magcagayon ay macaaasa
caming maliligtas sa bilis n~g
dusa,
cung cami,i, matuto na man~gagsigaya
sa guinaua niyong
Santa Margarita.
=BUHAY NANG MARTIRES=
Ang lalong mabuti sanang uliranin
n~g m~ga dalaga ay ang limang
Martir,
na minatamis pang buhay ay nakitil
main~gatan lamang
yaong pagca Vírgen.
Sasalaysaying co n~gayong isa isa
ang pinagdaanang man~ga buhay
nila,
n~guni at ang aking sasaysaying una,i,
ang pag-mamartir ni
Santa Dorotea.
Bantog sa Ciudad yaong cagandahan
niyong Cesarea, at sa cabaitan,
cagandahang yaon ang naguing dahilan
n~g calunos-lunos niyang
camatayan.
Manang isang araw ay tinauag ito
nang Hucom na nagn~ganlang si
Apricio,
at hinicayat siyang di mamagcano
na siya,i, sumamba sa
man~ga Idolo.
Pagca,t, ang uica niya,i, isang caululan
ang gauang pag-samba n~g
man~ga binyagan,
doon n~ga sa isang tauong hamac lamang
na
nag-caroon nang laking casalanan.
Caya n~ga at ipinaco siya sa Cruz
na pinarusahan nang man~ga
Judios,
cay Santa Dorotea n~gang isinagot
ay si Jesucristo ang
totoong Dios.
Sa Lupa at Lan~git siya,i, Haring tambing
na dapat igalang natin at
sambahin,
cung caya ang dusa ay dahil sa atin
nang tayo,i, matubos
sa pagca-alipin.
Ang sa cay Apriciong guinaua pagdaca
tinauag si Crista,t, saca si
Calista,
man~ga babayeng tumalicod sila
sa totoong Dios nang
sampalataya.
Na cay Doroteang capua capatid
at inihabiling himuking mapilit,
ang naturang Virgen at upang maákit
na siya,i, sumamba sa man~ga
Dioses.
Datapua,t, tunay na nasayang lamang
yaong capagalan nang dalauang
hunghang,
sa pagca at sila,i, siya pang naácay
sa pag-sisisi at
pagbabagong buhay.
Caya,t, ang guinaua nang lubhang malupit
na Hucom ay pinahubaran
nang damit,
si Santa Dorotea sa laking galit
at ipinag-utos nang
labis at higpit.
Na dictan ang caniyang boong catauan
niyong linapad na man~ga
tanso,t, bacal,
na man~ga binaga,t, upang mahirapan
at cung
matapos na ay saca pugutan.
Yaong Martir namang si S. Teopilo
dating caáuay nang man~ga
cristiano,
doon sa Hucoman ay palagui ito
sa dahilang siya,i, isang
Abogado.
Pagca,t, lubos niyang kinatutuaan
cung may isusumbong na
pagbibintan~gan,
na cahima,t, sinong man~ga bininyagan
at inaari
niya na isang aliuan.
Caya,t, ang sinabi na narin~gig niya
sa Hucom, niyong si Santa
Dorotea,
na di nauaualan cailan man bagá
nang man~ga sariuang
bulac-lac at bunga.
Sa halamanan nang caniyang Esposo
sa lualhating bayang Paraizo,
ang nasoc sa isip n~ga ni Teopilo
ay sa paglacad ay salubun~gin nito.
Ang Vírgeng mapalad na si Dorotea
caya n~ga noong ilinalacad na,
sa pag-pupuguta,i, ihahatid siya
sinalubong naman na caracaraca.
Inaglahi na niyang lubos na tinuyá
at pinag-bilinan pa niya conoua,
na padalhan siya nang ibinalita
na bun~ga,i, bulac-lac na man~ga
sariua.
Ang sabing birong uala sa loob niya
at pagpalibhasa lamang na talaga,
ang pagmamartir ni Santa Dorotea
na tinangap naman ay nang
matapos na.
Niyong oras din n~gang sinasaysay naman
ni Teopilo, sa ilang
caibigan,
ang biling bulac-lac at bun~gang halaman
na
ipinan~gacong siya,i, padadalhan.
