taong nanan~gis sa gabing payapa?na minsa'y maiyak, at minsa'y matuwa.
Malasin ang ayos n~g kahabaghabag?n~g pusong dinusta n~g kanyang pan~garap;?malasin ang luha, ang luha n~g palad,?ang luhang nagmula sa kanyang pagliyag?na pinagkaitan n~g tamis n~g lin~gap.
Tuman~gis na muli! At saka humibik?na mandi'y puputok ang latok na dibdib;?kanyang ipinukol ang mata sa lan~git?kasabay ang sabing:--"?Kailan pa sasapit?ang mithing ligaya n~g aking pag-ibig"?
"?Oh! Diosa n~g aking yaman n~g pag-asa,??kailan mo tutubsin ang puso sa dusa???kailan papalitan n~g tunay na saya?ang nagluluksa kong ulilang pagsinta?na nananambitan...!"--at saka tumawa.
Ha! ha! ha! oh! irog! Aking paraluman,?hantun~gan n~g aking buong kabuhayan!?kung hinihiling mo'y tulang tula lamang?n~g upang ang dusa'y minsang mabawasan,?naito't dinggin mo ang tula n~g buhay.
"Halika! halika! Tangapin mo n~gayon?ang tula n~g aking pusong lumalan~goy;?basahing madali't dingging mahinahon?ang hibik n~g bawa't talatang nanaghoy,?ang awit n~g palad, ang sigaw, ang tutol.
"Oh! pusong maramot! Pusong mapang-api,?walang awang tala sa pagkaduhagi,?halika! ha! ha! ha! ang dilim n~g gabi,?ang hal��k n~g han~gin ay pawa kong saks��?sa panunumpa kong kita'y kinakasi.
Halika't sinagin sa luha n~g puso?ang kulay n~g aking sinimpang pagsamo,?halika't basahin sa pamimintuho?ang gintong pan~garap n~g aking pagsuyo?na nananawagan hanggang masiphayo",?. . . . . . . . . . . . . .?. . . . . . . . . . . . . .?. . . . . . . . . . . . . .?Dito na natapos ya��ng panambitan,?dito na naputol ang pananawagan?n~g sira ang bait, n~g ul��l, n~g hibang,?n~g pusong ginah��s at pinagkaitan?niyang luwalhating katumbas n~g buhay.
?An��ng hirap pala n~g gawang humibik?sa isang ayaw mang tumugo't makin��g!??An��ng hirap pala n~g gawang umibig?lalo't aapih��n sa silong n~g lan~git?n~g hin��hibikang pinapanaginip.....!
=?KURUS AT LIBIN~GAN..!=
(PAMAMANGLAW)
(Irog: Kung ang kalungkutan?ko'y tinutugon n~g iyong?damdamin ay pamuli't muling?basahin mo lamang ang?awit na ito. At ako'y talagang?may ugali na _matapang_ sa?likod, at _duwag_ sa harap.)
I.
Narito't malasin itong kalagayan?At tutop ang no�� sa kapighatian,?Aking binabakas yaong kasayahang?Nasulat sa dahon nitong kabuhayan.
II.
Hindi makakatkat ang m~ga talata?Na tik��m sa guhit n~g m~ga biyaya,?At kung mayroon pang tagistis n~g luha?Ay luhang nanggaling sa pagkariwara.
III.
Sa aking kalupi, sa aklat n~g palad?Ay may m~ga bagay na nan~gasusulat,?Diyan makikita ang mukhang may hirap?At pusong malaong lunod sa pan~garap.
IV.
Diyan mamamalas ang isang larawang?Sipi sa ulila't payapang libin~gan,?Diyan makikita ang dusta kong buhay?Na sawang-sawa na sa kaw��y n~g hukay.
V.
Hindi ko matalos itong nangyayari't?Ang namamalas ko'y dil��m na parati,?Bulo sa pagsuyo, bigo sa pagkasi,?Kurus sa baunan n~g naduduhagi.
VI.
Sa pinto n~g puso'y nanawag na lagi?Ang tinig n~g dusang nakaaaglahi,?Parang nananadyang sa aki'y bumati?Ang labi n~g hirap, tinik, dalamhati.
VII.
Nais kong umibig. N~guni't natatakot?Na ako'y umibig at saka lumuhog,?Pagka't nan~gan~gambang sa aki'y matapos?Ang lahat n~g aliw nitong Sangsinukob.
