na pumanaw sa Mundo
ang buhay nang Santa,i,
nakitang totoo.
Nang isang dakila na lingcod nang Dios
na ang calulua,i, umakyat na
lubos,
sa bayang lualhating ualang pagcatapos
madlang calulua ang
nacalilibot.
Sa pag-tatagumpay ay nan~gagsasaya
at sa purgatorio,i, nacalabas
sila,
n~guni,t, yaong bangcáy nang mahal na Santa
ay gumandang
lalo cay sa n~g buhay pa.
Humahalimuyac ang labis na ban~go
na naca-aáliw sa nacasasamyo,
caloob nang Dios ang dan~gal na ito
sa bangcay nang
nagpacahirap sa Mundo.
Na sinagaua nang man~ga penitencia
nang pula,t, paglait dusta at
pagmura,
cusang sinagasa,t, di inalintana
ang lahat na yao,t,
niualang halaga.
Bahagya na lamang pumasoc sa Ciudad
ang balita niyong
camatayang uagas,
n~g malualhati na Santang mapalad
gayong di
mabilang ang nan~gacamalas.
Sarisaring tauo ang nan~gagsidalaw
pagbibigay galang sa mahal na
bangcay,
niyong maralitang mananahi,t, bilang
pagpapahalaga na
dakilang tunay.
Niyong cabanala,t, sa di gagaano
na pagcacatipon n~g maraming tauo,
binabantayan n~ga ang cabaong nito
sa pagsisicsican n~g
nagsisidalo.
Upang mahadlan~gan yaong pan~gan~gahas
nang nagnanacaw nang
mithing Relikias,
at saca canilang sinootang agad
ang bangcay nang
damit na pula ang bicas.
Ipinag-procesión sa man~ga lansan~gan
sa Ciudad, sa lalong hayag
n~gang daan,
at ilinagac sa loob nang Simbahan
ni S. Basilio sa
bagong libin~gan.
Ang man~ga casamang nan~gag-libing dito,t,
lahat nang Clerigo,t,
man~ga Religioso,
gayon din ang lahat nang man~ga guinoo
doon
sa Cortona, at dakilang tauo.
Macaraan naman ang may ilang taón
ay itinago sa Simbahan din yaón,
sa isang maran~gal na capilla ucol
sa mahal na Santa,t, saca n~g
manoynoy.
Niyong Santo Papang si León Décimo
ang man~ga himalang
dakilang totoo,
na pamamag-itan sa maraming tauo
sa Dios, nang
Santang lubhang masaclolo.
Lalo pa n~ga niyong caniyang mamasdan
na di nabubuloc ang mahal
na bangcay
magpahanga n~gayon cahit nacaraan
ang bilang nang
taóng higuit pitong daan.
Umayon sa galang na handog sa caniya,t,
tinulutan naman ang taga
Cortona,
na ipinagdiuang ang caniyang fiesta
doon sa Ciudad nang
puspos na saya.
Cay Papa Urbano Octavong utos din
na ilaganap cay S. Franciscong
Orden,
sinulat nang taong isang libo,t, anim
na raa,t, dalauang pu,t,
apat ang turing.
Na catunayan n~gang na sa casulatan
sa man~ga beato,i,
ipinakibilang,
saca sa man~ga malualhating banal
itong mananahi
na Santang maran~gal.
Ang Santo Papa Benidicto Tercero
ipinag-utos na ipagdiuang dito,
n~g Santa Iglesia nitong boong Mundo
sa kinabucasan nang
pagpanaw nito.
Iniin~gatan n~ga n~g puspos na galang
ang di nabubuloc na caniyang
catauan
sa kinalalagyang mahal na Simbahan,
niyong man~ga
Pareng Franciscanong tanan.
Tauag nang Simbahan ay binago nila
na cay S. Basilio ang n~galan
nang una,
n~gayo,i, inihayag ang Simbahan bagáng
sa babayeng
bunying Santa Margarita.
Ito n~ga ang siyang dinaanang buhay
nang babayeng hayag na
macasalanan,
na iniuan yaong man~ga casamaan
at hinarap yaong
man~ga cabanalan.
Gaya nang palaguing caniyang uicain
na inuugali tuing dumaraing,
sa cay Jesucristong Pan~ginoon natin
nang pagpapakitang loob na
magaling.
Pan~ginoon aniya,t, Ama cong mahal
bakit ipinayag mo po caya
naman,
sa isang gaya co na macasalanan
ang cahan~gahan~ga na
cababalaghan.
