Cinematografo

Jose Maria Rivera
Cinematografo

The Project Gutenberg EBook of Cinematografo, by Jose Maria Rivera This eBook is for the use of anyone anywhere at no cost and with almost no restrictions whatsoever. You may copy it, give it away or re-use it under the terms of the Project Gutenberg License included with this eBook or online at www.gutenberg.net
Title: Cinematografo
Author: Jose Maria Rivera
Release Date: July 16, 2005 [EBook #16311]
Language: Tagalog
Character set encoding: ISO-8859-1
*** START OF THIS PROJECT GUTENBERG EBOOK CINEMATOGRAFO ***

Produced by Tamiko I. Camacho, Jerome Espinosa Baladad, Pilar Somoza and PG Distributed Proofreaders from page scans provided by University of Michigan.

[Transcriber's note: Tilde g in old Tagalog which is no longer used is marked as ~g.]
[Paalala ng nagsalin: May kilay ang mga salitang "ng, mga," at iba pa upang ipakita ang dating estilo sa pag-sulat ng Tagalog na sa ngayon ay hindi na ginagamit.]

DULANG TAGALOG
Mga Dula ni JOSE MARIA RIVERA.
??CINEMATOGRAFO ...!!
DULANG TAGALOG
na may
Isang Yugto at Dalawang Kuwadro
Katha ni
JOSE MARIA RIVERA
Tugtugin ni
Mtro. GAVINO CARLUEN
Itinanghal ?g kaunaunahan sa Dulaang Rizal ?g Gran Compa?ia de Zarzuela Tagala ni G. Severino Reyes, noong ika 1 ?g Junio ?g taong 1918, at nagkamit ?g di kakaunting papuri.
Imp. ILAGAN y Cia., 775 J. Luna, Tondo., Tel. 8536.

???CINEMATOGRAFO ...!!!
DULANG TAGALOG
na may
Isang Yugto, at Dalawang Kuwadro.
Tugma ni
JOS�� MARIA RIVERA
Tugtugin ni
_Mtro. GAVINO CARLUEN._
MAYNILA
1920
Imp. ILAGAN y Cia,. 775 J. Luna, Tondo. Tel 8336

ALAY:
Sa mga tapat at matalik na kaibigang
_Jos�� E. Canseco,
Salvador Kabigting
at Ram��n Farolan_.
Boong puso,
ANG KUMATHA.

MGA TAO NG DULANG ITO.
TIBURCIO............G. Eusebio Gabriel
BALTAZARA...........Gg. Felisa Buenaventura
ANGELING............Bb. Juanita Angeles
LUISITONG Makaw.....G. Alfredo Ratia
BRUNO...............G. Joaquin Gavino
MARTINA.............Gg. Ildefonsa Alianza
TIO BESTRE..........G. Eusebio Constantino
TIA MARTINA.........Gg. Antonia del Rosario
MATEA...............Bb. Natividad Nonato
BETENG..............G. Gregorio L. Lopez
MARCOS..............G. Pedro Mariano
PELI................Batang Fortunato Rafael
PULIS...............G. Jos�� Suarez
TENDERA.............Gg. Mercedes Nonato
Koro n~g Lalake at Babae.
* * * * *
PANAHONG PINANGYARIHAN: Kasalukuyan.
* * * * *
_Ang dulang ito ay itinanghal ?g kaunaunahan sa Dulaang Rizal ?g =Gran Compania de Zarzuela Tagala= ?g dramaturgong Severino Reyes, noong ika 1.o ?g Hunyo ?g 1918, at nagkamit ?g di kakaunting papuri_.

UNANG KUWADRO.
=??SUKAT NA ANG CINE....!!=
=BUGTONG NA YUGTO=
Kabuoan ng isang bahay na may mainam na mga palamuti. Pinto sa gitna ng kabahayan na naghahatid sa ibang mga banghay ng bahay.--Dalawang bintana sa siping ng pintuan.--Sa kanan at kaliwa, ay mga silid na hindi mangyayaring makita ng mga nanonood.--Hapon.
Pag-aa?gat ng Tabing, ay makikita si D. TIBURCIO na, nakaupo sa isang tabureteng mesedora, at bumabasa ng isang pahayagan.

