Cahangahangang Buhay ni Santa Margarita de Cortona | Page 7

Cleto R. Ignacio
ay hindi mo na
madadaya.
Masasarapang ca hangang guinugugol
yaong yamang hindi icáw ang
nagtipon
subali,t, pagdating n~g tacdang panahon
icáw ang sa dalita
naman ang tataghoy.
Ang iguinagalang na pantas mong isip
na ang lalong lico ay
pinatutuid,
darating ang araw na ipag-susulit
sa Hucom na di ca
macapaglilic-lic.
Diyata,t, sa gayo,i, natitiuasay ca,t,
ang huling darating ay di ala-ala,

ipinapalit mo sa munting ligaya
ang Lan~git na ualang catapusang
saya.
Cung gayon ang iyong acala icaw
sa iyong sarili ay madarayaan,

ang camatayan mo,i, mabuti na lamang
cung di magtumuli,t, hacbang
ay dumalang.
Sa cay Margarita,i, itong hinihiling
na iniluluhog nang boong
dalan~gin,
nang macalilibo na liuanagan din
ang malabong isip,
ito,i, siyang daing.
¡Yaong man~ga aba na saliuang-palad
ikinahahambal niyang dili
hamac,
yaong casalanang napag-tatalastas
na di pinapansin niyong
man~ga sucab.
Ang hindi sa palang man~ga catacsilan
ay iguinaganting
pinagbabayaran,
sa catauan niya,t, pinahihirapan
parang siyang
tunay na may casalanan.

Sa guitna nang gayon napagpapasakit
sa sarili niya nang calupit-lupit,

na pagpaparusang cusang tinitiis
sa catauan niya nang calait-lait.
Tanang capaitan sa caniyang loob
at lalong masaclap na dusta,t,
pag-ayop,
ay dinadakilang sa pusò ay taos
sa cay Jesucristo ay
pag-sintang lubos.
Nagsasacdal siya sa icaaáliw
niyong Isang Reyna na ualang
cahambing,
ualang bahid dun~gis at saca sa Angel
nating taga
tanod ay idinadaing.
Ipinamamanhic sa magpacalin~ga
na Vírgen María na Iná nang aua,

sa tanang Angeles sa lan~git na madla
ay isinasamo nang boong
pagluha.
Madaling pagdin~gig ay napagkilala
sa lahat nang man~ga
carain~gan niya,
loob niya cung minsan ay binuhay pa
sa
pag-papanayam at pagdalaw bagá.
Bucod dito,i, siya,i, pinagca-looban
nang Dios, nang graciang
camahal-mahalan,
bagong Magdalena ang siyang cabagay
nang cay
Margaritang biyayang kinamtan.
Sa pag-gaua niya nang man~ga himala
sa matining niyang
pagpapacababá,
ayon sa caniyang matibay na nasa
na
pagpapaualang halaga sa lupa.
Cailan~gang gauin sa harap n~g lahat
na maguing paraang
macahihicayat,
camay sa may sakit ay naguiguing lunas
na
capagnahipo,i, gumagaling agád.
Gayon ma,i, di siya pinaghihirapan
n~g nan~gagnanasa
capagnadain~gan,
tungcol sa alin mang gauang caauaa,t,
di
han~gad gantihin n~g anomang bagay.
Bagcus dumadalo na caracaraca
sa may cailan~gan na sinoman siya,


sa capua tauo,t, cagalin~gan niya
at capayapaa,i, linilisan muna.
_Capitulo 7.°_
Dalauampu,t, tatlong taón ding guinanap
ang pagsasanay sa
pagpapacahirap,
at pananalan~gi,t, pag-ibig na uagas
ni Margarita,
sa tumubos sa lahat.
At iba,t, iba pang man~ga cabanalan,
na icararapat sa Poong
lumalang,
sarisaring gauang cagandahang asal
na siyang totoong
tunay na uliran.
Upang ipahayag yaong nalalapit
n~g araw na dito sa Mundo,i,
pag-alis,
at n~g salubun~gin n~g nan~gapipiit
sa purgario,t,
mahan~go sa sakit.
Dahil sa hirap at pag-pepenitencia
at pananalan~gin sa tuituina
at
man~ga pagluhog sa Dios na Amá
bilang bayad doon sa canilang
dusa:
Sa pagmamasakit na hindi cauasa
sa iguiguinhauang tunay niyong
madla
niyong m~ga caluluang pinagpala
sa icacacauas ay handog
na paua.
Nang natitira pang casalanang bahid
ay binabayaran niya n~g pasakit