Ay nagtatauanan silang para-para
ualang ano ano,i, nacakita sila,
niyong isang batang lalaking maganda
sa cay Teopilo,i, lumapit
pagdaca.
Siya ay binigyan nang tatlong manzanas
na sa isang san~ga
nabibiting lahat,
saca tatlo naman nang sariuang rosas
na
cahan~ga-han~ga sa matáng mamalas.
Tuloy na sinabi naman sa caniya
yaon n~ga ang bilin niyang ipadala,
sa minartir na si Santa Dorotea
at biglang nauala naman capagdaca.
Nagtacá si Teopilong hindi hamac
yayamang caniyang napagtalastas
na sa man~ga araw na yao,i, di dapat
na mamun~ga yaong
halamang manzanas.
At ang man~ga rosa,i, di capanahunang
magsipamulac-lac ayon sa
dahilan,
na noo,i, panahong laking calamigan
caya lubos siyang
nagulumihanan.
Pinagcalooban din siya nang Dios
nang bisa nang gracia na icatatalos,
na Dios n~gang tunay si Cristong sumacop
sa salang minana
nitong Sansinucob.
Ipinagsigauan na n~ga ni Teopilo
na siya,i, totoong tunay na cristiano,
humarap sa Hucom at sinabi dito
hangang sa minartir siyang
naguing Santo.
Caya at siya rin nama,i, nacasama
nang Martir na si Santa Dorotea,
at kinamtan ang lualhating gloria
na bayan nang madlang tua at
guinhaua.
=STA. CATALINA MARTIR=
Si Santa Catalina Martir ay Anác
nang mahal na tauo sa nasabing
Ciudad,
sa Alejandría ay siya,i, namulat
sa man~ga Idolo nang
pagsambang ganap.
N~guni at pinaturuan naman siya
na magaling nang caniyang Amá,t,
Iná,
madaling natuto niyong iba,t, ibang
man~ga carunun~ga,t,
lubhang na bihasa.
Linoob nang Dios siyang liuanagan
nang gracia niyang
camahal-mahalan
nakilala niya ang catotohanan
na si Jesucristo ay
Dios na tunay.
At ualang aral na matuid na puspos
cundi ang lahat nang man~ga
sinusunod,
nang man~ga cristiano caya,t, tumalicod
sa Idolo,t,
siya,i, nagbinyagang lubos.
Nang macaraan nang man~ga ilang araw
sa pagtulog niya,i, napakita
naman,
yaong Pan~ginoong Jesucristong mahal
at Vírgen Maríang
cabanal-banalan.
Casama ang madlang maraming Angeles
na sinootan siya ang
napanaguinip,
nang isang singsing at n~ginalanang tikis
na Esposa
niyong Pan~ginoong ibig.
At nakita niya nang siya,i, maguising
sa isang daliri ang nasabing
singsing,
magmula na noo,i, nag-alab na tambing
sa caniyang
pusong pag-ibig na angkin.
Sa Dios, at di na sa bibig naualay
ang Jesús na n~galang
catamistamisan,
at uala n~ga cundi si Jesús na lamang
sa hinin~ga
niyang pinagbubuntuhan.
Caniyang pinag-nanasa ang malabis
na makita niya ang Dios sa
lan~git,
at yaon ang siyang ikinasasabic
na muntima,i, hindi
maualay sa isip.
Mana,i, nagpatauag nang panahong ito
ang Emperador na si
Maximiano,
na balang binyagang cahiman at sino
talicdan ang Dios
nang man~ga cristiano.
Sa dagling panaho,t, ang balang sumuay
ay magsihanda na,t, sila,i,
mamamatáy,
sumunod sa utos niyong napakingan
si Catalina
n~gang babayeng maran~gal.
Caya,t, ang guinaua ay cusang humarap
sa Emperador at ang
ipinahayag,
ay binyagan siya na cusang tatangap
niyong camatayan
sa Ley ay atas.
Ang Emperador ay cusang natiguilan
pagca,t, tila manding
naálang-alang,
ang malabis niyang man~ga calupitan
doon sa
dalagang puspos carunun~gan.
Bakit kilala
Continue reading on your phone by scaning this QR Code
Tip: The current page has been bookmarked automatically. If you wish to continue reading later, just open the
Dertz Homepage, and click on the 'continue reading' link at the bottom of the page.