Cinematografo | Page 8

Jose Maria Rivera
ko, ay siya pang napanood
n~gayon. At, ang hindi ko pa malaman, ay ang sanhi n~g kung bakit sa tuwing ang
ilalabas sa Cine ay m~ga pelikulang "Indian at Cowboy", hindi na nanalong minsan man
ang m~ga Indian, at kung talunin pa sila, ay palakpakang wahumpay ang ginagawa n~g
m~ga nanonood. ¿Ano ang ibig sabihin n~g gayon?
Mart:--(Mula sa loob.) ¡Hayop!...¡Demonio!... ¡Walang hiya! ¡Isusumbong kita!...
(Lalabas na kasunod si Bruno.)
Tib:--(Pagkakita sa dalawa.) ¿Bakit, Martina, ano ang nangyare Bruno? ¿Bakit ninyo
iniwan ang bahay?
Mart:--(Iiyak) Mangyari po, iyang si Brunooooo, uuuhhh!!...
Bru:--(Gagayahan si Martina) Mangyare po, si Martina, uuuhhh.
Tib:--(Galit) ¡Demonio!...Magisaisa kayo sa pagsagot. Ikaw, Martina ang siyang ang
umuna. ¿Ano ang nangyare?
Mart:--(Paiyak na sasagot) Iyan pong si Bruno, pagkaalis ninyo, ay isinarang lahat ang

bintana pati pintuan at.....¡¡Naku ...!! Napakahayup pong tao niyan ...!!
Tib:--(Kay Bruno: Galit). At, bakit mo naman ginawa ang gayon? (Pipiralin sa tayn~ga)
Bru:--Kaya ko po lamang ginawa iyon, ay dahil siya ninyong utos.
Tib:--¿Ano, utos ko?
Bru:--Opo. Kan~gina po ay sinabi ninyo sai akin na, pagkatugtog n~g ika 7 at kalahati
n~g gabi, ay isara kong lahat ang pinto at bintana?
Tib:--(Sa sarile.) Tunay n~ga. (Sa dalawa) Siya, umui na kayo.
Mart:--(Paiyak) At, ¿paano po ako?
Bru:--Hayaan mo't ako, ang bahala.
Tib:--Siyan~ga, siya na ang bahala sa iyo. Hala magsiwí na kayo.
(Aalis silang dalawa. Si D. Tiburcio, ay papasok uli sa Cine. Lalabas ang isang Pulis.)

_Tagpo XI._
=Ang PULIS lamang=
Pul:--(Dala ang isang pahayagan) Esti periodico, motso, jabla robo. Every days, jabla
robo. Every days, jabla olicem, Motso nakaw, pero, mi no bisto nada jasta hora.
(Palakpakan sa loob n~g Cine, kasabay n~g sigawan)
Sa loob:--(Pahiyaw)!!Sigue ... Zigomar ... sigue!! (Palakpakan)
Pul:--(Gulilat) Cosa jabla esti jombres dentro cíne? (Anyong papasok na tan~gan ang
batuta.) ¿Aqui gat ladron?!My godness ...! ¡Oh, this is creasy ...!...Mi cabeza motso
loko ... Aquí dentro no ladron sino cine nomas ...! This is.... ¡Oh, mi poco tempo, bamus
casa con una señorita motso rica, motso money, nomporta masque pea ... And, bay and
bay, mi vamus America y no more polis ... ¡Ja ...! ¡Ja ...! Este motso bueno bisnes
(Papasok na bumabaswit n~g isang "rag".)
(Lalabas si Angeling na parang lin~gas. Sasalubun~gin siya ni Luisito.)

