buo kong lihim,?lihim n~g sa wari'y nagbigay hilahil?sa napakabatang puso mo't paggiliw.
Ang pagtatapat ko'y di mo minarapat?ang kawikaan mo, ako'y isang hamak,?ang naging ganti mo sa aking paglin~gap?ay isang _libin~gan_ at _kurus_ n~g hirap.
Ang hamak n~ga nama'y hindi naaayos?umibig sa isang Reyna n~g Kampupot,?ang _hamak_ na palad ay dapat umirog?sa kaisa niyang _hamak_ di't _busabos_.
?Maaari kayang ang isang _granada'y_?maihulog sa di gusto n~g _princesa?_??maaari kayang ang isang sampaga'y?makuha at sukat n~g taong bala na?
Kay laki n~g agwat n~g palad ta't uri,?ikaw'y isang lan~git na kahilihili?at ako ay isang hamak na pusali,?ikaw ay sariwa at ako'y unsyami.
Ang panghihinayang ang siyang nagtulak?na kita'y mahalin n~g buo kong palad.?Ang panghihinayang ang siyang nagatas?na kita'y itala sa aking pan~garap.
Kung ikaw sa akin ay walang hinayang?sa aki'y sayang ka at sayang na tunay,?sabihin na akong kasakimsakiman?at ikaw sa iba'y di mapapayagan.
Lalo pang mabuting kanin ka n~g lupa?kay sa mahulog ka sa ibang binata,??Iba pa ang iyong bibigyang biyaya?gayong ako'y uhaw sa iyong kalin~ga...?
Ipinipilit mong tayo'y pupulaan?kung sa lihim nati'y mayrong makamalay,??at sinong pan~gahas ang pagsasabihan.?nitong ating lihim sa sangkatauhan?
Ako'y nagsisisi't nabigyang bagabag?na naman ang iyong tahimik na palad,?kundan~ga'y ang iyong ban~gong walang kupas?sa pagiisa ko'y siyang nasasagap!
Sa kahilin~gan mo, kita'y lilimutin?kahit nalalaban sa aking damdamin,?n~guni't ang samo ko'y iyong idalan~gin?ang papanaw ko nang ulilang paggiliw.
=_Gayon man, gayon ma'y _...=
III.
Kung may kasayahan ang tao sa lupa?naman ay mayron ding pagkabigo't luha.?Kaya n~ga't ang tao, sa aking akala?ay laruan lamang n~g kanyang tadhana.
Yamang walang taong likas na mabuti't?walang nan~gamaling hindi nan~gagsisi.?Sa ikasisiya n~g iyong sarili'y?itatakwil ko na ang aking pagkasi.
Lulunurin ko na sa hukay n~g puso?ang aking yayaong nasawing pagsuyo,?ipagluluksa ko ang pagkasiphayo?n~g aking pag-ibig na di mo inako.
Pag-aaralan kong luman~goy sa dagat?na puno n~g aking sariling bagabag,?pag-aaralan kong lumaban sa hirap?yamang siyang takda n~g buhay ko't palad.
Aking natatantong walang pagkasayang?sa iyo ang aking maralitang buhay,?sa iyo'y ligaya ang aking pagpanaw,?sa iyo'y lwalhati ang _kurus_ ko't _hukay_.
Kung ikaw ay walang hinayang sa aki't?wala pang hinayang sa aking paggiliw,?ay iyong asahang aking sasapitin?ang ninanasa mong bal��n n~g hilahil.
?Di mo nalalamang itong umi-ibig?sa lahat n~g bagay ay di nan~gan~ganib,?ang kamatayan ma'y kanyang malalait?kundi na makaya ang taglay na hapis?
Gayon man, gayon ma'y hindi masisira?sa akin ang iyong hiling at pithaya,?gaya n~g hiling mo, ako'y magkukusang?maghandog n~g iyong ikapapayapa.
N~guni't manumbalik kaya ang paglin~gap?sa aking namali't nagsising pan~garap???manumbalik kaya at hindi kumupas?ang iyong pagtin~gin sa imbi kong palad?
Iyan ang isa pang di ko ikatulog?gayong nagsisi na ang aking pagirog,?iyan ang sa aki'y nagbibigay takot,?iyan ang sa n~gayo'y di ko mapag-abot.
