pan~garap.
Ang abaniko mo...
(_Sa isang bulaklak._)
Parang isang pilas n~g lan~git na bughaw?ang namamalas ko kung ikaw'y magpaypay,?parang isang "mundo, ang pinagagalaw?n~g napakaputi't nilalik mong kamay.
Iyan ang pamaymay na iyong ginamit?nang ako'y daran~gin n~g dila n~g init,?diyan napasama ang patak n~g pawis,?diyan napalipat ang pisn~gi n~g lan~git.
Anopa't sa aki'y naging malikmata?ang buhay kong iyong binigyang biyaya,?nalimot kong minsang ang tao sa lupa?ay may kamataya't sariling tadhana.
Ang sun~git n~g gabi, sa aki'y napawi?at bagong umaga ang siyang naghari,?ang damdam ko baga'y pawang nanaghili?sa akin ang m~ga taong mapagsur��.
Subukang igawad ang Sangkatauhan?at hindi sasaya itong kabuhayan,?n~guni't kung ang iyong "abanikong tan~gan,?patay ma'y baban~go't ikaw'y aawitan.
Sa aki'y sukat na ang ikaw'y mamalas?upang ang lan~git ko'y mawalan n~g ulap,?ang iyong pamaypay kung siya mong hawak,?ako'y dinara��g n~g m~ga pan~garap.
Kung ikaw'y umibig
(_Sa aking Reyna._)
Huwag nang sabihing ang tan~ging Julieta?n~g isang Romeo'y batis n~g ligaya,?huwag nang banggitin ang isang Ofelia't?hindi mapapantay sa irog kong Reyna.
Subukang buhayin ang lima mang Venus?at di maiinggit ako sa pagluhog,?tinatawanan ko si Marteng umirog?sa isang babaeng lumitaw sa agos.
Ang pul�� n~g labi, ang puti n~g bisig,?ang kinis n~g noong wari'y walang hapis,?ang lahat n~g samyo sa silong n~g lan~git?ay isinangla mo kung ikaw'y umibig.
Ang lahat sa iyo'y kulay n~g ligaya,?ang lahat sa aki'y n~giti n~g sampaga,?kung magkakapisan ang ating pag-asa?ay magiging mundong walang bahid dusa.
Hindi mo pansin na ako'y lalaki,?hindi mo naisip na ikaw'y babae,?paano'y talagang kung ikaw'y kumasi?sa tapat na sinta'y nagpapakabuti.
Gabing maliwanag at batbat n~g tala,?maligayang Edeng bahay n~g biyaya,?iyan ang larawang hindi magtitila?n~g iyong pag-ibig sa balat n~g lupa.
Ang buhay n~g tao'y hindi panaginip,?ang mundo'y di mundo n~g hirap at sakit,?aking mapapasan ang bigat n~g lan~git?kung sasabihin kong: _Kung ikaw'y umibig_.
Tag-ulan...
May nan~gagsasabing masama ang ulan,?may nan~gagagalit sa lusak na daan,?ako ang tanun~gi't... aking isasaysay?na ang tan~ging _gloria'y_ ang pagtatampisaw.
Ang m~ga halama'y nan~gananariwa?sa patak n~g ulang hindi nagtitila,?ang aking pagkasing ibig mamayapa?kung ganyang tagula'y nagbabagong diwa.
Walang kailan~gang sa aki'y magtago?ang mukha n~g araw na di ko makuro,?sa aki'y sukat na ang iya'y maglaho?upang pasayahin ang kimkim kong puso.
Walang kailan~gang sa Sangmaliwanag?ay laging maghari ang dilim at ulap,?ang patak n~g ulan sa imbi kong palad?ay ban~gong masansang na di man~gun~gupas.
Kung may mag-uulat na sa kalan~gitan?ay may unos, baha, at patak n~g ulan,?ay kunin na ako't hindi mamamanglaw?pagka't masasama sa kawal n~g banal.
Ang patak n~g ulan ay awa n~g lan~git,?lihim na biyaya sa m~ga ninibig,?laman n~g panulat sa m~ga pag-awit,?sariwang bulaklak sa pitak n~g isip.
Kung ang tan~ging Musa'y may tampo sa akin?at ayaw sumunod sa aking paggiliw,?ang patak n~g ula'y sukat ang malasin?upang ang _lira_ ko'y sumuyo't sumaliw.
Kung sakasakaling ako'y maging bangkay?at saka ilagak sa isang mapanglaw?na labi n~g libing... mangyaring ang ula'y?bayaang tumagos sa aking kataw��n.
