Buntong Hininga | Page 3

Pascual de Leon
halaman,?sa damdam ko baga'y ang bawa't hawakan?n~g m~ga kamay mo'y nagtataglay buhay.
Yaong "makahiyang" mahinhi't mayumi?n~g iyong hawaka'y hindi man nan~gimi,?paano'y may galing ang iyong daliri't?ang m~ga kamay mo'y banal, tan~ging tan~gi.
Sa puso'y tumubo ang isang paghan~ga,?naguhit sa pitak ang isang diwata,?aywan ko kung ikaw! At tila ikaw n~ga!?Subali't Mayumi, ?ikaw'y maaawa?
Magsabi ang aklat na iyong binasa?kundi ang buhay ko'y siniklot n~g dusa,?magsabi ang gubat kung hindi natayang?ang tulog kong puso'y iyong binalisa.
Mayumi, buhayin ang yumaong araw?sa tabi n~g batis at lilim n~g parang,?kung magunita na'y dapat mong malamang?naririto akong tigib kalumbayan.
=Bagong Taon=...
Hindi ko matalos kung ang aking puso'y?Magbabagong ta��n sa pagkasiphayo,?Ako'y naririto't ikaw ay malayo?Na animo'y buwang sa aki'y nagtago.
Inaasahan ko n~g buong pagasa?Na ikaw sa aki'y sadyang lumimot na,?Kung magkakagayo'y iyong makikita?Ang maputlang bangkay sa gitna n~g dusa.
Ako, sakali mang iniwan sa hirap?Ay nagsasaya rin kahit sa pan~garap,?Sapagka't nais ko na iyong mamalas?Na ako'y marunong magdal�� n~g palad.
At sa pagpasok n~ga n~g bagong taon mo?Ay pawang ligaya ang hinahan~gad ko?Na iyong tamuhin sa buhay na ito?Kahit pan~garap daw ang lahat sa mundo.
KUNDIMAN NG PUSO
?...............!
Pan~galang sing-ban~go n~g m~ga sampaga,?laman n~g tulain, hamog sa umaga,?awitan n~g ibong kahalihalina,?bulong n~g batisang badha n~g ligaya.?Sa aki'y sukat na ang ikaw'y mamalas,?upang magkadiwa ang aking panulat,?sa aki'y sukat na ang ban~go mong in~gat?upang ikabuhay n~g imbi kong palad.?Ikaw ang may sala! Bulaang makata?ang hindi sa iyo'y mahibang na kusa,?bulaang damdamin ang di magtiwala?sa ganda mong iyan, n~g lahat n~g nasa.?Yamang ginulo mo ang aking isipan?at naging n~giti ka sa aking kundiman,?bayaan mo n~gayong sa iyo'y ialay?ang buong palad kong tan~ging iyo lamang.?Napakatagal nang ikaw'y natatago?sa pitak n~g aking lumuluhang puso,?ang iyong larawa'y talang walang labo?at siyang handugan n~g aking pagsuyo.?Kung nagbabasa ka'y tapunan n~g malay?ang kabuhayan kong walang kasayahan,?kung masasamid ka'y iyo nang asahan?na ikaw ang aking laging gunamgunam.?Sa paminsanminsa'y tapunan n~g titig?ang isang makatang hibang sa pagibig,?bago ka mahiga'y tumin~gin sa lan~git?at mababakas mong ako'y umaawit.
=?ALA-ALA....!=
Huw��g mong isiping kita'y linilimot,?huwag mong asahang ang aking pag-irog
ay wala't kupas na?sa kimkim mong ganda,?huwag, aking kasi. Walang pagkatapos?ang tibok n~g pusong napabubusabos.
Ikaw'y nagmalaki! Ako'y di binati?at parang hindi na kakilalang tan~gi,
ganyan n~gang talaga?ang taong maganda,?mapagmalakihin sapagka't may uri?na lubhang mataas kay sa isang Hari.
Ako'y linimot mo. Kahit magkakita'y?hindi man n~gitian, gayong kakilala,
hindi ba't diwata?ikaw nitong diwa??Hindi ba't batisan ikaw n~g pag-asa?at ikaw'y may ban~gong sipi sa sampaga?
Tapunan n~g malas ang masayang araw?na ako'y busabos niyang kagandahang
pumukaw na muli?sa aking kudyapi,?doo'y mababakas ang isang larawang?ako'y nakaluhod at nananambitan.
