na ang nangyayari! ?Nagkakaroon n~g m~ga nakawan, haran~gan at patayan n~g.... hindi man lamang natatalos n~g m~ga pulis at "secreta". (Hihinto n~g matagal) Sinasabi ko na n~ga ba, at ang paglipana n~gayon n~g m~ga kabalbalang ito, ay, galing sa m~ga nagkalat na babasahing natutungkol kay Nick Carter. Ang m~ga cineng iyan na walang ibang idinudulot sa m~ga nagsisipanood kundi ang m~ga nakawang sistema Zigomar at ang halikan. Wala, ito ang siyang totoo. At dahil sa bagay na ito, buhat n~gayon ang m~ga cineng iyan, ay hindi na makikinabang sa akin, kahi't na isang kusing man lamang!..... (Tatawag) ?Bruno!... Brunooooo ...! (Lalabas si BRUNO.)
_Tagpo II._
=Si D. TIBURCIO at si BRUNO=
Bru:--(Buhat sa loob) ???Pooooooo.....!!!
Tib:--Halika.
Bru:--(Lalapit na pakimi) Pagutusan po.
Tib:--Lumapit ka, torpe!
Bru:--(Lalapit n~g payuko, tulad n~g karaniwang gawin n~g m~ga taga lalawigan, lalo na ang ilang tagabukid.) ?Pagutusan po, si?or!
Tib:--(Tataban siya sa isang tayn~ga.) ?Torpe, halika't may sasabihin ako sa iyo. (Sisipain sa kaliwang pigi)
Bru:--?Naku....! ??Naku pooo....!! Malabis po pala naman kayong makapagsalita, ah ... Talo pa po ninyo si kabisang Umeng doon sa amin na, munting kibot, ay........ ???Naku......!!!
Tib:--(Anyong sisipa uli.) ?Naka ano, ha?
Bru:--Nakatawa po't,....nagbibigay n~g kuwalta!
Tib:--(Sa sarili) May hayop ang katawan nito. (Harap.) Siya, lumapit ka, at may iuutos ako sa iyo.
Bru:--(Sa sarile.) ?Bibigyan kaya ako n~g kuwalta? (Harap.) Turan po n~g aking pan~ginoon.
Tib:--Huwag mong lilimutin, ha?
Bru:--(Patulala) ?Ang alin po? (Sa sarili) ?Ang isinipa kaya niya?
Tib:--Ang iuutos ko sa iyo.
Bru:--Aba, umasa po kayong hindi. (Sa sarile) Ang akala ko'y kung ano na ang kaniyang ipa-aala-ala sa akin ah. Akala ko'y, ang sipa na....
Tib:--Dingin mo. Buhat n~gayon, pagkatugtog na pagkatugtog sa ating orasang malaki n~g ika pito at kalahati n~g gabi ay....
Bru:--Naku, pan~ginoon ko, ?paano po ang pagtugtog n~g ating orasan, sa matagal na po siyang namamahin~gang kaparis n~g orasan sa Santa Cruz?
Tib:--(Sa sarile) May katwiran. (Hayag) Totoo n~ga. Kung gayon, ang gawin mo'y, ganito. Pagtugtog n~g orasan n~g sambahan dito sa atin, ay ilalapat mong mabuti ang pintuan, at huwag mong bubuksan kahi't na kan~gino. ?Narin~gig mo ba?
Bru:--Opo.
Tib:--Nalalaman na daw nito. Hale n~ga, tignan ko kung tunay na nalalaman mo na, ang aking inihabilin sa iyo. Dale, sabihin mo: ?Ano ang iyong gagawin mamaya, pagkatugtog n~g ika pito at kalahati n~g gabi?
Bru:--(Patulalang sasagot) Ma....ma....ma maya pu ba?
Tib:--Oo, mamayang maka 7:30 p.m.
Bru:--(Sa sarile) Para din akong ikakasal n~gayon ah! Sinusulit pa ako. (Hayag) Mamaya pong ika pito at kalahati, ay ... (Waring magiisip sumandali) ay, di, bubuksan ko po ang lahat n~g pintuan.
Tib:--(Patalak.) Nakita mo na, ang sinalibat na ito n~g isang kallang.... (Duduhapan~gin si Bruno at tatadyakan.) Naku, ang hayop na ito, ah, paghindi kita pinatay ...!
