Cahangahangang Buhay ni Santa Margarita de Cortona | Page 3

Cleto R. Ignacio
sugat hangang sa
napatay.
Nang si Margarita,i, pagsaulang loob
sa kinahinatnan n~g palad na
capos,
na ang buhay niya ay dagling natapos
sa pagpapasasa n~g sa
Mundong dulot.

Anopa,t, yaong mabahong bangcay niya
caramihang uod yaong
nakikita,
ang catauang hilig n~g nabubuhay pa
sa layaw sa lupa,i,
itong naging hanga.
Ni camunting dun~gis di ibig bahiran
ang catauan niya niyong
nabubuhay,
ang caniyang labis na pagcapihican
n~gayon nama,i,
siyang pinangdidirihan.
Yaong sa puso niya,i, siyang bumabaca
at pagpipighating naalaala,

sa kinabuhusan n~g pag-ibig niya
at ang catumbayan niyong calulua.
¡Sa abang-aba co! ¿caya,i, napasaan
ang calulua nang sauing
capalaran,
saan cundi doon sa Infiernong bayan
ang sagot n~g
voces na umalin~gawn~gaw?
Magpahangang sa caibutura,i, taos
nang pusò, at tantong
ipinan~gilabot,
malamig na pauis ay agád sumipot
at sinidlan
niyong di cauasang tacot.
Sa cay Margaritang dinidilidili
ang gayong calunos-lunos na nangyari,

sa lugod at layaw ay lubhang nauili
n~gayo,i, lubos naman ang
pagcaruahagui,
Ualang hangang hirap doon sa Infierno
ang ganti sa munting ligaya sa
Mundo,
sa sandaling tua,i, nacapalit nito
hirap casakitang hindi
mamagcano.
_Capitulo 3.°_
Cakilakilabot ang cay Margarita
na pakikihamoc sa sarili niya,
bago
nasundua,i, nahirapan muna
sa nasang maganda niyang pagtitica.
¡Oh cahambalhambal na casasapitan
nang sinomang nan~gag
papaliban-liban,
niyong pagbabalic loob at ang araw
na icatatapos
niya,i, hindi alam!

Ang dalisay niyang pag-aala-ala,i,
capakinaban~gan niyong calulua,

kinikilabutan sa sarili niya
ang caaua-aua na si Margarita.
Nagugunam-gunam na nasa sapiling
ang cabubuliran na
calaguimlaguim,
at may pan~ganib pang doo,i, mahulog din
cun
ang hinin~ga niya,i, biglang makitil.
Caya n~ga,t, ang luha niyang pumupulas
ay naguing turing nang
parang isang dagat,
niyong pagninilay sa pagcapahamac
niyong
pagcadaya nang Demoniong sucab.
Sa lupa ay tambing siyang nanic-luhod
nagsisi,t, humin~gi nang aua
sa Dios,
pinaglampasan nang mahayap na tunod
niyong pagsisising
sa puso ay taos.
Ualang iniisip cundi ang tan~gisan
lahat nang caniyang man~ga
casalanan,
pag-pepenitenciang caunaunahan
ang cusang lumayo sa
capan~ganiban.
Caya n~ga,t, sa loob niya ay tinicang
sa Montepolciano,i, umalis
pagdaca,
siya,i, naparoon at nagpatirapa
sa paá nang Amáng
tinalicdan niya.
Yaong catacsila,i, inahin~ging tauad
at nag-pipighating hindi
hamac-hamac,
capagdaca nama,i, agád nang tinangap
niyong Amá,
yaong alibughang Anác.
Na tumatan~gis na,t, siya,i, nagsisisi
n~guni,t, ang matigas na loob na
ali,
ay hindi pumayag at cusang tumangui
at inari niyang casiraang
puri.
Ang gayong paghibic at man~ga pagtaghoy
ni Margarita n~ga na
ualang mag-ampon,
dakilang ligalig ang nangyaring yaon
sa buhay
na naguing parang isang tapon.
Dalauang puo,t, apat ang caniyang gulang
batá pa at ayos na

