macahihicayat,?camay sa may sakit ay naguiguing lunas?na capagnahipo,i, gumagaling agád.
Gayon ma,i, di siya pinaghihirapan?n~g nan~gagnanasa capagnadain~gan,?tungcol sa alin mang gauang caauaa,t,?di han~gad gantihin n~g anomang bagay.
Bagcus dumadalo na caracaraca?sa may cailan~gan na sinoman siya,?sa capua tauo,t, cagalin~gan niya?at capayapaa,i, linilisan muna.
_Capitulo 7.°_
Dalauampu,t, tatlong taón ding guinanap?ang pagsasanay sa pagpapacahirap,?at pananalan~gi,t, pag-ibig na uagas?ni Margarita, sa tumubos sa lahat.
At iba,t, iba pang man~ga cabanalan,?na icararapat sa Poong lumalang,?sarisaring gauang cagandahang asal?na siyang totoong tunay na uliran.
Upang ipahayag yaong nalalapit?n~g araw na dito sa Mundo,i, pag-alis,?at n~g salubun~gin n~g nan~gapipiit?sa purgario,t, mahan~go sa sakit.
Dahil sa hirap at pag-pepenitencia?at pananalan~gin sa tuituina?at man~ga pagluhog sa Dios na Amá?bilang bayad doon sa canilang dusa:
Sa pagmamasakit na hindi cauasa?sa iguiguinhauang tunay niyong madla?niyong m~ga caluluang pinagpala?sa icacacauas ay handog na paua.
Nang natitira pang casalanang bahid?ay binabayaran niya n~g pasakit?n~g minsa,i, tatlong buhay na napatid?na idinadalan~gin sa Dios sa Lan~git.
Yao,i, di nag-iuan n~g mabuting tanda?na sila ay napacagaling na cusa,?ay naguing dapat ding siya,i, pakingan n~ga?ni Jesús, at tuloy ipinaunaua.
Na ang calulua n~g tatlong namatay?uala sa Infierno,t, nagtitiis lamang,?n~g ban~gis n~g madlang man~ga cahirapan?ayon sa mabuting man~ga cahatulan.
At dahil sa Hucom na lubhang matuid?saca sa pagdalaw n~g man~ga Angeles,?halos ualang sucat icaásang labis?sa icagagaling na canilang nais.
N~guni, sa pan~gahas na man~ga acala,?niyong man~ga tauo na nan~gabibigla?ay na sa Infierno ang canilang haca?na hinahatulan agad yaong capua.
Sa bagay talos nang man~ga cahirapan?n~g nan~gapipiit sa calumbaylumbay,?na sinasapit nang na sa bilanguan?na dusa, sa gaua nilang casalanan.
Maipahayag na sa caniyang matapos?n~g lubhang dakilang mahabaguing Dios?ay totoo niya na ikinalugod?ang gayong balitang caniyang natalos.
At saca muli pang idinaing nito?ang man~ga capalamarahan nang tauo,?dahil sa casamán nilang di gaano?ang hampas sa bayan ay ibinubunto.
Para bagá bilang na napipilitan?yaong pagbulusoc n~g casacunaan,?at ayaw umulat nang nan~gamamayan?ang matá, sa samang dapat na ilagan.
Niyong masabi na sa cay Margarita?ang tantong mapalad na pagpanaw niya,?sa Mundo, ay tunay na nanghihina na?sa higpit nang man~ga pag-pepenitencia.
Yaong natutupoc mandin ang cauan~gis?sa alab n~g apoy n~g laking pag-ibig?may maliuanag man siyang nalilirip?niyong cagalin~gan niyang ninanais.
Hindi dahil dito ay pinabayaan?ang man~ga pag-gaua niyong cabanalan,?yaong paghahanda at naaalaman?ang catacot-tacot na huling pagpanaw.
Tinangap na hindi sucat na masayod?nang cataimtiman sa caniyang loob,?ang biático n~gang casantusang lubos?nitong bunying Santang catoto n~g Dios.
At sa loob niyong labing-pitong araw?ay ualang kinain na cahit anoman,?at ang ikinabubusog niya lamang?ay ang sa Lan~git na man~ga caaliuan.
Na umaápaw sa caniyang calulua?sa pagca-talastas na nalalapit na,?yaong cauacasan niyong buhay niya,t,?tutun~go cay Jesús niyang sinisinta.
