nang camunting lacas
nang may ipag-tangol sa
araw na dapat,
na cailan~ganing mamaya ó bucas
ay di mahahapo
na caagád-agád.
Lubhang masisira ang cabaitan mo
cung magpacahirap nang di
mamagcano,
ang dapat mong gauin sa panahong ito
cataua,i,
in~gata,t, lumauig sa Mundo.
Yamang lubos namang pinatauad ca na
nang Dios, sa lahat nang gaua
mong sala,
ay ano ang iyong alalahanin pang
cataua,i, higpitan at
mag-penitencia.
Sa umang na silo,i, di lubhang naghirap
na ipinapain niyong si
Satanas,
at napagkilala na caagád-agád
ang gayong pagdaya at
man~ga pag-upat.
Napakikita pang conua ay Angel
nang caliuanagan, ang siyang
cahambing,
ay si Margarita,i, naghiganting tambing
sa
capan~gahasan niyong si Lusifer.
Pinapag-ibayo nang higuit sa una
yaong dating gauang
pag-pepenitencia,
capacumbaba,i, pinapag-ulol pa
ayon sa hatol
nang Evangelio bagá.
Isang araw siya,i, lalong sinigasig
nang tucsong marahas na sacdal
nang lupit,
caya n~ga cay Jesús naghihinanakit
niyong hinanakit na
caibig-ibig.
Sa lubhang masintang Amáng mananacop
na sa nacadipang larauan
sa Cruz,
n~guni,t, minarapat aliuin ang loob
nang mapagcalin~gang
mahabaguing Dios.
Na ang uinica sa caniya,i, ganito
na magpacatapang icaw ó Anác co,
cahima,t, marahas ang cabacang tucso
ay di mangyayaring manaig
sa iyo.
At aco,i, narito na iyon casama
sa lubhang mahigpit na pakikisama,
at magmasunurin sa payong maganda
sa umaácay sa iyong calulua.
Huag matacot ca,t, ilagay sa akin
ang gracia ay iyong catibayang
kimkim,
huag sa sarili ay umasang tambing
ang nasang tagumpay
nang upang tamuhin.
Sa cay Margaritang biyayang kinamtan
bilis nang pagtacbo niyong
cabanalan,
sa landas lalo na,t, ang tucsong caauay
ay inuusig siya,i,
bagcus tumatapang.
Cusang lumalalim yaong man~ga ugat
nang capacumbabaan n~gang
hindi hamac,
lalong nahihilig at minamasarap
ang pula at
caalipustaang lahat.
Sa hindi pagkibo niya,i, nagcatacá
sa lahat nang namamayan sa
Cortona,
ibig niya,i, itapo,t, pagbatuhan siya
na ang ualang
casing-sama ang capara.
Na catulad niyong sa Infierno galing
dan~gan ang Confesor ang
nacapipiguil,
siyang humahadlang na di dapat gauin
ang nasa
niyang yaong ibig na asalin.
Cundi pinupuing ang gayong adhica
na isang totoong pagpapacababa,
sa man~ga lansan~gan siya ay gagalang
may tali sa liig, at
ilalathala.
Ang nan~gacaraan niyang pagcasinsay
at ang nan~ga gaua niyang
casalanan,
upang matalastas nang lahat sa bayan
ang malabis
niyang man~ga catacsilan.
Di cung magcagayo,i, huhulihin siya
cuculan~gin siya,t, doon
isasama,
sa man~ga babayeng masamang talaga
na linalapatan nang
man~ga parusa.
Ang dakilang yaong capacumbabaan
ni Margarita, ay kinuhang uliran,
ang caniyang laguing pag-gugunamgunam
nang cay Jesucristong
man~ga cahirapan.
Sanhi n~ga sa ating na icagagaling
ay inalipusta,t, dinuahaguing
tambing,
niyong man~ga Judio, n~guni,t, di pinansin
binatá at
upang tayo ay sacupin.
Lalong sa loob niya ay nacabubuhay
yaong sa sariling
pagninilay-nilay,
sa Vírgeng Ináng man~ga casakitan
sa nagdusang
Anác na mapagpalayaw.
Na sinasacdalan nang boong pag-asa
sa anomang man~ga cailan~gan
bagá,
isang araw nama,i, dinilidili niya
tanang cahirapang di suca,t,
mabatá.
At dahil sa atin ay laking pag-ibig
ni Jesús, ang madlang dusa ay
tiniis,
moli pang kinamtan ang tuang malabis
sa pagdalaw niyong
Amáng na sa lan~git.
