Buntong Hininga | Page 4

Pascual de Leon
at tayo'y nagkita!?ang lamang palagi nitong alaala'y?ang iyong pan~gakong hindi magbabawa?na n~gayo'y ibig kong tuparin mo sana,?n~gunit hinding hindi. Ang aking pagasa'y?iyong ipinako sa kurus n~g dusa.
Sa ganyang paraa'y di kaya manglambot?ang kabuhayan kong puyapos n~g lungkot??At sa pagkabigo'y hindi ba himutok?ang sa damdamin ko'y minsang maglalagos??Ang mukha n~g araw ay biglang lumubog?sa likod n~g isang mapanglaw na bundok.
Sulyapan mo n~gayon itong kalagaya't?balisang balisa sa kapighatian,?at hanggang hindi mo binibigyang tibay?ang naging pan~gako sa dusta kong buhay?ang kaluluwa ko'y magiging larawan?n~g nakalulumong kurus at libin~gan.
?ANG REYNA ELENA.....!
Ayu't lumalakad. Magarang magarang?animo'y bituing nahulog sa lupa,?kung minsa'y nagiging hibang itong diwa?at kung magkaminsa'y para akong bata,?paano'y hindi ko masukat sa haka?ang nararapat kong ihaing paghan~ga.
Kung kita'y itulad sa dakilang araw?at ako ang lupa, ang lupang tuntun~gan,?ay masasabi mong ako'y walang galang?at ako ay bihag niyong gunam-gunam.?Subali't butihin! Ang aking tinuran?ay tibok at utos n~g katotohanan.
Kung ikaw'y Reyna man sa ganda't ugali,?naman sa pan~garap, ako'y isang Hari;?kaya't kung sabihi'y tala kang mayumi,?hamog sa umaga, ban~gong walang pawi,?ikaw ay manalig, manalig kang tan~gi?at ang nagsasabi'y nabatu-balani.
Hanggang tumataas iyang kalagayan?nama'y naiingit itong kapalaran,?ang gunitain ko ay baka mawalay?sa puso mo't diwa ang aking pan~galan,?kung magkakagayon, irog ay asahang?sa aki'y babagsak ang Sangkatauhan.
Sa iyo'y bagay n~ga yaong pagka-Reyna,?pagka't sa ayos mo'y isa kang Zenobia,?may puso kang Judith, may n~giting Ofelia,?may diwang de Arco't may samyo kang Portia,?samantalang ako, akong umaasa'y?isa lamang kawal na lun��d sa dusa.
Sa paminsan-minsa'y maanong kuruing?wala nang itagal ang aking damdamin,?kung magdaramot ka, Reyna kong butihin?at di mahahabag sa pagkahilahil?ay iyong asahang ang aking paggiliw?ay magkakalbaryong walang p��gmamaliw.
=?Huwag kang manganib...!=
(SAGOT SA LIHAM MO)
I.
Maasahan mo ang aking pag-ibig,?ang buong buhay ko hanggang mayrong lan~git,?hanggang mayrong araw, tala, gubat, batis?ang iyong pan~gala'y laging na sa isip.
II.
Huwag kang man~ganib! Di ko malilimot?ang ganda mong iyang sipi sa kampupot,?ang ban~go at tamis n~g isang pag-irog?ay na sa sa iyo't hindi mauubos.
III.
Nang matunghayan ko ang padalang liham,?luha ko'y tumulo sa kapighatian,?paano'y gumuhit sa aking isipan?na: _ang tagump��y ko'y iyong kamatayan_.
IV.
Di ko akalaing iyong ikahapis?ang pagtatagumpay n~g ating pag-ibig,?ang m~ga luha mo'y ulan n~g pasakit,?ang kalumbayan mo'y pagdilim n~g lan~git.
V.
Ang pagtiwala'y tibay n~g pagkasi,?timbulan n~g puso n~g naruruhagi,?panilo sa m~ga tapat na lalaki,?pag-asa n~g palad na di mapuputi.
VI.
Huwag mong isiping ako'y magsasawa?sa ating suyuang busog sa biyaya,?ang iyong larawa'y laging na sa diwa't?ang iyong pan~galan ay aking dambana.
VII.
Aking natunghayan sa padalang sulat?ang kalungkutan mo't sinisimpang hirap.?Kay hirap maghintay n~g masayang bukas!?Kay hirap sabikin n~g isang pan~garap!
VIII.
Magtiis ka irog! Darating ang araw?na ikaw at ako ay magkakapisan,?ang ulap sa ati'y biglang mapaparam?at magliliwanag ang Sangkatauhan.
IX.
