Cahangahangang Buhay ni Santa Margarita de Cortona | Page 2

Cleto R. Ignacio
sabihin sa akin ang icaw
ay mahinhi,t, di mo
han~gad ang calugdan.
Sucat na ang icaw ay ang macalimot
sa man~ga gagauin na ucol sa

Dios,
at ang pagcauili sa iyong pag-handog
sa bagay na ualang
casaysayang lugod.
Dapat catacutan yaong cahatulan
sa man~ga babayeng tantong
nag-cuculang,
nang sa pananamit nila,i, cahinhinan
at ualang
matuid na mag-sasangalang.
Cahi,t, uicain mo na ang calulua,i,
di sa damit lamang napagkikilala,

yaong calinisan, at si Margarita
ito rin marahil ang sinabi niya.
Ang capan~gahasang yaon ang nagbulid
sa capahamacang di sucat
maisip
hindi macasapat sa pagmamarikit
yaong ari nilang caunting
nalabis.
Di naman payagan n~g Amáng ubusin
sa pagmamapuri,t, ualang
uastong aliw,
na masunod yaong camaliang hiling
ay sa cahalaya,i,
napadalang tambing.
Cahit sinisisi n~g caniyang Ama,t,
binibigyan niyong hatol na
maganda.
nang caniyang ali,t, gahasa man bagá
manacanaca ring
inaralan siya.
Anopa,t, yaong caniyang cabataan
ay naguing isa nang masamang
hantun~gan,
nang lahat nang canyang man~ga cababayan
naguing
parang isang sucal nang lansan~gan.
Ito na ang mula nang pagcaligalig
niyong pag-nanasa sa napacalabis,

na sa catauan niya,i, pag-mamarikit
ang turo nang Ina,i, nalimot na
tikis.
Si Eva ang tunay na cahalimbaua
na sa paglilibang na ualang bahala,

sa umang na silo,i, natuntong na cusa
nang lilong Demonio,t, lubos
na nadaya.
Ang man~ga dalaga,i, siyang caraniuan
sa pag-mamarikit na nasang
calugdan,
nang capua tauo,i, ang cahihihatnan
dinadala tuloy sa

capahamacan.
Siyang pag-cahuli sa parayang pain
nang cay Margaritang cabata-ang
angkin,
lugsong cabaita,i, hindi macapiguil
bagcus nag-hihigpit
nang calaguim-laguim.
Binidbid ang gayong caparan~galanan
nang lalaking tacsil na
caugalian,
nahulog sa ban~gin niyong cahalayan
ang pag-mamarikit
itong pakinabang.
Sa isang binata bagang Caballero
malapit sa Ciudad nang
Montepulciano,
nabihag nang gandang paraya nang Mundo
sa
pitang mahalay ay cusang nabuyó.
Itinalaga na yaong calooban
sa marumi,t, tacsil nilang pamumuhay,

hindi na naisip ang sila,i, pacasal
cundi ang lumaguing nagsama na
lamang.
¡Oh saliuang-palad, na dalagang labis
na napabibihag sa
pag-mamarikit,
icaw n~ga ang salot na ibinubulid
yaong calulua sa
icalalait!
Sa lahat nang bayan at man~ga Ciudad
icaw n~ga ang lasong
masidhing camandag,
sa lubhang malabis na man~ga pag-gayac
ay
hindi mabilang ang nan~gapahamac.
Cusang uinaualang bahala na cahit
talastas mang sala ang
pag-mamarikit,
ang capalaloa,i, pan~gahas at hilig
sa
pag-mamasagua niyong pananamit.
Sa cay Margarita,i, siyang nag-lupaypay
ang labis na lubhang
caparan~galanan,
sa nasang tanghaling siya at calugdan
ang puring
napala,i, caalipustaan.
Yaong cagandahang ibig na tauaguing
Venus at Floripes Diana,t,
Abigael,
ang muc-hang masaya,t, tindig na butihin
mamumutla,t,

lungcot ang pagmamalasin.
Ang mapanghalina na matáng mapun~gay
at linindi-linding aliw
nang lansan~gan,
di mag-abot kisap ay mahuhumaymay,
ang dating
maningning lalabo sa tanan.
Mauaualang lahat ang lugod sa iyo
nang tanang casuyo,t, nang
cababayan mo,
ang di magcamayaw na puri nang tauo
lilipad na
para lamang alipato.
Saca ang ulo mong pinamumutihan
nang perlas, topasio,t,
diamanteng makinang,
na inaayos mong pinagpapagura,i,