_Tagpo I._
=Si D. TIBURCIO lamang=.
D. Tib:--?Sussssssss....! Sa lahat n~g araw na isinasal n~g init, ay lumabis naman ang araw na ito. At, sa kalabisan, ay kaunti, na tuloy akong masagasaan n~g trambya, dahil sa hilong umabot sa akin. (Saglit na hihinto.) Salamat na lamang, at ang nangyare sa akin ay nakita pala n~g isang mahabagin, at kung hindi ... marahil ay kinidlatan na ako! (Hihinto) Talaga na yatang ang Maynilang ito, ay magiging sa m~ga man~gan~galakal na lamang! Diwa'y ang Maynilang ito'y magiging tahanan na lamang n~g m~ga taong mapuputi, dahil na ... munting kibot, ang m~ga makapangyarihan ay nagtatakda n~g m~ga kautusang.... halos ay makalunod na sa m~ga mahihirap. At, kung sakali namang, ang isa ay nakaririwasa; may bahay na sarile, walang patid namang utos ang ibibigay. Nariyan ang kailan~gang papintahan umano ang bahay o kaya'y palagyan n~g gayon o ganitong m~ga ... ?Sussssssss ...na buhay n~g buhay na ito!! (Hihinto n~g matagal) Ang araw na magamit n~g patuluyan ang "aeroplano", ay bibile ako agad, n~g upang maligtas na lamang sa m~ga ganyang kautusan. Kung sa himpapawid na ba ako nagtitira, ay ano pang amillaramiento ang babayaran, ni bahay na papipintahan pa o kaya'y uupahang "ventilador"? N~guni't, ipagpatuloy ko n~ga ang pagbasa sa pahayagang ito, at n~g matalos ang m~ga balitang dala niya. (Muling babasahin ang pahayagang tan~gan: Babasa) "Sakaling sa loob n~g pitong taon, ay maipakita n~g Bayang Pilipino ang kaniyang kakayahan sa pagsasarile, ay ipagkakaloob sa kaniya n~g bayang Amerikano ang ganap na paglaya." (Hihinto.) ?Salamat sa Dios, at kung papalarin ang bill na ito ni Mr. Jones, ay makikita ko pa ang paglaya n~g Pilipinas! ?Maanong totohanin na ang pan~gakong ito n~g Bayang Amerika! (Titigil sumandali, at pagkatapos ay mapapalundag: Babasahin) "Pangkat n~g m~ga nakawan". ?Pangkat n~g m~ga nakawan? ?Di yata? (Babasahin) "Kagabing magiika 12 at 1 n~g madaling-araw, ay pinanhik n~g m~ga magnanakaw, ang bahay n~g tagapan~gasiwa n~g aming pahayagan, at matapos na mabuksan ang lahat n~g m~ga taguan ng damit, ay nan~ga-kadala ang m~ga naturang magnanakaw n~g m~ga hiyas at pagaari n~g taga pamahala namin, na umaabot sa halagang tatlong libong piso. Ang nakawang nabanggit, kahi't ginawa n~g m~ga kampon ni Kako sa isang daang hayag, ay hindi man lamang nabalitaan n~g m~ga nagtatanod sa ating m~ga lansan~gan. (Lalo pang gulilat) ?Dios ko! ??Dios ko!! Anong salot ito na gumagala at naghahari dito? ?Ito baga ang katunayan n~g sinabi n~g ilang ginoo na kabutihan n~g pamamalakad? ?Nasaan ang katiwasayang binibili n~g m~ga mamamayang nagbabayad n~g di kakaunting kuwalta sa pamamagitan n~g m~ga "contribuciones" at "amillaramientos"? ?Mabuti
Continue reading on your phone by scaning this QR Code

 / 15
Tip: The current page has been bookmarked automatically. If you wish to continue reading later, just open the Dertz Homepage, and click on the 'continue reading' link at the bottom of the page.