II.
PAGSISISI......
(TULANG MAY ANIM NA BAHAGI.)
_ I.--Nasilaw sa dil��m.?II.--Ang hamak na palad.?III.--Gayon man, gayon ma'y...?IV.--Ang panghihinayang...?V.--Kung ikaw'y binata...?VI.--Sa ab�� baban~gon..._
?PAGSISISI.....!
Sa iyo
=_Nasilaw sa dilim_=...
I.
Anang m~ga tao: _Ang m~ga makata'y?Sadyang isinilang upang magsiluha._?Nang una'y ayokong dito'y maniwala?Subali't sa n~gayo'y nakita kong tama.
Ang luha n~g tao ay may m~ga dahil,?May luhang nagmula sa pagkahilahil,?May sa pagkaapi sa isang giniliw,?May sa pagkalayo sa inang butihin.
Ang luha n~g aking nagsisising puso?Ay hindi nanggaling sa pagkasiphayo,?Ni sa pagkaapi n~g aking pagsuyo,?Ni sa pagkagahis n~g isang palalo.
Ang luha ko'y buhat sa di pagkataya?Na ang tao'y mayrong _balon_ n~g parusa,?Ang pagsisisi ko ay bumabalisa't?Bumawi sa akin n~g aking ligaya.
Talagang ang tao'y sadyang walang tigil,?Namali nang minsa'y ibig pang ulitin,?Ang tanaw sa _mundo'y mundong_ walang lihim?At sa _Dios_ ay _Dios_ na di matandain.
Ang mundo n~ga nama'y batbat n~g paraya't?Nagkalat ang silo sa balat n~g lupa,?Dito kung mayron mang sampagang dakila?Ay may tinik namang pamutol n~g nasa.
Ang pagkamasakim sa ban~go at puri?Ang isinasama n~g lalong mabuti,?Ang pagtin~ging labis sa pagsintang iwi'y?Siyang pagkabagsak n~g isang lalaki.
Oh! _ban~gong_ pan~garap n~g uhaw na puso!?Oh! _puring_ nagbuwal sa lalong maamo!?Kayo ang _berdugong_ may bihis-pagsuyo?N~guni't iyang loob ay pagkasiphayo.
Ang sabik sa ban~go n~g isang sampaga't?Ang uhaw sa puri n~g isang dalaga'y?Siyang sumusunog sa kanyang pagasa't?Siyang nagsasabog niyong m~ga Troya.
Dakilang bulaklak: Ako'y naniwala?Na ang nagawa ko'y kahiban~gang pawa,?N~gayon ko natantong _birhen_ kang dakila,?May wagas kang puso't banal na akala.
Ako'y naririto't pinagsisisihan?Ang aking nagawang m~ga kasalanan,?Aking babaunin hanggang sa libin~gan?Ang hinanakit mo't magagandang aral.
Talagang nalisya ang aking pan~garap,?Puso ko'y inabot n~g bagyo sa dagat,??Ano't ikaw pa n~ga yaong binagabag?Gayong ikaw'y isang _anghel_ na mapalad?
Pawiin sa puso ang m~ga nangyari?At iyong alaming may ban~go ka't puri,?Samantalang gayon, ako'y nagsisisi?At binabawi ko ang m~ga sinabi.
N~guni't isang tanong: ?Kaya ang patawad?Sa namaling puso ay iyong igawad??Ang m~ga _luha_ ko'y siyang ihuhugas?Sa napaligaw ko't nagsisising palad.
=_Ang hamak na palad_...=
II.
Aywan ko kung ikaw'y magtaglay pang awa?sa nagsisi ko nang lakad at akala,?aywan ko kung ikaw'y kulang pang tiwala?sa m~ga nasayang at natak kong luha.
Kung natatalos mo ang luhang nasayang?sa mata ko't pusong laging naglalamay,?sana'y nasabi mong mayrong katunayan?ang dinaranas kong m~ga kahirapan.
Ang hinanakit mo, sumbat at paglait?ay pawang nakintal sa dila ko't isip,?at ang ating lihim sa silong n~g lan~git?ay siyang sa aki'y nakakaligalig.
Pinag-aralan kong ikaw'y kausapin?nang upang ihayag ang
Continue reading on your phone by scaning this QR Code
Tip: The current page has been bookmarked automatically. If you wish to continue reading later, just open the
Dertz Homepage, and click on the 'continue reading' link at the bottom of the page.