ang aking paggiliw?ay di matutubos sa _sala't hilahil_.
Ninanais ko nang ako'y makaguhit?n~g bagong palad kong walang bahid dun~gis?ay kung bakit ako'y lalong nabibin~git?sa pagkakasala at ikatatan~gis...!
Hanggang nagiin~gat itong kabuhaya'y?lalong nabubulid sa kapighatian,?hanggang ninanais yaong kalinisa'y?lalong dumurun~gis itong kapalaran...
Hindi ko malaman itong nangyayari?sa kabuhayan kong bihag mong parati,?ang Aklat n~g aking tunay na Pagkasi'y?puno na n~g aking m~ga pagsisisi.
Aking nalalamang hindi makukuha?n~g pagsisisi ko itong m~ga sala,?n~guni't bayaan mong ang aking pag-asa'y?mag-abang sa iyo, n~g awa't ligaya.
Kung ikaw'y hindi ko makatkat sa diwa'y?sapagka't _lunas_ ka sa aking pagluha,?ikaw sa _lungkot_ ko'y kamay n~g biyaya,?ikaw sa _uhaw_ ko'y hamog na mabisa.
Para ka mawaglit sa aking isipa'y?kailan~gan ko pa ang isang libin~gan,?at para maubos ang aking kundima'y?magbalik ka muna sa pinanggalin~gan.
Gaya n~g alam mo: kita'y iniibig?n~g isang pagsintang singlawak n~g lan~git?n~guni... ano't ikaw'y tila nahahapis?sa pagmamahal kong wagas at malinis?
?Nalulungkot ka ba? Di ko akalaing?iyong ikalungkot ang aking paggiliw,?di ko inasahang _dun~gis_ na ituring?ang pagmamahal kong may wastong layunin.
?At kung ikaw kaya ang naging lalaki't?ako ang pinalad na maging babae,?kung hinahamak ko ang iyong pagkasi?ay ilang puso mo ang di maruhagi?
Sana'y nalaman mo, kung ikaw'y binata?ang hirap sa mundo nang lumuhaluha,?sana'y natalos mong ang lalong dakila?ay nagiging taksil sa laki n~g nasa.
Huwag kang malungkot! Busugin sa layaw?ang uhaw sa iyong aking kabuhayan,?sa m~ga labi mo, ako'y nauuhaw,?sa m~ga pisn~gi mo, ako'y mabubuhay.
Kung marun~gisan ka n~g aking pagibig?ay pagibig ko rin ang siyang lilinis,?at kung nahawa ka sa taglay kong hapis,?hapis mo't hapis ko ay magiging lan~git.
=_Sa abo babangon_=...
VI.
Sa huli'y natumpak itong aking puso't?natutong tumupad sa aral mo't samo?titiisin ko nang ang aking pagsuyo'y?malibing sa hukay n~g pagkasiphayo.
N~gayon ko nalamang ang aking landasi'y?singdilim n~g iyong tinamong damdamin,?n~gayon ko natalos na ako'y sinupil?n~g matinding udyok n~g isang paggiliw.
Yamang sumikat na sa puso ko't isip?ang kaliwanagang bumihis sa hapis,?ay masasabi kong ang aking pagibig?ay handang lumagak sa pananahimik.
Magmula sa n~gayon, kita'y igagalang?sa n~galan n~g ating pagkakapatiran,?kinikilala ko itong kamalian?na siyang naglagpak sa aking pan~galan.
Ituring sa wala ang m~ga nangyari't?iguhit sa tubig ang m~ga nasabi,?ang laki at alab n~g aking pagkasi,?n~gayo'y gawing abo nitong pagsisisi.
Hindi pagkan~galay n~g aking panitik?ang naging dahilan n~g pananahimik,?kung hindi sa nasang huwag maligalig?ikaw pa n~g aking bulag na pagibig.
Napagaralan kong ikaw'y isang talang?kakambal n~g aking damdamin at diwa,?aking natutuhang tumpak n~ga at tama?ang m~ga aral mong mahalagang pawa.
Ang m~ga lungkot mo ay aking damdamin?at ang damdaming ko ay damdamin mo rin,?ang _akin_ ay _iyo't_ ang _iyo_ ay _akin_?at tayong dalawa'y may isang layunin.
Huwag nang ituring na ako'y kalaban?pagka't nagbago na ang aking isipan,?ang puso ko n~gayon ay naliwanagan?pa kislap n~g iyong mahalagang aral.
