Cahangahangang Buhay ni Santa Margarita de Cortona | Page 5

Cleto R. Ignacio
sa akin?ang gracia ay iyong catibayang kimkim,?huag sa sarili ay umasang tambing?ang nasang tagumpay nang upang tamuhin.
Sa cay Margaritang biyayang kinamtan?bilis nang pagtacbo niyong cabanalan,?sa landas lalo na,t, ang tucsong caauay?ay inuusig siya,i, bagcus tumatapang.
Cusang lumalalim yaong man~ga ugat?nang capacumbabaan n~gang hindi hamac,?lalong nahihilig at minamasarap?ang pula at caalipustaang lahat.
Sa hindi pagkibo niya,i, nagcatacá?sa lahat nang namamayan sa Cortona,?ibig niya,i, itapo,t, pagbatuhan siya?na ang ualang casing-sama ang capara.
Na catulad niyong sa Infierno galing?dan~gan ang Confesor ang nacapipiguil,?siyang humahadlang na di dapat gauin?ang nasa niyang yaong ibig na asalin.
Cundi pinupuing ang gayong adhica?na isang totoong pagpapacababa,?sa man~ga lansan~gan siya ay gagalang?may tali sa liig, at ilalathala.
Ang nan~gacaraan niyang pagcasinsay?at ang nan~ga gaua niyang casalanan,?upang matalastas nang lahat sa bayan?ang malabis niyang man~ga catacsilan.
Di cung magcagayo,i, huhulihin siya?cuculan~gin siya,t, doon isasama,?sa man~ga babayeng masamang talaga?na linalapatan nang man~ga parusa.
Ang dakilang yaong capacumbabaan?ni Margarita, ay kinuhang uliran,?ang caniyang laguing pag-gugunamgunam?nang cay Jesucristong man~ga cahirapan.
Sanhi n~ga sa ating na icagagaling?ay inalipusta,t, dinuahaguing tambing,?niyong man~ga Judio, n~guni,t, di pinansin?binatá at upang tayo ay sacupin.
Lalong sa loob niya ay nacabubuhay?yaong sa sariling pagninilay-nilay,?sa Vírgeng Ináng man~ga casakitan?sa nagdusang Anác na mapagpalayaw.
Na sinasacdalan nang boong pag-asa?sa anomang man~ga cailan~gan bagá,?isang araw nama,i, dinilidili niya?tanang cahirapang di suca,t, mabatá.
At dahil sa atin ay laking pag-ibig?ni Jesús, ang madlang dusa ay tiniis,?moli pang kinamtan ang tuang malabis?sa pagdalaw niyong Amáng na sa lan~git.
Noon hinatulang siya ay lumaan?sa cacabacahing man~ga cahirapan,?at lubhang marahas na caralitaan?ang daranasin mo hangang nabubuhay.
Tulad sa pagtunaw n~g guintong malinis?na dinadalisay ang uring malabis,?hangang may camunting dumi inaalis?nang upang tumaas ang mithing kilatis.
Dadalisayin n~ga n~gayon ang puso mo?nang pakikilaban sa dahas nang tucso,?catacuta,t, sákit ay laan sa iyo?gutom cauhaua,t, pagluhang totoo.
Cahubara,t, pag-iisa,t, pagpapasan?nang Cruz, ang iyong mapagdaranasan,?upang macapasoc sa calualhatian?ani Margarita, aco,i, nalalaan.
Naririto aco ó Pan~ginoong co?titiisi,t, alang-álang po sa iyo,?tunay cong pag-ibig ay cahit ang Mundo,i,?igauad sa aking hirap mang gaano.
?Dios co! ay sino ang tatangui caya?sa aking babathing man~ga paralita,?na di pa anino nang hirap mong madla?at dahil sa akin ay inalipusta.
Sa ganong pagdidilidiling mataman?nang ganitong hirap ay nanghihinapang,?at mapayapa niyang pinagtitiisan?ang pagcasiphayo,t, caalipustaan.
At si Margarita minsan ay pinuspos?nang isang babaye nang mura,t, pag-ayop,?na nacapagbigay nang masamang ayos?na halimbaua sa matáng nanonood.
Sa bagay na siya ay dapat lumaban?ikinatua nang caalimurahan,?at binigyan pa niya nang catuiran?ang guinauang yaong catampalasanan.
Gayon ma,i, ang ganti niyang iguinauad?sa sumirang puri na lubhang pan~gahas,?ay pinadalhan pa nang lalong marapat?na alay na doon sa cubo nagbuhat.