nahihiyasan,
nang sinag na taglay niyang cagandahan
ang sa
muc-ha niya ay napagmamasdan.
Yaong pamumuhay niyang namamalas
na masama,t, parang daan ang
catulad,
na nasasabugan nang man~ga bulaclac
nang caligayahang
labis humicayat.
Siyang tumutucsong muling manumbalic
sa dating casama,t,
cagagauang lihis,
iniuurali na sa huling guhit
ay càauaan nang Dios
sa lan~git.
N~guni,t, yao,i, hibong isang camalian
pan~gaco nang Dios sa cahit
sino man,
na nan~gagsisisi,t, nagtiticang tunay,
ay iguinagauad ang
capatauaran.
Sa pagtauag niya,i, ang nag-ualang kibò
paanong cacamtan ang
ipinan~gaco,
pag naglibanliban icaw ay di taho
ang camatayan mo,i,
cahirapang lalo.
Caya n~ga sa gayong pagbubucas bucas
ay lubhang marami ang
nan~gapahamac,
na ang ualang hangang dusa ay linan~gap
n~g
man~ga pabayang nagpapacatamad.
N~guni at ang abá na si Margarita
sa udyoc n~g tucso,i, nakikilaban
na,
camahalmahalang Pastor ay muli pa
na tumauag pagca,t,
hinihintay siya.
Laging nacadipa ang camay sa ati,t,
yayacapin tayo cung siya,i,
duluguin,
ang capayapaa,i, ating tatamuhin
at lubos na tayo ay
patatauarin.
Panibago namang tinauagan siya
n~g masintang tunay na
pag-aanyaya,
inalalayan siya nang pakikibaca
sa dahas n~g tucsong
mangahis ang tica.
Ang pangagalin~ga,i, yaon n~ga marahil
niyong pagbabagong buhay

na magaling,
ani Jesus iyang tacot mo,i, pauiin
Margarita,t, kita ay
cacalin~gain.
Ang magandang tica,i, cusang pinagtibay
at tinatan~gisan sa gabi at
araw,
ang lahat n~g m~ga naguing casalanan
at ang halimbauang
man~ga casamaan.
Hinahan~gad niya na moling mabaui
ang lubhang malabis na
pagcacamali,
n~g cahalayhalay na pamamalagi
sa layaw n~g
Mundo n~g pagcalugami.
Agád nang naglacbay doon sa Simbahan
siya sa Labiano, na
nasosootan,
nang damit Celicio at natatalian
ang liig at tandang
pagtiticang tunay.
Saca ang dalisay na paghin~ging tauad
sa caniyang man~ga
cababaya,i, hayag,
at pinagsisihan sa harap n~g lahat
na naguing
dahilan n~g pagcapahamac.
Hindi rin naglubag sa bagay na yaon
ang loob nang ali,t, Amá pa,i,
caáyon,
pinabayaan na ang lulun~goylun~goy
na Anác na ualang
sucat na mag-ampon.
Nang makita yaong calagayan niya
nang caauaaua na si Margarita,

na tulad sa tapong uala nang halaga
caya n~ga,t, lumipat sa bayang
Cortona.
Doo,i, mahinahong siya ay tinangap
n~g ilang Señorang marunong
mahabag,
casama ang isa niyang naguing Anác
sa naguing
casuyong kinapos n~g palad.
Ang unang guinaua na pinagpilitan
nang taos sa puso at cataimtiman,

ang dalisay na "confeción general"
sa lahat nang man~ga naguing
casalanan.
Siyang matibay na pasimula ito
niyong pagbabagong buhay na totoo,


siya,i, naparoon doon sa Convento
nang cagalang-galang na si S.
Francisco.
Na namamalisbis ang luha sa matá
niyong malalim na pag-sisi niya,

isinaysay sampu nang pighating dala
sa isa n~gang Pareng
Relegioso bagá.
At ikinumpisal niya nang malacas
tanang casalanang gauang hindi
dapat,
at hinin~gi niyang boong pagsisicap
ang "Orden Tercera"
siya,i, macatangap.
Nang sa penitenteng damit Serafico
tandang pagtalicod sa layaw sa
Mundo,
ang Confesor nama,i, napaayon dito,t,
pinanghinapang
pang bagcus na totoo.
Pinasimulan nang pag-pepenitencia
sa nasang macamta,i, binigyang
pag-asa,
yaong hinihin~ging simula n~g gracia
at sa cabanala,i,
nagsanay na siya.
Linalayuan nang parang camatayan
sa loob, ang lahat nang
macapupucaw,
ang kilos at anyo,i, hilig na mahalay
niyong
maruruming pita nang catauan.
Capahintulutan bilang n~g Señorang
pinaglilingcurang caniyang
asaua,
mangyaring huag pahigpitin niya
ang pagpapasakit sa
catauang bagá.
Gayon man ay dahil sa laking pag-ibig
na ang
Continue reading on your phone by scaning this QR Code

 / 16
Tip: The current page has been bookmarked automatically. If you wish to continue reading later, just open the Dertz Homepage, and click on the 'continue reading' link at the bottom of the page.