Dapat nang lumaki ang iyong pagasa?sa pagliliwayway n~g bagong umaga,?ang daan mo n~gayo'y puno n~g sampaga't?ang daan ko'y puno n~g tinik at dusa.
Magkakahiwalay itong ating palad?na gaya n~g Dilim at Haring Liwanag,?ikaw'y magtatago't... sa pamamanang?at may ibayo kang gayuma't pan~garap.
Samantalang ako'y tan~ging magtatago?sa utos sa akin n~g Huk��m na Puso,?sa pagliliwayway ay talang malabo?ang makakatulad n~g aking pagsuyo.
Napakapait man sa aking pagibig,?kita'y iwawalay sa pitak n~g isip,?sa abo n~g aking papanaw na awit?ay baban~gon itong buhay kong malinis.
Kung walang tiwala sa aking sinabi'y?saksi ko ang bagu't bagong mangyayari,?kung muling malisya ang aking pagkasi'y?tugunin n~g _sumpa_ itong pagsisisi.
III.
ALBUM NG DALAGA...
HANDOG:
=_Kay Bb. Concepcion T. Garcia_.=
_San Nikolas, Maynila_.
Album ng Dalaga...
I.
=_Simula_.=
_La princesita est�� bella_.
Ruben Dario.
Ipahintulot mo, dalagang mayumi,?Na ilarawan ko ang ganda mong ari,?Ipahintulot mong awitin kong lagi?Ang kagandahan mong makahibang-pari.
Bulaan ang madlang balitang _Prinsesa_?Kung sa ganda mo n~ga'y makahihigit pa,?At para sa akin, ikaw'y siyang _Reyna_?N~g m~ga kapwa mong masamyong sampaga.
Ang kaharian mo'y iyang kagandahan,?Ang m~ga buhok mo't matang mapupun~gay,?Ang paa't pisn~gi mo ay siya mong yaman.
Sa dalang ugali, ikaw'y isang birhen,?Kamia ka sa ban~go't sa pagkabutihin,?Sa hinhi'y sampaga't sa ganda'y... tulain.
II.
=Ang mga buhok mo=..._
_Tu pelo es una nube del Oriente_.
Salvador Rueda.
Ang m~ga buhok mo'y mahahabang ahas?Kung nakasalalay sa iyong balikat,?M~ga ulang waring di lupa ang hanap?Kundi sampagitang humahalimuyak.
Sa itim ay gabing walang buwa't tala,?Sa haba ay halos humalik sa lupa,?Sa lago'y halamang malago't sariwa,?Sa sinsi'y masinsin at nakahahan~ga.
Naging katulad ka niyong Penelopeng?may timtimang pusong miminsang kumasi't?Ang naging aliwa'y luha't paghahabi.
Sa haba n~g iyong buhok nakilala?Ang kadalisayan n~g pagkadalaga?At ang kahabaan n~g isang pag-asa.
III.
=_Ang mga mata mo..._=
_Cantar quise tus ojos_.
=Campoamor=.
Nang ikaw ay bago sumipot sa lupa'y?Ipinanghiram ka n~g mata sa tala,?Dalawang bituing sa hinhi'y sagana?Ang naging mata mong mayaman sa awa.
Sa m~ga mata mo'y aking nasisilip?Ang bughaw na pilas n~g nunun~gong lan~git,?Mababaw na dagat ang nasa sa gilid?Na ang naglalayag ay pusong malinis.
Di ayos matalim, ni hugis matapang,?Ni hindi maliit, ni di kalakihan,?Ang m~ga mata mo'y maamo't mapun~gay.
Kahinhina't amo ang nan~gan~ganinag,?Kalinisa't puri ang namamanaag,?Umaga ang laging handog mo sa palad.
IV.
=_Ang mga pisngi mo_=.
_Naciente luz te corona_.
Espronceda.
Ang lahat n~g buti'y natipon na yata?Sa kabataan mong ilag sa paraya,?Pati n~g pisn~gi mong pisn~gi niyong saga?Ay nakahihibang at nakahahan~ga.
Ang m~ga pisn~gi mo'y malambot, maamo,?Mayumi, manipis at hindi palalo,?Ang san~gahang ugat kahit humahalo,?Ay napapabadha't... di makapagtago.
Kung ikaw'y hindi ko dating kakilala?Ako'y mamamangha kung aking makita?Ang m~ga pisn~gi
Continue reading on your phone by scaning this QR Code
Tip: The current page has been bookmarked automatically. If you wish to continue reading later, just open the
Dertz Homepage, and click on the 'continue reading' link at the bottom of the page.