Cahangahangang Buhay ni Santa Margarita de Cortona | Page 6

Cleto R. Ignacio
sa pagtangap nang capatauaran
sa man~ga nagaua niyang
casalanan,
at sa calulua,i, nag-ninin~gas naman
apóy nang pag-ibig
na lalong dalisay.
Cung sa ating pusò naman ay mag-alab
ang buhay na sampalataya at
uagas,
pananalig saca pag-ibig na tapat
ang calulua at gracia,i,
matatangap.
At doon dudulog sa mahal na dulang
nang pagcain niyong mahal na
tinapay,
nang man~ga Angeles, na di matimban~gan
yaong
caáliua,t, pag-papahinapang.
Sa paglacad nila na pasan ang Cruz
sa mahal na piguing niyong
mananacop,
nagbibigay lacas at sigla nang loob
nang sa Mundo,i,
bilang nilang pagtalicod.
Cusang paghahandog sa Dios na Amá
nang pagca-totoong man~ga
lingcod sila,
at sa canin~gasa,i, lubos ang pag-asa
sa dibdib, nang
nasà sa tuituina.

Na sa balang oras ay laguing tangapin
si Jesús, sa Hostiang doo,i,
nahabilin,
at manaca-nacang iniuurong din
ang pag-cocomunio,t,
ala-ala dahil.
Ang di n~ga carapat-dapat magpatuloy
sa caniyang pusò, yaong
Pan~ginoon,
na ang camahalan ay ualang caucol
nang calac-ha,t,
ualang capantay na dunong.
Sa pakikibacang capacumbabaan
at yaong malaki niyang cagutuman,

sa pagcain nang camahal-mahalang
Maná, ang totoong
ikinahahambal.
Cung minsa,i, totoong mahigpit na lubha
ang loob, at sanhi nang
ilinuluha,
nang di cacaunti at lubhang sagana
n~guni at inaliw nang
Poong dakila.
Na huag matacot ó Anác cong hirang
at huag lumayo sa laang cong
dulang,
sinomang tutun~go ditó,i, nag-tataglay
nang dakila,t, ucol
bagáng calinisan.
Sa camahal-mahalan n~gang Sacramento
n~guni,t, ganap naman ang
calinisan mo,
ay natatacot ca,t, ang dahila,i, ¿ano
sa ualang sakit ay
anhin ang médico?
Cundi sa talaga na may man~ga damdam
doon ang médico,i,
kinacailan~gan,
sa piguing n~g man~ga Angeles na tunay
ang
totoong lunas ay masusunduan.
Nang magpipighati,t, magtatamong galác
ang man~ga mahina ay
magsisilacas,
at magsisitapang ang man~ga douag
maestro at Amá
sa han~gad na Anác.
Sa man~ga oveja,i, maauaing Pastor
masintahing Hari sa lahat nang
campon,
at sa man~ga duc-ha,i, tan~ging Pan~ginoon
at bucal nang
cagalin~gan di sang-gayon.

Nang upang mangyari na tangapin niya
ang sinoman sa di
mamagcanong gracia,
na ibinubobó ni Jesús na Amá
niyong
cagalin~gan niyang ualang hanga.
At sa calulua na masusunduan
yaong cagalin~gang sa caniya,i, laan,

ucol sa pag-gayac siya,i, hinatulan
niyong pagtangap sa mahal na
catauan.
Sa dakilang sala,i, di lamang malinis,
cundi sa lalo mang salang
maliliit,
biling cailan~gan lamang ang pagligpit
sa isang maáyos na
pananahimic.
Lumayo sa lahat nang capopootan
nang matá nang Amáng
macapangyarihan,
dapat na taglayin ang pang-hihinapang
nang sa
lan~git bagáng man~ga cahatulan.
Caya n~ga at nagdudumaling dumulóg
si Margarita, sa pagtangap cay
Jesus,
at siya,i, hindi na lumayó pang lubos
at nag-gunamgunam
nang sa puso,i, taos.
Ang di pagcarapat at caralitaan
sa caniya, ay siyang nagpasulong
bilang
doon sa pagtacbó nang batis na tunay
nang pagca-dakila at
niyong calac-han.
Sa paghahanda ay nagsisicap siya
nang icagagaling niyong calulua,

at isang mahusay na tahanan bagá
nang ualang capantay na Hari at
Amá.
Pinuspos ang lingcod niyong Poong Dios
na si Margarita nang hindi
masayod,
na catamisan, at darakilang lugod
nang camahal-mahalan
n~gang Mananacop.
Caylanma,i, sadyang loob na maganda,t,
nagbibigay nang biyayang
mahalaga,
nakikipanayam sa cay Margarita
sa pananalan~gin niya
sa tui na.

