Cahangahangang Buhay ni Santa Margarita de Cortona | Page 4

Cleto R. Ignacio
catauan niya,i, bigyan
pasakit
inaring di dapat ang nasoc sa isip
tuntun~gan ang lupang
alalay na gamit.
Sa idinadaos na pananalan~gin
sa lahat nang oras na macayang gauin,

at ang pagsasanay sa icagagaling
nang caisa-isang caluluang
angkin.
Pinatauad na n~ga at cusang linimot
n~g Amang lumic-hang

mahabaguiug Dios,
ang cay Margaritang casalanang lubos
at
bagcus guinanti n~g magandang loob.
Madalas din namang siya,i, dinadalaw
at tan~gi siyang
pinagcacalooban,
n~g sa lan~git bagang m~ga caaliuan
at ang
caniyang loob ay pinatatapang.
Na ipatuloy niya ang tun~go n~g lacad
na pinasimulan sa tuntuning
landas,
niyong cabanalan na icatutuclas
n~g caligayahang ualang
pagcucupas.
_Capitulo 4.°_
M~ga Franciscano ay niyong masuboc
ang cay Margaritang
catibayang loob,
na penitente n~gang bagong naglilingcod
sa
mapagcandiling mahabaguing Dios.
Sa matining niyang halimbauang bigay
doon sa adhicang man~ga
cabanalan,
na sa boong Mundo ay pinasisilang
caya,t, nag-habitong
ualang caliuagan.
Nang Ordeng Tercera na cay S. Francisco
na ualang pan~gamba sa
bagay na ito,
patuloy ang loob na di nagbabago
sa m~ga pahirap
niyang tinutun~go.
Ang lapastan~ganin ay di inacala
nang caniyang asal na buhat sa
sama,
cung hindi lalo nang nag-ibayo pa n~ga
sa bagsic n~g gracia
na nagbigay bisa.
Inululan yaong pagpapacahirap
capacumbabaa,i, lubos na niyacap,

uinauari niyang di carapatdapat
tingnan ang caniyang calagayang
hamac.
Capagbinabati siya nang sinoman
at may anyong siya,i, tila
minamahal,
pag-ibig sa Mundo ay hinahalinhan
nang ucol sa Dios
na pagsintang tunay.

Kinasusuclaman ang idinudulot
nang tungcol sa lupang nagbibigay
lugod,
na sa catauhan niya,i, naghahandog,
ni munting ginhaua ay
di iniimbot.
Pinapagninin~gas ang tunay na nais,
matupoc sa apoy nang laking
pag-ibig,
sa pananalan~gin at pagsusumakit
sa icararapat na Hari
nang lan~git.
Nang nananalan~gin siyang isang araw
na taglay ang lubos na
cataimtiman,
sa harap nang isang mahal na larauan
ni Cristong sa
Cruz ay napabayubay.
Doon ay nag-tamó nang tuang malabis
at magandang palad dahil sa
narin~gig,
sa labing camahal-mahala,i, sinambit
yaong
pan~gun~gusap na lubhang matamis.
Sabihin sa akin ¡ó cahabag-habag
na babaye,t,! ¿anong sanhi nang
pag-iyac,
¿ano ang ibig mo baga aking Anác?
si Margarita ay
tumugong banayad.
Icaw lamang aking Pan~ginoong mahal
icaw ang tunay co na
caligayahan,
cung na sa aking ca ay di magcuculang
aco, nang
cahima,t, anong man~ga bagay.
Ang sa Santang nasang manin~gas na loob
na mag-bigay aliw sa
Poong cay Jesús,
ay siyang pagcaing ikinabubusog
na sa araw araw
ay macamtang lubos.
Saca noon namang maunaua niya
na sa paglilingcod sa man~ga
Señora,
sa bahay na yaon ay di makikita
ang catahimican nais na
talaga.
At gayon ding hindi masunod ang nais
na mag-penitenciang adhica
nang dibdib,
ay siya,i, humanap niyong munting silid
na
matatahanan nilang matahimic.