_Huling Tagpo._
=Si ANGELING at si LUISITO._
TUGTUGIN

Ang:--¡Luisito!
Lui:--¡Oh, Angeling!
Ang:--Paglisan na'y ating gawin.
Lui:-- ¡Oh, pan~garap kong nalaing, natupad ka at dinating!
N~gayon di'y atin n~g lisan itong pook, at tumanan.
Ang:-- Luisito kong liniliyag laan ako sa iyong han~gad.
Lui:-- Tayo na't ating tungain saro n~g ating paggiliw.
Ang:-- Ang bawa't iyong mahiling, ay aking tatalimahin.
=SILANG DALAWA=
Tayo na sa himpapawid na pangdulot ay pag-ibig.... Doon, ang lahat ay tamis, aliw,
ligaya at....lan~git!
Ating limutin ang hirap at lasapin ay pagliyag. ¡Tayo sa bayang pan~garap at doo'y,
walang bagabag!
(Yayaon silang madali, at papasok sa kanan. Maririn~gig na dagli ang sipol n~g "auto".
Lalabas si D. Tiburcio na kasabay ang lahat, at naghihiyawan.)
Lahat:--¡¡¡Angeling....!!!
Ten:--Bili na kayo n~g mané....
Tib:--¡¡¡Angeling....!!!
Peli:--(Sa lahat) ¿Sino pu ba ang hinahanap ninyo?
Bal:--Ang aming anak. ¿Nakita mo ba, among?
Peli:--Iyon po bang maganda?
Tib:--Oo, iyon n~ga, ¿saan naroroon?
Peli:--Tinan~gay po n~g lawin......
(Pagkarin~gig noon ni Beteng, ay hihimatain. Mapapatun~gan~gang lahat.)
TABING.

=MGA KUROKURO=

¡CINEMATOGRAFO!
Ang "libreto" n~g "Zarzuelang" may tinurang pamagat, na buhat sa panitik n~g
manunulat sa dalawang wika, sa kastila at tagalog na si G. José Maria Rivera ay nabasa
ko at napanood ko pa n~g ganapin ang unang tanghal sa Dulaang Rizal.
Sa tugmang ito ay ipinakilala n~g "Kumatha" na siya'y maalam sumulat n~g dula; ang
pagkakasunod n~g m~ga tagpo (escenas) ay napakahusay, hindi nawawala ang
"continuidad" na kailan~gan sa isang obra at ang galaw at m~ga anyo n~g m~ga
"personages"; ang paglalabas pumasok sa tagpo ay ayos na ayos sa tinatawag na
"mecenica teatral."
Ang "caracter" n~g m~ga personage ay hindi lumabo hanggang sa matapos.
Ang kanyang "vis comica" ay kilala na n~g madla. Ang pagkakalahok n~g salitang
kapampan~gan sa kanyang '"obra" ay totoong mainam at matatawag nating "a lo
hermanos Quíntero" na pawang nabantog at nan~gagsidakila sa kanilang "sistema" na
ang kanilang m~ga tugma na tunay na wikang kastila ay nilalahukan n~g m~ga "dialectos
españoles"; magpan~gayo'y hinahan~gaan n~g boong Esgaña ang magkapatid na
Quintero.
Pepe, magpatuloy ka sa landasing iyan n~g pagpapalago n~g ating dulaan; ang pagsulat
n~g mabubuting dula ay higit pa n~g pagkamakabayan kay sa magmakisig na "politico".
_=Severino Reyes=_
* * * * *
=ANG PAGKAMANGDUDULA NI RIVERA=
Si José M.a Rivera ó Pepe Rivera, gaya n~g karaniwang palayaw sa kanya n~g kanyang
m~ga kamanunulat at kaibigan, ay isang mangdudulang may sariling gabay at sariling
watawat. Siya ay lumalakad sa laran~gan n~g pangdudula na masasabing hindi
sumusunod sa ilaw n~g iba.
Nagbukas siya n~g landas na sarili niya, na sa kanyang pagasa'y lalong malapit para sa
ikapagtatamo niya n~g tagumpay. At ang
Continue reading on your phone by scaning this QR Code

 / 15
Tip: The current page has been bookmarked automatically. If you wish to continue reading later, just open the Dertz Homepage, and click on the 'continue reading' link at the bottom of the page.