Huwag kang man~ganib! Darating sa atin?ang isang sandaling batis n~g paggiliw,?diy��n matataya ang di magmamaliw?na aking paglin~gap sa pagkabutihin.
X.
At kung katunayan n~g aking pag-ibig?ang hinihintay mong sa iyo'y isulit?ay narito akong gaya mong may hapis?at isinusumpa ang nunun~gong lan~git.
=?Lihim ng mga titig!...=
Ibig kong hulaan sa silong n~g Lan~git?ang lihim na saklaw niyang m~ga titig,?isang suliraning nagpapahiwatig,?n~g maraming bagay, n~g luha't pag-ibig.
Ako'y manghuhula sa bagay na iyan,?pagka't nababasa, sa hugis, sa galaw?n~g m~ga titig mong halik n~g kundiman?ang ibig sabihin at pita n~g buhay.
Ikaw'y nagtatapon nang minsa'y pagsuyo,?minsa'y pang-aaba't minsa'y panibugho,?minsa'y paanyaya sa tibok n~g puso?nang upang sumamba't sa iyo'y sumamo.
Ang m~ga titig mo'y may saklaw na lihim,?at maraming bagay ang ibig sabihin,?n~guni't sa palad ko'y isang suliraning?nagkakahulugang ako'y ginigiliw.
?CHOLENG...!
(Tan~ging sinulat upang?ihandog sa kaarawan mo--?ika 13 n~g Nov.)
I.
Guhit n~g liwanag, kislap n~g ligaya,?talutot na ginto n~g isang sampaga,?kalupi n~g buhay, hamog sa umaga,?Bathalang ang awa'y hindi magbabawa,?kaban n~g kundimang sa nan~gun~gulila'y?halik n~g biyaya't sugo n~g ginhawa,?timbulan n~g palad sa m~ga parusa,?tinig na mayumi n~g mahinhing maya.
II.
Larawang kalasag sa m~ga pasakit,?tulay n~g lwalhating patun~go sa lan~git,?halamang magarang sa paligid-ligid?ay m~ga bulaklak na kaakitakit,?bundok na palaging sa libis ay batis?na maiinuman n~g budhing malinis,?dagat na payapang katapat n~g lan~git?na minsa'y magban~gong kapan~gapan~ganib.
III.
Sultana n~g Pasig, mahinhing Makiling,?sa ganda'y reyna nang dapat pan~garapin,?isang Sinukuang anang salaysayi'y?babaing bumihag sa libong damdamin,?usok n~g kamanyang na di magmamaliw,?Lan~git na masaya at Buwang butihin,?Olimpong mayaman sa m~ga awitin,?buhay na badhaan n~g isang paggiliw.
IV.
Tahimik na lan~git na nan~gan~ganinag?ang lamang biyayang tugon sa pan~garap,?m~ga kayamanang hindi matitinag,?sampagang sa ban~go'y tulang walang kupas,?talang nagsasayang may mayuming sinag,?aklat na talaan n~g aliw n~g palad,?dahon n~g kaluping yaong nasusulat?ay kadakilaan n~g damdaming in~gat.
V.
Tingkad n~g pagasa, tuhog n~g kampupot,?kudyapi n~g palad, tamis n~g pagirog,?watawat na sipi sa lalong matayog?na kaligayahang hindi mauubos,?haligi n~g buhay na di matutupok?n~g apoy n~g samang dito'y nagsianod,?bathala n~g gandang kung siyang magutos?sa matatakuti'y mawawalang takot.
VI.
Iyan ang si Choleng na sadyang mayumi't?laman n~g panulat na kahilihili,?iyan ang larawang aking binabati?at isang dalagang hiyas nitong Lahi,?iyan ang diwatang ang paguugali'y?mayamang talaan n~g saya't lwalhati,?iyan ang sampagang ang samyo, ang uri'y?pawang kapalarang walang pagkapawi.
VII.
At n~gayo'y araw mo! N~guni't ano kaya?ang maiaalay sa isang himala??Walang wala Choleng! Hindi m~ga tula,?ni hindi pan~garap sa gitna n~g tuwa,?kundi m~ga mithing: _buhay_, _lak��s_, _tyaga_,?ang sa talaan mo ay man~gapatala,?iyan ang mabuting kalasag na handa?upang sapitin mo ang inaadhika.
VIII.
Basahin pa Choleng sa aklat n~g
Continue reading on your phone by scaning this QR Code

 / 15
Tip: The current page has been bookmarked automatically. If you wish to continue reading later, just open the Dertz Homepage, and click on the 'continue reading' link at the bottom of the page.