At magpasaualang hanga,i, matatamo?sa labi ay ualang bigcas cundi ito,?man~ga pakiusap na di mamagcano?sa camahal-mahalan niyang Esposo.
Yaong maicli n~gang man~ga panalan~gin?na madagabdab na apóy ang cahambing,?sa caniyang pusò ay di nagmamaliw?ni camunting oras ay di nagtitiguil.
Araw na ica dalauang pu,t, dalaua?nang Febrero,t, taóng isang libo,t, saca?dalauang daa,t, siyam na pu,t, pito pa?ay sa Santo Cristo,i, nacayacap siya.
Na nacadaiti ang labi sa mahal?na sugat n~ga bagang na sa taguiliran,?inihahabilin sa ualang capantay?na Dios, ang calulua niyang papanaw.
Noo,i, apat na pu,t, ualong taón siya?dalauang pu,t, apat na nag-penitencia,?may nag-sasabi na ang Anác niya?ay naguing banal din na Religioso pa.
Doon din sa Orden na cay S. Francisco?na huli sa Iná na namatáy ito,?n~guni,t, nang oras na pumanaw sa Mundo?ang buhay nang Santa,i, nakitang totoo.
Nang isang dakila na lingcod nang Dios?na ang calulua,i, umakyat na lubos,?sa bayang lualhating ualang pagcatapos?madlang calulua ang nacalilibot.
Sa pag-tatagumpay ay nan~gagsasaya?at sa purgatorio,i, nacalabas sila,?n~guni,t, yaong bangcáy nang mahal na Santa?ay gumandang lalo cay sa n~g buhay pa.
Humahalimuyac ang labis na ban~go?na naca-aáliw sa nacasasamyo,?caloob nang Dios ang dan~gal na ito?sa bangcay nang nagpacahirap sa Mundo.
Na sinagaua nang man~ga penitencia?nang pula,t, paglait dusta at pagmura,?cusang sinagasa,t, di inalintana?ang lahat na yao,t, niualang halaga.
Bahagya na lamang pumasoc sa Ciudad?ang balita niyong camatayang uagas,?n~g malualhati na Santang mapalad?gayong di mabilang ang nan~gacamalas.
Sarisaring tauo ang nan~gagsidalaw?pagbibigay galang sa mahal na bangcay,?niyong maralitang mananahi,t, bilang?pagpapahalaga na dakilang tunay.
Niyong cabanala,t, sa di gagaano?na pagcacatipon n~g maraming tauo,?binabantayan n~ga ang cabaong nito?sa pagsisicsican n~g nagsisidalo.
Upang mahadlan~gan yaong pan~gan~gahas?nang nagnanacaw nang mithing Relikias,?at saca canilang sinootang agad?ang bangcay nang damit na pula ang bicas.
Ipinag-procesión sa man~ga lansan~gan?sa Ciudad, sa lalong hayag n~gang daan,?at ilinagac sa loob nang Simbahan?ni S. Basilio sa bagong libin~gan.
Ang man~ga casamang nan~gag-libing dito,t,?lahat nang Clerigo,t, man~ga Religioso,?gayon din ang lahat nang man~ga guinoo?doon sa Cortona, at dakilang tauo.
Macaraan naman ang may ilang taón?ay itinago sa Simbahan din yaón,?sa isang maran~gal na capilla ucol?sa mahal na Santa,t, saca n~g manoynoy.
Niyong Santo Papang si León Décimo?ang man~ga himalang dakilang totoo,?na pamamag-itan sa maraming tauo?sa Dios, nang Santang lubhang masaclolo.
Lalo pa n~ga niyong caniyang mamasdan?na di nabubuloc ang mahal na bangcay?magpahanga n~gayon cahit nacaraan?ang bilang nang taóng higuit pitong daan.
Umayon sa galang na handog sa caniya,t,?tinulutan naman ang taga Cortona,?na ipinagdiuang ang caniyang fiesta?doon sa Ciudad nang puspos na saya.
Cay Papa Urbano Octavong utos din?na ilaganap cay S. Franciscong Orden,?sinulat nang taong isang libo,t, anim?na raa,t, dalauang pu,t, apat ang turing.
Na catunayan n~gang na sa casulatan?sa man~ga beato,i, ipinakibilang,?saca sa
Continue reading on your phone by scaning this QR Code
Tip: The current page has been bookmarked automatically. If you wish to continue reading later, just open the
Dertz Homepage, and click on the 'continue reading' link at the bottom of the page.