A free download from www.dertz.in
The Project Gutenberg EBook of Buntong Hininga, by Pascual De Leon
This eBook is for the use of anyone anywhere at no cost and with almost no restrictions whatsoever. You may copy it, give it away or re-use it under the terms of the Project Gutenberg License included with this eBook or online at www.gutenberg.net
Title: Buntong Hininga
Mga Tulang Tagalog
Author: Pascual De Leon
Release Date: August 5, 2005 [EBook #16446]
Language: Tagalog
Character set encoding: ISO-8859-1
? START OF THIS PROJECT GUTENBERG EBOOK BUNTONG HININGA ***
Produced by Tamiko I. Camacho, Jerome Espinosa Baladad,?Pilar Somoza and PG Distributed Proofreaders from page?scans provided by University of Michigan.
[Transcriber's note: Tilde g in old Tagalog which is no longer used is marked as ~g.]
[Paalala ng nagsalin: May kilay ang mga salitang "ng, mga," at iba pa upang ipakita ang dating estilo sa pag-sulat ng Tagalog na sa ngayon ay hindi na ginagamit.]
=BUNTONG HININ~GA=
MGA TULANG TAGALOG
NI
=PASCUAL DE LEON= _(Pasleo)_
_M��nunulat sa p��hayagang "Ang Mithi" ("El Ideal")?at kasapi sa "Aklatang Bayan"_
UNANG PAGK��PALIMB��G=
_Limbagang "LA FRATERNIDAD" Ilaya 672, Tund��_
=_MAYNILA, K.P.--1915._=
PANGBUN~GAD
=PANGBUN~GAD=
_Pasleo: Pagdamutan ang?nakayang handog n~g kapatid?sa kapatid_:
_Tunay at ang mund��'y maginto't mamutya:?may dunong, may pilak, may ganda, may tuwa,?may puri, may lahi't may bahay... datapwa,?ang lalong maran~g��l sa ami'y: ang tula_.
_Ako'y hindi sil��w sa ningning n~g ginto;?di tak��t sa dunong; di gul��t sa tayo;?sa mutya'y di kimi't sa ganda'y di dun~go,?n~guni't sa dakilang tula'y: yukong-yuko._
_Pano, sa ang tula sa is��ng panulat?ay siyang lahat na: dunong, puri, pilak...?sa is��ng makata ang tula'y: ?lah��t-lah��t!_...
_Ay��n si Pasleo: ay��'t ang namana?niy��ng Diwa't Puso'y ipinababasa...?Lah��t na'y narit��: ap��y, tam��s, gand��_...
=_Pedro Gatmaitan._=?_Maynila, Sept., 1915_.
I.
BUNTONG HININ~GA
=BUNTONG HININ~GA=...
Ako'y nagtataka! Aywan ko kung bakit?nagbabago yaring damdamin ko't isip,?ganyan na n~ga yata sa silong n~g lan~git?ang gawang mamuhay sa laot n~g hapis.
Aywan ko kung bakit! Sa aki'y pumanaw?ang lahat n~g tamis nitong kabuhayan,?sa aki'y nag-iba ang lahat n~g kulay,?sa aki'y pag-api ang lahat n~g bagay!...
Talaga n~ga yatang balot n~g hiwaga,?balot n~g pan~garap at pagdadalita?ang palad n~g tao kung magkabisala!?Pawang agam-agam ang laman n~g lupa...!
Walang kilos na di paghamak sa akin,?walang bagay na di anyaya n~g lagim,?walang dulot na di sa aking panin~gi'y?aninong malungkot n~g m~ga hilahil.
Aywan ko kung bakit nagbago ang lahat?sa kabuhayan ko't matimtimang palad;?Samantalang ako'y inaalapaap?ay masasabi kong: ?Lahat ay pan~garap!...
=?HINAGPIS=.....!
I.
Hindi ka na bago! Dati mo n~g alam?ang hindi pag-imik kung naguulayaw;?ako'y pinipipi n~g aking paggalang,?n~g aking pagsuyong mataos, dalisay.
II.
Pinunit sa harap upang makilala?ang alab n~g aking sinimpang pag-sinta,?diyan masusubok ang mithi ko't pita,?diyan masisinag ang luksang pag-asa.
III.
Wala ka n~gang sala...! Ang kurus n~g hirap?ay dapat matirik sa dusta kong palad!?Ako ang pulubing sa tinawag-tawag?ay lalong inapi... binigyang bagabag...!
IV.