Iyan ang larawan n~g isang makata?na uhaw na uhaw sa kimkim mong awa,
Iyan ang umawit?sa lahat n~g sakit?na taglay n~g pusong laging lumuluha?at sabik na sabik sa iyong kalin~ga.
N~gayo'y naririto't muling umaawit?ang iyong makatang inapi't hinapis,
habang inaapi'y?lalong lumalaki?sa dilag mong iyan, ang aking pag-ibig?pagka't ang puso ko'y singlawak n~g lan~git.
=Saksi=...!
I.
Ikaw nga'y dapat kong mahalin nang labis?at ukulang tan~gi n~g aking pagibig,?pagka't natunayang ikaw'y isang lan~git?na di dadalawin n~g m~ga pan~ganib.
II.
Nananalig akong napakadalisay?n~g iyong pag-ibig sa ating suyuan,?kaya't ang puso ko'y nagpapakatibay?hanggang sa sumapit ang dakilang araw.
III.
Pagaaralan ko, hanggang makakaya?na ikaw'y malagak sa tuwa't ginhawa,?pagiin~gatan kong huwag kang magdusa?kung na sa sa akin ang iyong ligaya.
IV.
Kaya't aking irog: Ikaw'y pumanatag;?at kung sakali mang tayo'y mabagabag?ay huwag magtak�� sa Sangmaliwanag?pagka't ang lan~git ma'y nagaalapaap..!
=Kundiman=...!
Dalagang butihin: Huwag kang human~ga?kung iyong makitang ang mata'y may luha,?ang kabuhayan ko'y hindi maapula?sa ikatatamo n~g tan~ging biyaya.
Ang luha sa mata'y laging bumabalong,?ang aking damdamin ay linilingatong,?ang kulay n~g madla'y malamlam na hapon,?ang ayos n~g lahat ay parang kabaong.
Sa aking paghiga'y laging nakikita?ang iyong larawan, dakilang dalaga?ikaw'y maniwalang ako'y umaasa?na di aabutin ako n~g umaga.
Kaya't kung sakaling ikaw'y may paglin~gap?kung may pagtin~gin ka sa imbi kong palad,?ay mangyari mo n~gang iligtas sa hirap?ang kabuhayan kong sawa sa pan~garap.
=Ang iyong pangako=
_Sa iyo, Pitimin��_.
Bago ka umalis at naglakbay baya'y?may naging pan~gakong sa aki'y iniwan?pan~gakong sa aki'y naging bagong araw?na nikat sa gitna n~g katanghalian,?paano'y pan~gakong sa katotohana'y?nagbukas n~g pinto n~g kaligayahan.
Ikaw'y napalayo. Ako'y ilinagak?sa lan~git n~g isang masun~git na palad?napatulad ako sa kimpal n~g ulap?na walang bituwing magarang ninikat,?ang kabuhayan ko'y naging isang dagat?na di matatawid kahit sa pan~garap.
Pinag-aralan kong luman~goy sa sakit?at buong lakas ko ang siyang ginamit?ang iyong pan~gako sa aking pan~ganib?ay siyang timbulang kaw��y n~g pagibig,?noon ko nalamang ang taglay kong hapis?ay di magbabawa't singlawak n~g lan~git.
Pinagtiisan kong labanan ang aking?pasanpasang hirap at m~ga damdamin,?ang kawikaan ko'y ang gabing malalim?na napakasun~git ay natatapos din.?Ang taglay kong dusa kung ako'y palarin?ay magiging say��ng hindi magmamaliw.
Walang saglit na di ang iyong pan~gako?ang napapasulat sa aklat n~g puso,?walang araw na di ang aking pagsuyo?ay sabik sa tuwang kapintupintuho?kaya't nangyayaring madalas maligo?itong aking palad sa luhang nunulo.
Isinulit mo pang sa iyong pagdating?ang iyong pan~gako'y sadyang tutuparin,?ang aking pagasang puyapos n~g dilim?ay kinabakasan n~g bahagyang aliw,?paano'y umasang iyong tutubusin?ang kunis n~g buhay sa guhit n~g libing.
Magmula na noo'y naging maliwanag?ang lan~git n~g pusong nagaalapaap,?ang kurus na aking laging namamalas?sa m~ga libin~gan n~g nan~gapahamak,?sa aking panin~gin ay naging watawat?na kulay lungtiang kapan~gapan~garap!
Ikaw'y napabalik,
Continue reading on your phone by scaning this QR Code

 / 15
Tip: The current page has been bookmarked automatically. If you wish to continue reading later, just open the Dertz Homepage, and click on the 'continue reading' link at the bottom of the page.