Santang mananahing ito ay cung minsan
nag-hihinanakit niyong
catamlayan,
nang loob, sa gauang capalamaraha,t,
masamang
pag-ganti n~g macasalanan.
Na hinuhulugan ang pusong parati,
n~g tanang caniyang m~ga
penitente,
n~g isang manin~gas na nasang malaki,t,
calualhatian
n~g Dios na casi.
Sa di mabilang na pagcagaling-galing
n~g man~ga saliuang
capalarang angkin,
parang tumatacbong bulag ang cahambing
sa
capahamaca,t, ualang hangang lagim.
Namamagitan n~ga ay si Margarita,t,
siyang humahandog na magtiis
siya,
dahilan sa gauang catacsilan nila
ang hirap sa Mundo ay di
alintana.
Madalas sabihing aniya,i, Anác co
niyong Pan~ginoon nating
Jesucristo,
aniya,i, di bagá napagmamasdan mo
ang lagay n~g
lupang ito cung paano.
Tingnan mo,t, ang gracia ay binabayaran
niya, n~g malaking
catampalasanan,
ang m~ga pag-ibig, niyong catamlayan
man~ga
pagsiphayo,t, caalipustaan.
May man~ga asauang cusang humahandog
sa cahalayan n~gang
cakilakilabot,
ang binata namang nagbibiling lubos
niyong calulua,
sa camunting lugod.
Ang hiyas na taglay niyang calinisan
n~g man~ga binata,t, n~g may
asaua man,
napabibihag sa ualang casaysayang
pagmamarikit na
laking casiraan.
Na caugaliang batis niyong sama
niyong libolibong man~ga
pagdaraya
at saca n~g m~ga casalanang paua
na sanhi n~g man~ga
pagcapan~ganyaya.

Cung may naliligtas ditong man~ga ilan
sa bahang mabilis n~g
gayong casamán,
napaalipin sa caparan~galanan
sa hamac na pitang
man~ga capurihan.
At gayon din sa pag-dedevoción
at sa malimit man na pagtangap
tuloy
niyong Sacramento ni Jesús na Poon
ay boong
capacumbabaan ang ucol.
¿Paano ang lagay cayang inaasal
n~g ibang may hauac niyong
catungculan,
na hucom, na nagbibili n~g catuiran
at inaapi ang
ualang casalanan.
O dahil sa suhol at pagsamong gaua
ó sanhi sa cayamanang di sapala,

n~g m~ga campon n~g sakim na adhica
na man~ga tauo n~gang
hindi nahihiya.
Na maghandog niyong inciensong bulaan
na puring cunua sa may
catungculan,
gayon din ang man~ga naghahanap-buhay
na di
ginagauang hustong catuiran.
Saca yaong lahat nama,i, dinadaya
n~g upang macamtan ang
anomang nasa
ang cabulaana,t, pagpapan~ganyaya
at man~ga
paraang iba,t, ibang gaua.
Ang di nahahabag na sinoman siya
sa man~ga bao co at man~ga ulila

na ualang mag-ampon at saca bagcus pa
na cusang ginahis nilang
tinalaga.
Tanang pag-aaring nan~gadayang lalo
sa canilang lalang na
pagpapatubo
¿paanong ang lan~git caya,i, ibububo
ang gracia, sa
man~ga tampalasang pusò?
Na di pansin yaong man~ga casalanan
loob ay matigas cung sa
cabandayan
yao,i, isang moog na nacahahadlang
n~g sa Dios
bagáng man~ga caáuaán.

Yaong man~ga yaman ó aring linupig
sa apong ulila pamangkin
mang cahit,
maguing sa ibá ma,i, ibigay mong pilit
sa payapang
landás nang di ca malihis.
At huag mo sanang ilicmo sa nasa
na icaw sa hindi iyo,i, magpasasa,

cung malinlang mo man ang iyong capua
ang Dios
Continue reading on your phone by scaning this QR Code

 / 16
Tip: The current page has been bookmarked automatically. If you wish to continue reading later, just open the Dertz Homepage, and click on the 'continue reading' link at the bottom of the page.