Hinuhulaan kong ang iyong paglin~gap?ay magbabago na sa imbi kong palad,?ang kawikaan mo'y ang isang nabasag?mabuo ma'y mayrong natitirang lamat.
Sa isang gawi n~ga'y may katotohanan?kung ganyan ang iyong magiging isipan,?n~guni't alamin mong malinis na tunay?ang isang maruming nagbago n~g buhay.
Magpahangga n~gayo'y iyong mawiwika?na ikaw'y akin pang _sinisintang kusa_,?magiging totoo ang iyong hinala?kung ang puso'y muling hagkan n~g paghan~ga.
Kung muling gumiit ang panghihinayang?ikaw ay muli kong sisintahing tunay,?ang isa pa'y iyo namang nalalamang?ang _pagsisisi_ ko'y _pagbibigay_ lamang!
=_Ang panghihinayang_...=
IV.
May ilang araw nang ako'y kalung kalong?n~g bisig n~g dusa't kamay n~g linggatong?may ilang araw nang sa mata'y nanalong?ang pait n~g luhang usbong n~g paglun~goy.
Nakikita, mo mang ako'y tumatawa?nama'y tawang pilit at busog sa dusa,?di lahat n~g n~giti'y lagda n~g ligaya,?may n~giting singpait n~g luha't parusa.
Ang nakakatulad nitong aking buhay?ay mundong ulila sa sikat n~g araw,?katulad ko'y isang _prinsipeng_ mayaman?na uhaw at salat sa aliw at layaw.
Upang pumanatag ang aking pagluha'y?aking kailan~gan ang lin~gap mo't awa,?awang magbibigay n~g yutang biyaya,?awang sa lungkot ko'y tan~ging papayapa.
Nasabi ko na n~gang nagsisi ang buhay?sa nais na kita'y mapagbigyan lamang,?kung susunurin ko itong kalagaya'y?di ka malilimot hanggang kamatayan.
?Paano ang aking gagawing paglimot?sa iyong ang ban~go'y higit sa kampupot??Sa ganda n~g iyong dibdib, baywang, batok,?ay sinong banal pa ang hindi iirog?
?Sa puti n~g iyong kamay na nilalik,?sa m~ga labi mong may pulot at init,?sa m~ga paa mo't binting makikinis?ay sinong pihikan ang hindi iibig?
Kung sinusukat ko ang ganda mong ari,?puso ko'y ninibok at nananaghili,?aking nasasabing _Talo ko ang Hari?kung ako ang iyong mamah��l na tan~gi_!
Ang panghihinayang ang siyang sa aking?puso'y bumabayo't sumusupilsupil,?kung ikaw'y bigla ko't buong makakai'y?kinain na kita nang ikaw'y malihim.
Huwag mong sabihin na ako'y gahaman?kung kagahaman n~ga ang layon ko't pakay,?para ko sabihin ang katotohana'y?walang taong hindi may _imbot_ sa buhay...
Sakaling sa aki'y ayaw kang manalig?ang lahat n~g sumbat sa aki'y ikapit,?ang m~ga sumbat mo nama'y itititik?sa dahon n~g aking lag��s na pagibig.
Ikaw'y maniniwalang ang aking pagasa?sa iyo, kaylan ma'y hindi magbabawa,?sa iyo sisikat ang isang umaga?na dala ang aking magiging ligaya.
Kung walang tiwala sa aking pan~gako'y?saksi ang halik kong iyong itinago.?halik na sa iyong pisn~ging maaamo'y?nakintal na tanda n~g aking pagsuyo.
Kung kulang ka pa ring tiwala buhay,?ako'y magtitiis sa kapighatian,?magtitiis ako, kahit nalalamang?ang _lungkot_ n~g tao'y isang _karamdaman_.
=_Kung ikaw'y binata_=...
V.
Gaya nang hula ko: ikaw'y untiunting?nalayo sa aki't nagtatampong wari,?ikaw'y umilap at nabibighaning?ako'y pakanin mo n~g dusa't aglahi.
Panibagong lungkot na naman ang aking?naragdag sa iyong pihikang damdamin,?talaga na yatang
Continue reading on your phone by scaning this QR Code
Tip: The current page has been bookmarked automatically. If you wish to continue reading later, just open the
Dertz Homepage, and click on the 'continue reading' link at the bottom of the page.