lunas ay masusunduan.
Nang magpipighati,t, magtatamong galác?ang man~ga mahina ay magsisilacas,?at magsisitapang ang man~ga douag?maestro at Amá sa han~gad na Anác.
Sa man~ga oveja,i, maauaing Pastor?masintahing Hari sa lahat nang campon,?at sa man~ga duc-ha,i, tan~ging Pan~ginoon?at bucal nang cagalin~gan di sang-gayon.
Nang upang mangyari na tangapin niya?ang sinoman sa di mamagcanong gracia,?na ibinubobó ni Jesús na Amá?niyong cagalin~gan niyang ualang hanga.
At sa calulua na masusunduan?yaong cagalin~gang sa caniya,i, laan,?ucol sa pag-gayac siya,i, hinatulan?niyong pagtangap sa mahal na catauan.
Sa dakilang sala,i, di lamang malinis,?cundi sa lalo mang salang maliliit,?biling cailan~gan lamang ang pagligpit?sa isang maáyos na pananahimic.
Lumayo sa lahat nang capopootan?nang matá nang Amáng macapangyarihan,?dapat na taglayin ang pang-hihinapang?nang sa lan~git bagáng man~ga cahatulan.
Caya n~ga at nagdudumaling dumulóg?si Margarita, sa pagtangap cay Jesus,?at siya,i, hindi na lumayó pang lubos?at nag-gunamgunam nang sa puso,i, taos.
Ang di pagcarapat at caralitaan?sa caniya, ay siyang nagpasulong bilang?doon sa pagtacbó nang batis na tunay?nang pagca-dakila at niyong calac-han.
Sa paghahanda ay nagsisicap siya?nang icagagaling niyong calulua,?at isang mahusay na tahanan bagá?nang ualang capantay na Hari at Amá.
Pinuspos ang lingcod niyong Poong Dios?na si Margarita nang hindi masayod,?na catamisan, at darakilang lugod?nang camahal-mahalan n~gang Mananacop.
Caylanma,i, sadyang loob na maganda,t,?nagbibigay nang biyayang mahalaga,?nakikipanayam sa cay Margarita?sa pananalan~gin niya sa tui na.
Santang mananahing ito ay cung minsan?nag-hihinanakit niyong catamlayan,?nang loob, sa gauang capalamaraha,t,?masamang pag-ganti n~g macasalanan.
Na hinuhulugan ang pusong parati,?n~g tanang caniyang m~ga penitente,?n~g isang manin~gas na nasang malaki,t,?calualhatian n~g Dios na casi.
Sa di mabilang na pagcagaling-galing?n~g man~ga saliuang capalarang angkin,?parang tumatacbong bulag ang cahambing?sa capahamaca,t, ualang hangang lagim.
Namamagitan n~ga ay si Margarita,t,?siyang humahandog na magtiis siya,?dahilan sa gauang catacsilan nila?ang hirap sa Mundo ay di alintana.
Madalas sabihing aniya,i, Anác co?niyong Pan~ginoon nating Jesucristo,?aniya,i, di bagá napagmamasdan mo?ang lagay n~g lupang ito cung paano.
Tingnan mo,t, ang gracia ay binabayaran?niya, n~g malaking catampalasanan,?ang m~ga pag-ibig, niyong catamlayan?man~ga pagsiphayo,t, caalipustaan.
May man~ga asauang cusang humahandog?sa cahalayan n~gang cakilakilabot,?ang binata namang nagbibiling lubos?niyong calulua, sa camunting lugod.
Ang hiyas na taglay niyang calinisan?n~g man~ga binata,t, n~g may asaua man,?napabibihag sa ualang casaysayang?pagmamarikit na laking casiraan.
Na caugaliang batis niyong sama?niyong libolibong man~ga pagdaraya?at saca n~g m~ga casalanang paua?na sanhi n~g man~ga pagcapan~ganyaya.
Cung may naliligtas ditong man~ga ilan?sa bahang mabilis n~g gayong casamán,?napaalipin sa caparan~galanan?sa hamac na pitang man~ga capurihan.
At gayon din sa pag-dedevoción?at sa malimit man na pagtangap tuloy?niyong Sacramento ni Jesús na Poon?ay boong capacumbabaan ang ucol.
?Paano ang lagay cayang inaasal?n~g ibang may hauac niyong catungculan,?na hucom, na nagbibili n~g catuiran?at inaapi ang ualang casalanan.