Casama ang bunso niyang minamahal
at ang guinagaua niyang
hanap-buhay,
ay ang pananahi sa cubong tahanan
at pag-panaog
na,i, tun~go sa Simbahan.
Sa capua tauo,i, pagca-auang gaua
ó ang paghanap nang matatahi
caya,
laguing gumiguising siyang maaga n~ga,t,
nagsisimbang uala
camunti mang saua.
Nakikinig niyong Misa,t, nagninilay
na taglay ang lubos na
cataimtiman,
cung matanghali nang puso,i, masiyahan
sa
pag-dedevocio,i, ooui nang bahay.
Patuloy rin naman ang pag-dedevociong
casama sa gauang
pananahing yaon,
ang caabalahan lamang niyang tungcol
ay ang
pananahi na pangpauing gutom.
Tumabas magtagpi,t, caraniua,i, itong
ipinagagaua nang sinomang
tauo,
ang iniuupa nang cahima,t, sino
bilang limos nila lamang
cung gaáno.
Naguiguing panakip ang naibibigay
sa balang caniyang man~ga
cailan~gan,
ang man~ga duc-ha pa ay natutulun~gan
nang caunti
niyang paghahanap buhay.
Ikinatutua na niya nang malabis
ang pagcain niyang tinapay at tubig,

at nang ilang pasas at di gumagamit
nang nin~gas nang apóy sa
cubong maliit.
Liban na n~ga lamang na cung naghahanda
sa panauhin niyang
man~ga salanta,
itinuturing na totoong dakila
ang bagay na man~ga
caaua-ang gaua.
Capag-uala siyang pagcaing ibigay
ó damit, sa duc-hang
nagcacailan~gan,
ay cahit anomang man~ga casangcapan
sa
caniyang cubo ay hinahatian.

Maguing pinga,t, cahit yaong vaso caya.
ó man~ga cuchara at
maguing damit n~ga,
at isang panahong calamiga,i, sadya
hinubo
ang saya sa catauang cusa.
At doon sa duc-ha,i, cusang ibinigay
nang ang cahubaran lamang ay
matacpan,
na halos uala na siyang damit naman
at maralita ring
naghahanap-buhay.
Kinikilala n~gang yaong man~ga duc-ha
ay tungcol cay Jesús yaong
pagpapala,
ang pag-ganting ualang macahalimbaua
ay tulad sa
isang dakilang biyaya.
Duc-ha man siya,i, di ibig pagsabihan
n~g uica ni Jesús na ganitong
saysay,
aco,i, nagugutom ay di mo binigyan
n~g pagcai,t, hubad
aco,i, di dinamtan.
Binabayaran n~g Dios n~g sagana
ang iniaálay sa camay n~g duc-ha,

ang cay Margaritang handog at calin~ga
pinatiticman na dito pa sa
lupa.
Yaong na sa lan~git na caligayahan
na tantong malaking
capakinaban~gan
niyong calulua,t, naguiguing dahilan
n~g
pagpapaualang halaga sa buhay.
Magmula n~g siya ay magbalic loob
sa catauan niya,i, malabis ang
poot,
pagca,t, siyang naguing caáuay na lubos
sa casalanan n~gang
di sucat masayod.
Saca ang masamang man~ga halimbawa
caya hindi pa rin ikinatutua,

yaong cahirapan na dinadalitang
pag-pepenitencia,t, pagaayuro
n~ga.
Ipinasiya pang yaong cagandaha,i,
cusang papan~giti,t, ang muc-ha,i,
sugatan,
n~g catacot-tacot n~guni,t, hinadlan~gan
n~g Confesor
niya na umaálalay.

_Capitulo 5.°_
Sa pananaghili n~g Demoniong tacsil
na di ibig niyang ang tauo,i,
gumaling,
inuman~gan din n~ga n~g parayang pain
tun~gong
cabanala,i, upan ding itigil.
Ang coronang tan~ging ualang pagcalanta
na gaua n~g aba na si
Margarita,
Santang manahani na itinatalaga
sa sarili, yaong
cagalin~gan niya.
Inupatan na n~ga n~g lilong caáuay
niyong catha-catha na
cabulaanan,
Margarita, anya ay iyong tigilan
iyang malabis mong
m~ga cabanalan.
At ang sa tahana,i, lagui mong pagligpit
tunay na di ayon sa taglay
mong bait
at ang malabis mo na pagpapasakit
sa iyong cataua,i,
tantong nalilinis.
Gayong gaua,i, isang laking calupitan
para cang tikis nang
nagpapacamatáy,
di ucol higpitan at ang cailan~gan
bigyan mo
nang luag at capanahunan.
Upang magcaroon
Continue reading on your phone by scaning this QR Code

 / 16
Tip: The current page has been bookmarked automatically. If you wish to continue reading later, just open the Dertz Homepage, and click on the 'continue reading' link at the bottom of the page.