VIII.
Wala nang parusang gaya n~g tuman~gis?Sa harap n~g isang hindi umiibig,?Wala nang parusang gaya n~g tumitig?Sa sun~git n~g dil��m n~g gabing tahimik.
IX.
Sukat na sa akin ang ako'y malagak?Sa pamamangka ko sa ilog n~g hirap,?Sukat nang masabing lagi kang pan~garap.?At matitiis na ang pasang bagabag.
X.
Walang kailan~gang mamatay sa dusa?Huwag ang bawiin ang pagkikilala,?Aking katuwaan kung ikaw'y makita?Sa piling n~g aliw na di magbabawa.
XI.
Aking matitiis na sarilihin ko?Ang lahat n~g pait sa buhay na ito?Kahit ang magtimpi'y halik n~g simbuy��?Huwag ang abuting ikaw pa'y magtampo.
XII.
Ipalalagay kong masayang aliwan?Ang namamalas kong kurus at libin~gan,?Sapagka't sa aki'y darating ang araw?At diyan uuwi ang hiram kong buhay.
XIII.
Di ko pinupukaw ang pagkamapalad?Niyang iyong buhay na bagong ninikat,?Ikaw ang bituwing takpan man n~g ulap?Ay maghahari din ang ningning na in~gat.
XIV.
Lamang ang han~gad kong iyong mapaglining.?Ay ang aking lungkot na di nagmamaliw,?Lungkot na aywan ko kung saan nanggaling?Kung sa m~ga aklat n~g isang paggiliw.
XV.
Matapos mabasa ang awit n~g buhay?Ay limutin mo na ang aking kundiman,?Sapagka't ayokong mahawa kang tunay?Sa taglay kong lungkot at kapighatian.
=KUNG AKO'Y SINO=...
I.
Huw��g nang itanong; iyong akalaing?akong naghahayag n~g maraming lihim?ay isang binihag n~g m~ga hilahil,?isang kaluluwang busabos n~g lagim,?isang nan~gan~garap sa ganda mong kimkim,?isang tumatan~gis, isang dumadaing,?isang nagaalay n~g kanyang paggiliw,?isang umaasang hindi hahabagin.
II.
At kung ako'y sino? Sukat na n~ga sinta!?ako ang tutugon sa mithi mo't pita...??Ninanais mo bang ako'y makilala...??Kung gayo'y makinig:--Akong sumasamba?sa iyong larawan sa tuwi-tuwina'y?pusong laging bihag n~g hirap, n~g dusa,?ako ang linikhang uhaw sa ginhawa't?may ulap na lagi ang aking pag-asa.
III.
At kung ako'y sino? Isang nan~gan~garap?magtamong biyaya sa iyong paglin~gap...?Isang umaawit n~g lihim at hayag,?isang kandong kandong n~g m~ga bagabag,?isang nasasabik uminom, lumasap?sa saro n~g buhay n~g tuwa, n~g galak,?isang binabayo n~g m~ga pahirap,?isang umiibig sa iy�� n~g ganap.
=Si Puring...!=
Sabihin na ninyong ako'y nan~gan~garap?�� nananaginip sa Sangmaliwanag?ay di babawiin itong pag-uulat?sa isang dalagang may magandang palad.
May tikas-bayani at tindig Sultana,?may hinhing kaagaw n~g m~ga sampaga,?may samyong kundimang hindi magbabawa?datnan ma't panawan n~g gabi't umaga.
Ang mat��ng katalo n~g mayuming tala'y?sapat nang bumihis sa pusong naluha,?ang n~giting animo'y kaban n~g biyaya'y?makaliligaya sa m~ga kawawa.
Si _Jos�� Vendido'y_ subukang buhayi't?sa diwatang ito'y pilit na gigiliw,?paano'y may gandang batis n~g tulain,?paano'y may yuming aklat n~g damdamin.
=?NOON=...!
Noon, ikaw'y aking minamalasmalas?sa pusod n~g gayong tahimik na gubat,?ang iyong larawan noo'y nasisinag?sa linaw n~g batis na awit n~g palad.
Ikaw'y namimili n~g batong mainam?at nilalaro mo ang m~ga
Continue reading on your phone by scaning this QR Code
Tip: The current page has been bookmarked automatically. If you wish to continue reading later, just open the
Dertz Homepage, and click on the 'continue reading' link at the bottom of the page.