O dahil sa suhol at pagsamong gaua?ó sanhi sa cayamanang di sapala,?n~g m~ga campon n~g sakim na adhica?na man~ga tauo n~gang hindi nahihiya.
Na maghandog niyong inciensong bulaan?na puring cunua sa may catungculan,?gayon din ang man~ga naghahanap-buhay?na di ginagauang hustong catuiran.
Saca yaong lahat nama,i, dinadaya?n~g upang macamtan ang anomang nasa?ang cabulaana,t, pagpapan~ganyaya?at man~ga paraang iba,t, ibang gaua.
Ang di nahahabag na sinoman siya?sa man~ga bao co at man~ga ulila?na ualang mag-ampon at saca bagcus pa?na cusang ginahis nilang tinalaga.
Tanang pag-aaring nan~gadayang lalo?sa canilang lalang na pagpapatubo??paanong ang lan~git caya,i, ibububo?ang gracia, sa man~ga tampalasang pusò?
Na di pansin yaong man~ga casalanan?loob ay matigas cung sa cabandayan?yao,i, isang moog na nacahahadlang?n~g sa Dios bagáng man~ga caáuaán.
Yaong man~ga yaman ó aring linupig?sa apong ulila pamangkin mang cahit,?maguing sa ibá ma,i, ibigay mong pilit?sa payapang landás nang di ca malihis.
At huag mo sanang ilicmo sa nasa?na icaw sa hindi iyo,i, magpasasa,?cung malinlang mo man ang iyong capua?ang Dios ay hindi mo na madadaya.
Masasarapang ca hangang guinugugol?yaong yamang hindi icáw ang nagtipon?subali,t, pagdating n~g tacdang panahon?icáw ang sa dalita naman ang tataghoy.
Ang iguinagalang na pantas mong isip?na ang lalong lico ay pinatutuid,?darating ang araw na ipag-susulit?sa Hucom na di ca macapaglilic-lic.
Diyata,t, sa gayo,i, natitiuasay ca,t,?ang huling darating ay di ala-ala,?ipinapalit mo sa munting ligaya?ang Lan~git na ualang catapusang saya.
Cung gayon ang iyong acala icaw?sa iyong sarili ay madarayaan,?ang camatayan mo,i, mabuti na lamang?cung di magtumuli,t, hacbang ay dumalang.
Sa cay Margarita,i, itong hinihiling?na iniluluhog nang boong dalan~gin,?nang macalilibo na liuanagan din?ang malabong isip, ito,i, siyang daing.
?Yaong man~ga aba na saliuang-palad?ikinahahambal niyang dili hamac,?yaong casalanang napag-tatalastas?na di pinapansin niyong man~ga sucab.
Ang hindi sa palang man~ga catacsilan?ay iguinaganting pinagbabayaran,?sa catauan niya,t, pinahihirapan?parang siyang tunay na may casalanan.
Sa guitna nang gayon napagpapasakit?sa sarili niya nang calupit-lupit,?na pagpaparusang cusang tinitiis?sa catauan niya nang calait-lait.
Tanang capaitan sa caniyang loob?at lalong masaclap na dusta,t, pag-ayop,?ay dinadakilang sa pusò ay taos?sa cay Jesucristo ay pag-sintang lubos.
Nagsasacdal siya sa icaaáliw?niyong Isang Reyna na ualang cahambing,?ualang bahid dun~gis at saca sa Angel?nating taga tanod ay idinadaing.
Ipinamamanhic sa magpacalin~ga?na Vírgen María na Iná nang aua,?sa tanang Angeles sa lan~git na madla?ay isinasamo nang boong pagluha.
Madaling pagdin~gig ay napagkilala?sa lahat nang man~ga carain~gan niya,?loob niya cung minsan ay binuhay pa?sa pag-papanayam at pagdalaw bagá.
Bucod dito,i, siya,i, pinagca-looban?nang Dios, nang graciang camahal-mahalan,?bagong Magdalena ang siyang cabagay?nang cay Margaritang biyayang kinamtan.
Sa pag-gaua niya nang man~ga himala?sa matining niyang pagpapacababá,?ayon sa caniyang matibay na nasa?na pagpapaualang halaga sa lupa.
Cailan~gang gauin sa harap n~g lahat?na maguing paraang
Continue reading on your phone by scaning this QR Code
Tip: The current page has been bookmarked automatically. If you wish to continue reading later, just open the
Dertz Homepage, and click on the 'continue reading' link at the bottom of the page.