Bru:--Mangyari po'y, sinabi ninyong ika pito at kalahati p.m.
Tib:--?Eh, ano n~gayon?
Bru:--Aba, ang sabi po ni ?ora Sara sa akin, n~g minsan pong itinanong ko sa kanila kung ano ang kahulugan n~g p.m. na malimit kong makita sa m~ga anyaya, ay sinabi po nila sa akin na ang kahulugan daw po'y....
Tib:--?Ano? ?Ano daw ang kahulugan?
Bru:--Eh, magbukas daw po n~g pinto.
Tib:--(Sa sarile) ?Que atrocidad! (Hayag) Pareho na kayo sa pagka lin~gas n~g iyong ?ora Sara. (Galit) Kung ang lahat n~g maglingkod sa akin ay gaya mong m~ga bruto, ay hindi malayong magkaroon tuloy ako n~g tisis galopante.
Bru:--(Pagkarin~gig ni Bruno sa sinabing bruto ni D. Tib. ay iiyak n~g ubos lakas.) ??Inaku, Dios ko po, inakuuuuu!
Tib:--Aba, at bakit ganiyan na ang n~galn~gal mo?
Bru:--Mangyari po'y....(Iiyak n~g lalong malakas) Mangyari po'y ... tinawag ninyo ako n~g bruto, eh, Bruno po naman itong n~galan ko.... Huuuuu ...!!!! (Iiyak uli)
Tib:--?Tinamaan ka n~g ... isang bakurang.... (Matatawa siya, n~guni't pipigilen) Siya, siya, huwag mong lilimutin ang ipinagbilin ko sa iyo ha? (Babatukan at pagkatapos ay aalis.)
Bru:--Opo.... Aruuuy, aruuuuy....! (Lilin~gap sa kaniyang likuran at pagkakita na wala nang tao doon, ay magsasabi.)
?Naku ... kung hindi ko lamang siya pan~ginoon, ay nagkahalohalo na sana ang, balat sa tinalupan. (Susubsob sa lamesa at iiyak na parang bata)
(Lalabas si MARTINA na pagkarin~gig; sa pagiyak ni Bruno ay magtatawa.)
_Tagpo III._
=Si BRUNO at si MARTINA lamang.=
TUGTUGIN.
Mar:--?Ha....Ha....Ha....Ha ... Bruno!
Bru:--Martina, ?bakit, ano? ?Pagtawa mo'y kan~gino?
Mar:--?Kan~gino? Tuturan ko.
Ako'y may nakikilala Na isang binatang tan~ga, Na ang lahat n~g makita Tinatakhan, nababakla.
Lalong lalo kung mamalas m~ga babayeng magigilas, ay nagmamatang bayawak Na asa mo'y isang tungak.
Bru:--
Hindi totoo: Ang sulit Na n~gayon ay kasasambit. Ang babaye'i naninikit Sa binatang makikisig.
Ako ay may nalalaman Na m~ga dalagang momay, Na sa boong isang araw, Yao't dito sa lansan~gan.
SILANG DALAWA
Martina: Bruno:
Kahit ano ang isulit Kahit ano ang isulit Ako'y hindi makikinig, Ako'y hindi makikinig, Sa batang walang batid, Sa babaeng walang batid Ang mabuti ay pagtikis. Nararapat ay pagtikis.
SALITAAN.
Mar.--(Tatawa) ?Ha....Ha....Ha....!! Kawawa naman itong si Bruno.
Bru:--(Natutuwa.) ??Ay,.... salamat, Martina ko at, sa akin dinaingdaing, ay nakuha mo din ang maawa.
Mar:--(Galit) ?Ha? ?Baka naloloko ka na! Sino ang nagsabi sa iyong ako'y....?
Bru:--Sino daw, hindi ba't, kasasabi mo pa lamang n~gayon?
Mar:--Hooy, maglubay ka n~ga n~g pagsasalita n~g ganiyang m~ga kamangman~gan. (Sasabihin ito n~g padabog)
Bru:--At, hindi ba sinabi mo kan~gina lamang na,
Continue reading on your phone by scaning this QR Code
Tip: The current page has been bookmarked automatically. If you wish to continue reading later, just open the
Dertz Homepage, and click on the 'continue reading' link at the bottom of the page.