kay Luisito) Luisito, dito ang mabuting paghihintay, n~g makapangaliskis tayong mabute n~g m~ga dalaga.
Lui:--Ikaw naman ang taong wala nang na-aala-ala kundi ang dalaga. At, minsan man, ay hindi ka na nagkasiya sa isang kasintahan. Marahil ang puso mo'y walang iniwan sa repollong china.
Mar:--(Patawa) Nagsermon na naman si Padre Luis. Nalilimutan mo lamang marahil kaibigan ang kasabihang:
Continue reading on your phone by scaning this QR Code

 / 15
Tip: The current page has been bookmarked automatically. If you wish to continue reading later, just open the Dertz Homepage, and click on the 'continue reading' link at the bottom of the page.