bun~gong butas-butas ang cahahanganan.
Capatid co,i, ano,t, natitiuasay ca
parang di mo tanto ang bububóng
dusa,
ang uica mo yata,i, bucas macalaua
madaling magsisi cung
naroroon na.
Nagcacamali ca at di natin lining
ang icatatapos nang hinin~gang
angkin,
mabuti cung hinay-hinay ang pagdating
nang camatayan
mo, at hindi biglain.
Ang cay Margaritang naguing pamumuhay
hapo na sa gapos niyong
cahalayan,
at di napupuna sa caniyang paanán
ang ban~ging
malalim na cabubuliran.
Linalagyan din n~ga cung minsan n~g Dios
nang pait, ang man~ga
mahalay na lugod,
pinaparam yaong pacumbabang handog
na
capayapaang paconuaring dulot.
Manaca-naca ring pinag-cacaramdam
ang nan~galalayong man~ga
pamumuhay,
sa Dios, at sila,i, tinutugtog bilang
ang puso,t, ang
maling gaua nila,i, lisan.
Ipinauauari ang pagca-pahamac
nang nabubulagang na saliuang-palad,

n~guni,t, sa udyoc nang caibigang linsad
nag-uaualang kibo,t, uari

di talastas.
Ang sa puso niya ay itinutugtog
nang di naglilicat na aua n~g Dios,

parang nan~gun~gusap na madalas halos
cung minsa,i, ualin ding
bahala sa loob.
_Capitulo 2.°_
Gayon n~gang nangyari minsang isang araw
tinan~gisan niya yaong
caugalian,
na isang babayeng Anác ang cabágay
na mapag-acsaya
niyong cayamanan.
Tinicang magban~gon sa pagca-gupiling
at lisan ang nin~gas na
calaguim-laguim,
nang Infiernong apoy na nasa ilalim
nang paá
niya,t, siya,i, laang sunuguin,
¿Ano ang nangyari sa cay Margarita
napucaw sa himbing nang
pagtulog niya,
binigyan nang Dios nang cataca-taca
na balitang
siyang nagpaala-ala?
N~guni,t, para manding isang maliuanag
na aral, na ualang
casaysayang lahat,
ang layaw sa Mundong icapapahamac

malumanay namang siya,i, nakimatiyag.
Ipinauari nang masintahing Amá
minsang isang araw sa cay
Margarita,
nang umalis yaong casintahan niya,t,
sa bahay ay siya,i,
naiuang mag-isa.
Ualang ano-ano,i, ang ásong maliit
na babayeng caniyang alila,i,
nadin~gig
na tumatahol nang tila nananan~gis
n~g
cahambal-hambal na di mapag-isip.
N~guni,t, hindi naman naguguniguni
n~g saliuang-palad na may
nangyayari,
na casacunaan sa caniyang casing
bunying Caballerong
buhay ay naputi.

Pinauaualan n~ga manding cabuluhan
ang sigaw n~g áso na
calumbaylumbay,
hangang nacaraan ang dalauang aráw
áso,i,
patuloy rin ang pananambitan.
Saca ang damit ay kinacagat niya
niyong pan~ginoon na si Margarita,

tila nag-uiuica uari nang halica,t,
ang pan~ginoong cong casi mo,i,
patáy na.
Dito pinasucan nang paghihinala
ang cay Margaritang loob na
mahina,
nag-ulol ang sindac na hindi cauasa
sa taghoy nang ásong
hindi nagsasaua.
Lumacad nang doon sa áso,i, sumunod
sa daang itinuturo,i,
naglalagos,
bahagya pa lamang dumarating halos
sa may
calalimang ban~gin ay nataos.
Na may ilang tuyo na san~ga n~g cahoy
ang áso ay nagpatihulog na
doon,
at pinasimulang hinucay nang tuloy
na calumbaylumbay,
yaong paghagulhol.
Hinaui n~g nan~gan~ginig na camay
ni Margarita ang ilang man~ga
sucal
na bilang na nacatatakip sa hucay
nakita ang bangcay niyong
casintahan.
Na buloc na,t, hindi sucat na matiis
yaong sumisin~gaw na bahong
malabis,
nang cay Margaritang abutin nang titig
sumicdo-sicdo na
ang caniyang dibdib.
Uinauari niya ang kinahinatnan
n~g gayong cakilakilabot na bagay,

na sinalubong n~g caniyang caauay
tinadtad n~g
Continue reading on your phone by scaning this QR Code

 / 16
Tip: The current page has been bookmarked automatically. If you wish to continue reading later, just open the Dertz Homepage, and click on the 'continue reading' link at the bottom of the page.