Capag nagdaramdam ang sarili niya?niyong sa babayeng guinauang pagmura,?na di catuiran ay caracaraca,i,?nagpipiguil itong mananahing Santa.
Minsan man ay hindi nasoc sa sarili?yaong pan~gun~gusap na paghihiganti,?at hindi ninasang bumigcas nang sabi?na laban sa gayong man~ga pagca-api.
Di nagpapakita nang tandang anoman?nang tungcol sa man~ga gauang cagalitan,?na sa pagbabata,i, maguing caculan~gan?at siyang totoong pinaglalabanan.
Tunay na sinupil niyang di sa palá?yaong sa catauang hilig na masama,?na laguing pinag-cacahirapang lubhá?yaong capurihang di ibig masira.
_Capitulo 6.°_
At cahima,t, gayong caayos ang asal?tunay na caniyang di pinararaan,?ang man~ga pagdulog sa lahat nang araw?na nagcucumpisal at nakikinabang.
Tanang camalian lalong maliliit?ó ang caculan~gan ay isinusulit,?marahil ang tauong hindi nag-iibig?nang ganoong gaua,i, magtatacang labis.
Dahil sa malimit na man~ga pag-tangap?niyong man~ga Santo Sacramentong uagas,?gayon cung magsabi yaong man~ga tamad?sa gauang magaling, matamlay gumanap.
Sa pagcucumpisal na laguing pag-dulog?sa confesonario na aua ang handog,?sa tauong may man~ga taimtim na loob?sa nin~gas nang nasang calugdan n~g Dios.
Sa pagkita niyong man~ga caculan~gan?agád hinahanap ang caliuanagan,?na di napupuna nang ibang ang layaw?sa Mundo, ang laguing na sa gunam-gunam.
N~guni,t, sa matibay ang sampalataya?ang confecio,i, taga pamatnugot nila,?siyang bumubuhay niyong calulua?nang macasalanan na patáy sa gracia.
Capakinaban~gan nila sa madalas?na pag-cucumpisal gracia,i, nag-dagdág,?at tinatalicdan yaong gauang linsad?at ang calooban ay napapanatag.
Sanhi sa pagtangap nang capatauaran?sa man~ga nagaua niyang casalanan,?at sa calulua,i, nag-ninin~gas naman?apóy nang pag-ibig na lalong dalisay.
Cung sa ating pusò naman ay mag-alab?ang buhay na sampalataya at uagas,?pananalig saca pag-ibig na tapat?ang calulua at gracia,i, matatangap.
At doon dudulog sa mahal na dulang?nang pagcain niyong mahal na tinapay,?nang man~ga Angeles, na di matimban~gan?yaong caáliua,t, pag-papahinapang.
Sa paglacad nila na pasan ang Cruz?sa mahal na piguing niyong mananacop,?nagbibigay lacas at sigla nang loob?nang sa Mundo,i, bilang nilang pagtalicod.
Cusang paghahandog sa Dios na Amá?nang pagca-totoong man~ga lingcod sila,?at sa canin~gasa,i, lubos ang pag-asa?sa dibdib, nang nasà sa tuituina.
Na sa balang oras ay laguing tangapin?si Jesús, sa Hostiang doo,i, nahabilin,?at manaca-nacang iniuurong din?ang pag-cocomunio,t, ala-ala dahil.
Ang di n~ga carapat-dapat magpatuloy?sa caniyang pusò, yaong Pan~ginoon,?na ang camahalan ay ualang caucol?nang calac-ha,t, ualang capantay na dunong.
Sa pakikibacang capacumbabaan?at yaong malaki niyang cagutuman,?sa pagcain nang camahal-mahalang?Maná, ang totoong ikinahahambal.
Cung minsa,i, totoong mahigpit na lubha?ang loob, at sanhi nang ilinuluha,?nang di cacaunti at lubhang sagana?n~guni at inaliw nang Poong dakila.
Na huag matacot ó Anác cong hirang?at huag lumayo sa laang cong dulang,?sinomang tutun~go ditó,i, nag-tataglay?nang dakila,t, ucol bagáng calinisan.
Sa camahal-mahalan n~gang Sacramento?n~guni,t, ganap naman ang calinisan mo,?ay natatacot ca,t, ang dahila,i, ?ano?sa ualang sakit ay anhin ang médico?
Cundi sa talaga na may man~ga damdam?doon ang médico,i, kinacailan~gan,?sa piguing n~g man~ga Angeles na tunay?ang totoong
Continue reading on your phone by scaning this QR Code

 / 16
Tip: The current page has been bookmarked automatically. If you wish to continue reading later, just open the Dertz Homepage, and click on the 'continue reading' link at the bottom of the page.