At iba pang bagay na calooban mo
naririn~gig naman ang sagot na
ito,
niyong Pan~ginoong nating Jesucristo
cahalimbaua icaw nang
lambat co.
Na ipanghuhuli nang macasalanan
na nan~gahihilig sa man~ga
casamán,
na lumilipana sa Mundong ibabaw
at nan~gag-uaualang
bahala sa buhay.
Huag cang manimdim at lubhang marami
ang macasalanan na
nan~gag-sisisi,
nag-pepenitencia cung madilidili
ito,i, calooban
cong biyayang malaki.
Di dapat na ipag-caloob sa iyo
cundan~gan siya cong sinusunod dito,
yaong mataimtim na pag-sisisi mo
lahat namang ito ay naguing
totoo.
Na ibinibigcas sa bibig na mahal
ni Jesús na Poong sumacop sa tanan,
na nagcacaloob nang lahat nang bagay,
sa ating ovejang canyang
kinapal.
At ito n~gang lubhang marikit na lambat
na siyang sa atin ay
humuling cagyat,
sa dalampasiga,i, hangang sa masadsad
nang
isang magandang pag-sisising uagas.
Sa dakilang pag-babalic loob natin
nang tayo,i, caniyang papaguing
dapatin,
magtamong graciang ualang pagmamaliw
gaya nang
caloob sa Santang butihin.
Niyong Amáng Dios na ualang capantay
na lubos ang aua sa tanang
kinapal,
at si Margarita ang ating tularan
tan~gisang ang ating sala,t,
pag-sisihan.
Ipagmaca-aua natin at iluhog
nang buong capacumbabaan cay Jesús,
sa pamamag-itan tayo ay sumunod
sa cay Margarita na magbalic
loob.
¡Oh malualhating Santa Margarita
na sa penitenteng naguing huarang
ca,
sa macasalana,i, ulirang talaga,t,
caáliuang lagui sa tuitui na.
Liniuanagan n~g tunay niyang ilaw
ipinagpighati mo pa,t,
tinan~gisan,
ang lahat n~g iyong man~ga casalanan
na naguing
dapat cang pinagpakitaan.
Ni Jesús na Amá at ipinahayag
di mamacailan na ipinatauad
ang
man~ga sala mong lubhang mabibigat
n~g boong, capacumbabaang
di hamac.
At sa madalas mong pag-pepenitencia,i,
laguing dinadalaw na inaaliw
ca,
n~g Esposong lubhang maauaing Amá
sa iyo,i, ipinagcatiualang
sadya.
Yaong matataas na lihim n~g Lan~git
at minarapat cang lambat na
guinamit
humulili n~g calulua at naghatid
niyong pagsisisi at
panunumbalic.
Nangloob, na hilig sa pagcacasala
caya n~ga bunying malualhating
Santa,
na tan~ging cay Jesús na iniibig ca,t,
calacasang lubos n~g
man~ga sa sala.
Tanang penitente icaw ang uliran
caya lumuluhod sa iyong paanan,
nagmamacaaua na ipamagitan
sa Dios, at upang gracia,i, aming
camtan.
Nang makilala co,t, tan~gisang palagui
ang casalanang co,t,
nan~gagauang saui,
at macatindig din sa pagcalugami
sa daya n~g
Mundo at pagcacamali.
Madin~gig co yaong iyong napakingan
n~g lubos na igauad ang
capatauaran,
sa lahat n~g aking gauang catacsila,t,
aco,i, magcaroon
n~g capayapaan.
Ang nagpipighati na calulua co
ipagmacaamo n~gayong iluhog mo,
sa iyong caibig-ibig na Esposo,t,
sugatang gaya n~g pagsugat sa
iyo.
Paglampasan niyong totoong palaso
at boong pag-ibig niyaring aking
puso,
at huag manaig ang anomang anyo
cundi ang sa iyo,i, lubos
na pagsuyo.
At yayamang n~gayon ay napapahamac
yaring cahinaa,i, upang
magcapalad
na mag-penitencia,t, sa iyo,i, tumulad
magsisi,t, ang
Lan~git n~g aming matuclas.
Di cung
Continue reading on your phone by scaning this QR Code
Tip: The current page has been bookmarked automatically. If you wish to continue reading later, just open the
Dertz Homepage, and click on the 'continue reading' link at the bottom of the page.