Di ko akalaing ang lan~git n~g puso?ay man~gun~gulimlim... biglang maglalaho,?di ko akalaing sa likod n~g samyo?n~g m~ga sampaga'y may lihim na suro...!
V.
Animo'y nagtikom sa gayong sandali?ang pintong maramot n~g awa't lwalhati,?sa aki'y para nang ang kahilihiling?sinag n~g ligaya'y lumubog, napawi...!
VI.
N~gayo'y pamuli pang umaawit-awit?sa dilag mong kimkim, gandang maka-Lan~git,?kung may alinlan~gan sa taghoy, sa hibik,?ay maging saksi pa ang aking _hinagpis_.
?DALAMHATI!...
I.
Aninong malungkot noong kahirapan?ang buhay n~g tao sa Sangsinukuban,?ang tuwa't ligaya'y hinihiram lamang?kaya't ulap waring dagling napaparam.
II.
Ang mabuhay dito'y kapan~g��pan~ganib?sa munting paghakbang ay silo n~g sakit,?umiibig ka na n~g buong pagibig?ay ayaw pang dinggin ?ay himalang lan~git!
III.
Hindi ka tatamo n~g bahagyang galak?kundi pa matulog at saka man~garap,?gayon man, kung minsa'y paos na nanawag?sa pagkakahimbing ang tinig n~g hirap.
IV.
Sa paminsanminsan, sa aking gunita?m~ga pagsisisi yaong tumutudla.?Bakit pa lumaki't natutong human~ga't?ang paghan~ga pala'y kapatid n~g luha?
=?AKO=...!
(... estoy enfermo y p��lido?de tanto no dormir...?ACU?A.)
Puso ko'y malungkot! Malungkot na tila?Ibong walang laya't lagas na sampaga,?Sa pasan-pasan kong mabigat na sala'y?Lason at patalim ang magpapabawa.
Ang ayos n~g mundo ay isang kabaong,?Nagtayong kalansay ang puno n~g kahoy,?Dila n~g halimaw iyang m~ga dahon?At sigaw n~g api ang in~gay n~g alon.
?Ano't ganito na ang pasan kong hirap!??Ano't ganito na ang aking pan~garap!?Ang lahat n~g bagay ay napatatawad,??Patawarin kaya ang imbi kong palad?
Gabi-gabi ako'y hindi matahimik?Na parang sa aki'y mayrong nagagalit,?Ang pasan kong _sala'y_ laging umuusig?Sa kabuhayan kong di man managinip.
=?ULAP=...!
I.
Sa aking pagdaing, sa aking pagtawag,?sa sinamo-samo n~g dusta kong palad?ay palaging dilim at libin~gang ulap?ang hangang sa n~gayo'y nagiging katapat.
II.
Lahat na'y nabata n~g aking pag-ibig,?lahat na'y nasukat nitong pagtitiis,?lahat na'y napasan sa silong n~g Lan~git?maging ang parusang pagkalupit-lupit.
III.
Nagbago ang lahat! Subali't ang sagot?n~g irog at buhay, sa aking pag-luhog?ay sadyang hindi pa binabagong lubos,?waring inu-uri ang aking pag-irog...
IV.
N~guni't kaylan kaya sa kanya'y papanaw?ang ulap n~g isang wari'y alinlan~gan??at sa akin kaya'y kaylan mabubuksan?ang pintong may susing katumbas n~g buhay.
V.
Ang nakakatulad n~g aking pag-giliw?ay isang pulubing dumadaing-daing?na sa kanyang taghoy at pananalan~gin?ay walang maawang maglimos n~g aliw!
VI.
Kanyang sinusubok ang aking pagsuyo,?kanyang tinatarok ang luha n~g puso,?kanyang binabasa sa pamimintuho?yaong katunayan n~g sinamo-samo.
VII.
Samantalang ako'y tumatawag-tawag,?lumuluha-luha sa gitna n~g hirap,?ay walang kapiling maging sa pan~garap?liban sa anino n~g m~ga bagabag.
VIII.
Ulap n~g hinagpis, ulap n~g parusa?ang nagpapasasang aking dinadama,?n~guni't kaylan kaya sa aking pagsinta'y?ang ulap na iya'y magiging ligaya.
=?ANG LUHA NG HIBANG=.....!
Ayun, tumatan~gis! Ayun, lumuluha't?tumataghoy-taghoy na nakaaawa.?Malasin ang hibang, ang sira ang diwa,?ang
Continue reading on your phone by scaning this QR Code
Tip: The current page has been bookmarked automatically. If you wish to continue reading later, just open the
Dertz Homepage, and click on the 'continue reading' link at the bottom of the page.