Noon hinatulang siya ay lumaan
sa cacabacahing man~ga cahirapan,
at lubhang marahas na caralitaan
ang daranasin mo hangang
nabubuhay.
Tulad sa pagtunaw n~g guintong malinis
na dinadalisay ang uring
malabis,
hangang may camunting dumi inaalis
nang upang tumaas
ang mithing kilatis.
Dadalisayin n~ga n~gayon ang puso mo
nang pakikilaban sa dahas
nang tucso,
catacuta,t, sákit ay laan sa iyo
gutom cauhaua,t,
pagluhang totoo.
Cahubara,t, pag-iisa,t, pagpapasan
nang Cruz, ang iyong
mapagdaranasan,
upang macapasoc sa calualhatian
ani Margarita,
aco,i, nalalaan.
Naririto aco ó Pan~ginoong co
titiisi,t, alang-álang po sa iyo,
tunay
cong pag-ibig ay cahit ang Mundo,i,
igauad sa aking hirap mang
gaano.
¡Dios co! ay sino ang tatangui caya
sa aking babathing man~ga
paralita,
na di pa anino nang hirap mong madla
at dahil sa akin ay
inalipusta.
Sa ganong pagdidilidiling mataman
nang ganitong hirap ay
nanghihinapang,
at mapayapa niyang pinagtitiisan
ang
pagcasiphayo,t, caalipustaan.
At si Margarita minsan ay pinuspos
nang isang babaye nang mura,t,
pag-ayop,
na nacapagbigay nang masamang ayos
na halimbaua sa
matáng nanonood.
Sa bagay na siya ay dapat lumaban
ikinatua nang caalimurahan,
at
binigyan pa niya nang catuiran
ang guinauang yaong catampalasanan.
Gayon ma,i, ang ganti niyang iguinauad
sa sumirang puri na lubhang
pan~gahas,
ay pinadalhan pa nang lalong marapat
na alay na doon
sa cubo nagbuhat.
Capag nagdaramdam ang sarili niya
niyong sa babayeng guinauang
pagmura,
na di catuiran ay caracaraca,i,
nagpipiguil itong
mananahing Santa.
Minsan man ay hindi nasoc sa sarili
yaong pan~gun~gusap na
paghihiganti,
at hindi ninasang bumigcas nang sabi
na laban sa
gayong man~ga pagca-api.
Di nagpapakita nang tandang anoman
nang tungcol sa man~ga
gauang cagalitan,
na sa pagbabata,i, maguing caculan~gan
at siyang
totoong pinaglalabanan.
Tunay na sinupil niyang di sa palá
yaong sa catauang hilig na
masama,
na laguing pinag-cacahirapang lubhá
yaong capurihang di
ibig masira.
_Capitulo 6.°_
At cahima,t, gayong caayos ang asal
tunay na caniyang di pinararaan,
ang man~ga pagdulog sa lahat nang araw
na nagcucumpisal at
nakikinabang.
Tanang camalian lalong maliliit
ó ang caculan~gan ay isinusulit,
marahil ang tauong hindi nag-iibig
nang ganoong gaua,i, magtatacang
labis.
Dahil sa malimit na man~ga pag-tangap
niyong man~ga Santo
Sacramentong uagas,
gayon cung magsabi yaong man~ga tamad
sa
gauang magaling, matamlay gumanap.
Sa pagcucumpisal na laguing pag-dulog
sa confesonario na aua ang
handog,
sa tauong may man~ga taimtim na loob
sa nin~gas nang
nasang calugdan n~g Dios.
Sa pagkita niyong man~ga caculan~gan
agád hinahanap ang
caliuanagan,
na di napupuna nang ibang ang layaw
sa Mundo, ang
laguing na sa gunam-gunam.
N~guni,t, sa matibay ang sampalataya
ang confecio,i, taga
pamatnugot nila,
siyang bumubuhay niyong calulua
nang
macasalanan na patáy sa gracia.
Capakinaban~gan nila sa madalas
na pag-cucumpisal gracia,i,
nag-dagdág,
at tinatalicdan yaong gauang linsad
at ang calooban ay
napapanatag.
Sanhi
Continue reading on your phone by scaning this QR Code
Tip: The current page has been bookmarked automatically. If you wish to continue reading later, just open the
Dertz Homepage, and click on the 'continue reading' link at the bottom of the page.