n~g minsa,i, tatlong buhay na napatid
na idinadalan~gin sa Dios sa
Lan~git.
Yao,i, di nag-iuan n~g mabuting tanda
na sila ay napacagaling na
cusa,
ay naguing dapat ding siya,i, pakingan n~ga
ni Jesús, at tuloy
ipinaunaua.
Na ang calulua n~g tatlong namatay
uala sa Infierno,t, nagtitiis
lamang,
n~g ban~gis n~g madlang man~ga cahirapan
ayon sa
mabuting man~ga cahatulan.

At dahil sa Hucom na lubhang matuid
saca sa pagdalaw n~g man~ga
Angeles,
halos ualang sucat icaásang labis
sa icagagaling na
canilang nais.
N~guni, sa pan~gahas na man~ga acala,
niyong man~ga tauo na
nan~gabibigla
ay na sa Infierno ang canilang haca
na hinahatulan
agad yaong capua.
Sa bagay talos nang man~ga cahirapan
n~g nan~gapipiit sa
calumbaylumbay,
na sinasapit nang na sa bilanguan
na dusa, sa
gaua nilang casalanan.
Maipahayag na sa caniyang matapos
n~g lubhang dakilang
mahabaguing Dios
ay totoo niya na ikinalugod
ang gayong balitang
caniyang natalos.
At saca muli pang idinaing nito
ang man~ga capalamarahan nang
tauo,
dahil sa casamán nilang di gaano
ang hampas sa bayan ay
ibinubunto.
Para bagá bilang na napipilitan
yaong pagbulusoc n~g casacunaan,

at ayaw umulat nang nan~gamamayan
ang matá, sa samang dapat na
ilagan.
Niyong masabi na sa cay Margarita
ang tantong mapalad na
pagpanaw niya,
sa Mundo, ay tunay na nanghihina na
sa higpit
nang man~ga pag-pepenitencia.
Yaong natutupoc mandin ang cauan~gis
sa alab n~g apoy n~g laking
pag-ibig
may maliuanag man siyang nalilirip
niyong cagalin~gan
niyang ninanais.
Hindi dahil dito ay pinabayaan
ang man~ga pag-gaua niyong
cabanalan,
yaong paghahanda at naaalaman
ang catacot-tacot na
huling pagpanaw.

Tinangap na hindi sucat na masayod
nang cataimtiman sa caniyang
loob,
ang biático n~gang casantusang lubos
nitong bunying Santang
catoto n~g Dios.
At sa loob niyong labing-pitong araw
ay ualang kinain na cahit
anoman,
at ang ikinabubusog niya lamang
ay ang sa Lan~git na
man~ga caaliuan.
Na umaápaw sa caniyang calulua
sa pagca-talastas na nalalapit na,

yaong cauacasan niyong buhay niya,t,
tutun~go cay Jesús niyang
sinisinta.
At magpasaualang hanga,i, matatamo
sa labi ay ualang bigcas cundi
ito,
man~ga pakiusap na di mamagcano
sa camahal-mahalan niyang
Esposo.
Yaong maicli n~gang man~ga panalan~gin
na madagabdab na apóy
ang cahambing,
sa caniyang pusò ay di nagmamaliw
ni camunting
oras ay di nagtitiguil.
Araw na ica dalauang pu,t, dalaua
nang Febrero,t, taóng isang libo,t,
saca
dalauang daa,t, siyam na pu,t, pito pa
ay sa Santo Cristo,i,
nacayacap siya.
Na nacadaiti ang labi sa mahal
na sugat n~ga bagang na sa taguiliran,

inihahabilin sa ualang capantay
na Dios, ang calulua niyang
papanaw.
Noo,i, apat na pu,t, ualong taón siya
dalauang pu,t, apat na
nag-penitencia,
may nag-sasabi na ang Anác niya
ay naguing banal
din na Religioso pa.
Doon din sa Orden na cay S. Francisco
na huli sa Iná na namatáy ito,

n~guni,t, nang oras
Continue reading on your phone by scaning this QR Code

 / 16
Tip: The current page has been bookmarked automatically. If you wish to continue reading later, just open the Dertz Homepage, and click on the 'continue reading' link at the bottom of the page.